Chapter 27: Kids in Love

10.9K 587 166
                                    


Trigger Warning: This chapter contains disturbing scenes depicting harassment, coercion, and exploitation. Please proceed with caution.


✦✧✦

JUMP

Nang masigurado kong nakaalis na 'yong kotse nila Fammie mula sa bintana, nakahinga na ako nang maluwag at humiga sa kama. Hinawakan ko 'yong dibdib ko, ang bilis pa rin ng pagtibok. Hindi ako makapaniwala na nakita ko siya.

Ang totoo niyan, maaga akong nakarating dito sa hotel. Nakita ko si Vince na may kasamang dalawang babae. Napulsohan ko na agad ang balak niyang gawin sa dalawang 'yon, pero nagulat ako nang makita ko kung sino sila. Si Fammie... at nakilala ko rin 'yong isa. Si Rona, 'yong laging nambu-bully sa kaniya.

Hindi ko alam kung paano nila nakilala si Vince. Ang alam ko lang, kailangan ko silang iligtas.

Narinig ko 'yong pagbukas ng pinto. Nakapikit pa rin ang mga mata ko. Nakabalik na ba 'yong mga Crossed Bones na naghahanap sa kanila kanina?

"Vince? Rei?" I asked. Nagulat ako nang biglang may humaplos sa pisngi ko, malambot na kamay ng isang babae.

"Carmen!

Ngumiti siya sa'kin habang hinahaplos pa rin ang mukha ko. "Go back to sleep, I'm sure pagod ka pa."

Bumangon ako sa kama at umupo sa tabi niya. "Ano'ng ginagawa mo rito?"

Hindi siya sumagot at nanatili lang na nakangiti.

"Alam ko na, pinadala ka rito ng Crossed Bones para suyuin ako."

Tumawa lang siya nang mahina. "Ano'ng sinasabi mo? Hindi 'no."

"Obvious naman eh. No'ng pinatakas ko sila Fammie, nag-alala agad sila dahil baka kumalas ulit ako sa Crossed Bones. Pinadala ka nila rito para siguraduhin na mananatili pa rin ako sa organisasyon."

She sighed. "I went here on my own, Trap."

"That's what you want me to think!" Tumayo na ako sa kama at tumungo sa pintuan.

"Bakit ka ba ganiyan?" Sinundan ako ni Carmen. "Simula nang bumalik ka galing WSC, naging cold ka na sa'kin. Lagi mo 'kong iniiwasan!"

Huminto ako sa paglakad. Hindi ko alam kung ano ang isasagot.

"Ano ba'ng meron sa babaeng 'yon?" she asked.

Humarap ako sa kaniya. "Wala. Wala akong pakialam sa kaniya."

"Eh bakit mo siya niligtas?"

"Puwede ba Carmen, layuan mo na ako? Hindi na 'ko 'yong kilala mong Trap dati! You don't mean the same to me anymore."

"'Yon ba ang gusto mong isipin ko, Trap?" Lumapit siya sa'kin at hinawakan 'yong pisngi ko. "Alam kong nagsisinungaling ka, dahil hindi ka makatingin nang diretso sa mga mata ko."

Itinikom ko ang aking bibig at mga kamay.

"See? Hindi ka makasagot. Naiilang ka sa'kin. Pinipigilan mo 'yong sarili mo pero alam kong may gusto ka pa rin sa'kin. Mahirap nang sirain ang nabuo natin, Trap. Lumaki ka sa pag-aalaga ko, at lumaki ako sa proteksyon mo. We were a team, you and me. Ako lang ang nakakakilala nang lubusan sa'yo."

Hindi na ako nakapagsalita. Tama siya. Kabisado niya na 'ko. "Carmen..."

Pumasok sa isip ko ang isang alaala noong mga bata pa kami. Mga labing-dalawang taong gulang pa lang kaming parehas.

Trapped in a CandyWhere stories live. Discover now