Chapter 6

98 4 1
                                    

Jade's POV

Okay so nandito ako ngayon sa house ng grandparents ko, umuwi kasi yung relatives namin from States. Ayoko talagang pumunta dito kaso si Mommy, masyadong mapilit, sinundo pa nila ako sa school kanina.

7 pm na. Nandito ako sa room ko. Yes, may room din ako dito. Lahat kaming magcocousins, meron. Malaki kasi yung bahay. Mag-isa lang ako dito. Though close kami ng mga cousins ko, hindi muna ako sumama sa kanila para makipagkwentuhan, wala ako sa mood e. Pasensya na, PMS lang. At dahil gusto ko na talagang umuwi, bumaba na ko. Kahit ako na lang mag-isa umuwi, okay lang.

 9 pm na. And guess what? NGAYON. PALANG. KAMI. NAKAUWI. Ugh. Hindi kasi ako pinayagan umuwi ng mas maaga sa kanila e. Pagdating ko sa room ko, kinuha ko na agad laptop ko. Hindi ko kayang hindi makapag-internet ng isang araw. Facebook ko agad yung binuksan ko. Sabi kasi ni Marga, may assignment daw kami. Imemessage niya na lang daw sa akin sa fb kung ano yun. 

107 notifications

15 messages

54 friend requests

Araw araw na lang, hirap na hirap akong isa-isahin yan. Pero 10 friend requests lang ang kinoconfirm ko everyday, yung ibang hindi ko napiling i-confirm, nagiging subsciber ko na lang. Ayoko kasi ng masyadong marami friends ko e. Yung family, friends and schoolmates ko lang gusto kong friends. Inuna ko na yung requests, nag-accept ako ng 10. 

Maya maya lang, may nagchat sa akin at tumawag sa phone ko. Naks sabay pa. Tinignan ko yung phone ko, pagkita ko. Unknown number yung tumatawag. Sinagot ko yung call tapos tinignan ko na rin yung nagchat sa akin.

Anthony Martinez 9:27: Hi Jade, Anthony nga pala :)

Si Anthony Martinez, isa sa pinaka sikat na lalaki sa school. Ang daming nagkakagusto sa kanya. I remember last year, nung tumugtog yung band nila infront of the whole campus, kulang na lang sumabog ang school sa sobrang lakas ng tili ng mga babae. Mga obsessed lang. Actually, gwapo naman talaga yung lahat ng members ng band. Etong si Anthony lang nga ang angat kasi siya ang leader. Pero nagbago na ata ngayon, kasi I saw Chris with them the other day tapos yung mga babae, todo makatingin sa kanya. 

Magtatype na sana ako ng 'hi anthony'. Pero bigla kong narinig yung voice ng tumawag sa akin. Kaya eto lang nareply ko.

Jade Jimenez 9:30pm: OMGGGGGGGG. Wait. 

Sa sobrang saya ko nung narinig ko yung voice niya, nagtatalon ako sa kama. At yun, nasipa ko yung laptop, namatay tuloy. Pero di ko na muna inatupag yun, ang mahalaga, kausap ko siya.

-

Anthony's POV

Hanggang 12 ako naghintay kagabi na bumalik si Jade pero hindi naman bumalik. Siguro nga kinilig na masyado. 

"Tol, hindi kinilig yun. Si Jade Jimenez yun. Alam mo ba kung ano reputasyon nun dito sa school? Bat naman kikiligin sayo yun?" Jake. Sa awa ng Diyos, sumama na ulit sa amin 'tong si Jake.

"Ay nako pare. Sinabi ko naman sayo kung ilang G mayroon sa OMG niya diba? Panigurado kinilig yun!" 

"Dami ngang G, di ka naman binalikan. Haha." Christian.

"Hoy boy." hinampas ko yung balikat ni Christian. "hindi ko pa nakakalimutan yung atraso mo sa akin kaya wag ka munang tumawa dyan."

"Anong atraso?" confused na confused niyang sabi.

"Nauutal ka nanaman dyan Anthony." tumatawang sinabi ni Ethan.

If It's LoveWhere stories live. Discover now