Pag-uwi

7 1 0
                                    

(Only Person by K. Will)


--


Mas pinili namin ni Nick na mag-commute na lang ulit pauwi kaysa sumakay sa bus na sinakyan ng mga kasamahan ko. Kung bakit? Para masolo niya raw ako. Ang adik noh? Solo pero sa bus?

"Nick, ano ba yung pinagsasasabi mo kanina? Hindi ko naintindihan kasi Bisaya."

Natawa siya. "Hindi yun Bisaya at akala ko nga naintindihan mo kasi lumingon at naiyak ka pa."

Umiling ako.

"Iloko iyon. Dialect yun ng mga Ilocano."

"Aahh. Kaya pala grabe kung tumili yung mga tindera kasi naiintindihan nila."

"Gusto mo, turuan kita?"

Umiling ako. "No need basta tuwing magsasalita ka ng ganun, i-translate mo lang sa akin. So ano nga?"

"Sinabi ko lang na...

'Minamahal kita.'

'Mahal na mahal kita kahit di mo alam.'

'Akala ko di na kita makikita pero sa awa ng Diyos at nakita kita muli. Nangangako ako sa Kaniya at sa mga taong ito na hindi na kita kailanman iiwan at hindi na kita kailanman pababayaan.'

'Salamat.'

Tumango-tango na lang ako. 

Biglang nagsalitang ulit ang katabi ko. "Jillane. Mahal mo ba ako?"

Hindi na ako nagdalawang-isip na sagutin siya. "Sa tingin mo ba kaholding-hands kita ngayon kung hindi kita mahal." Itinaas ko magkahawak naming mga kamay para ipakitang seryoso ako.

"Oo, pero yan din ang sinabi mo tungkol kay Liam."

Sinamaan ko siya ng tingin. "So nagseselos ka sa kaniya? O, siya, tatapatin na kita. Alam mo ba nung makita kong magkasama kanina sina Liam at Levie wala akong naramdamang sakit dito." Tinuro ko ang sa tapat ng dibdib ko. "Pero ewan ko kung bakit bumilis ang tibok ng puso ko. At hayun, malapit ka pala. Happy?"

Tumango-tango siya na may malawak na ngiti. "Eh mahal ba kita?" 

Nang mapagtanto ko ang sinabi niya hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya at iniharap sa kaniya ang kaliwa kong kamao. "Umayos ka kundi susuntukin kita sa abs mo." Kinagat ko pa ang ibaba kong labi.

Gamit ang kanan niyang kamay, tinakpan niya ang tiyan niya. "Easy ka lang babes wag naman ang asset ko."

May pa-asset pa siyang nalalaman. Ilan kaya?

Para maiba ang usapan, tinanong ko siya. "Kaya mo pala sinabing second time mo nang pumunta rito."

"Actually third time. First, nung bata tayo. Second, nung ayusin ko ang lahat ng ito at third ngayong tayo na ulit."

"Andaya mo. Pinagpraktisan mo ito samantalang impromptu yung akin, hiyang-hiya nga ako kanina eh."

"Ayos lang iyan. Alam ko namang hindi ako mabibigo."

Pinaghahampas ko siya. "Alam mo muntik na sanang masira ang lahat nung dinamayan mo ako at sinabihan mong...

'Ganyan ba ang nararamdaman mo ngayon? Ayos lang yan. Kung sino man yang walang-kwentang babaeng iyan, kalimutan mo na siya.'

...tawang-tawa na talaga ako nun buti at naisipan ko pang yumuko.

Pinaghahampas ko pa siya ng pagkalakas-lakas. "Kainis to."

"Sorry na." Kahit kinikilig ako sa boses niya, kailangan ko namang magpakipot ng konti.

"Walang sorry sorry. Magbayad ka ng utang mo."

"Anong utang ko? Ah oh--"

Lumapit si Nick sa akin hanggang sa ilang pulgada na lang ang layo ng mga mukha namin sa isa't isa.

"Kuya hahalikan mo po ba si ate?" Biglang may cute na boses ang nagsalita.

"Ikaw na naman?!" Sabay pa naming sigaw ni Nick.

"Ate totoo nga yung sinabi mong kulot na si Thor."

Napanganga ako sa sinabi nung bata. Joke lang iyong sinabi ko pero nagkatotoo? "T-talaga?"

Ngumiti siya ng malawak. "Joke lang. Uto-uto ka din pala ate. Kala mo ah." At hindi na siya tumigil sa kakatawa. 

Kung wala lang siya magulang na kasama ngayon, hinila ko na ang dila ng bastos na batang 'to.

Tiningnan ko naman si Nick na ngingiti-ngiti halata mong nagpipigil ng tawa.

"So kung pinagpraktisan mo lang lahat, edi pati yung pagmamahal mo sa akin?" Tanong ko sa kaniya para maiba na ang usapan.

Tiningnan niya ako sa mga mata ng hindi na natatawa. "Hindi ko pinagpraktisan ang pagmamahal ko sa iyo. Simula pa noong mga bata tayo, mahal na kita at mas lalong lumalim ngayong magkasama na tayo ulit. Parang kanila Ibarra at Maria Clara lang diba?"

At muntik na akong mapatili kung di ko lang napigilan ang bunganga ko nang kindatan niya ako with matching nakakabuntis na ngiti.

"At isa pa, kung napagpraktisan ko lahat, edi may singsing ka na ngayon."

Pagkasabi niya nun ay isinandal niya na ang ulo niya sa ulo ko dahil nga maliit lang ako at ipinikit ang mata.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na tumili kahit mahina lang dahil naintindihan ko ng wagas ang sinabi niya.

"Wag kang masyadong kiligin hindi pa ako tapos. May utang pa ako sa iyo."

Umayos siya ng pagkakaupo at hinawakan ako sa magkabilang braso. Hindi man lang ako pumalag at umangal. Inilapit niya ang mukha niya sa akin at inangkin niya na ang labi ko.

Maliwanag ang buwan at may bituin sa langit.

Malamig ang gabi at umiihip ang hangin.

At habang itinatangay ako nito, kasama ko ang lalaking tunay na mahal ko.

Kapag umihip ang hangin, maraming nasisira at nagbabago pero kapag umihip itong muli, kahit pa ang nasirang puso ay kaya nitong buoin.

E N D




















~•~

DEDIKASYON

Salamat sa Kaniya at sa mga sumusunod...

• Jhingbautista 

• chixnita

• areyaysii

• mercy-jhigz

• Evernote*

Nagpapasalamat po ako sa kanila dahil sa short stories nila na talagang naka-inspire sa akin para gawin ang FL. At kahit sobrang iksi o kahit walang matibay na plot, makakabuo ka ng magandang kuwento.

*Nagpapasalamat ako sa Evernote dahil siya ang kasama ko habang isinusulat ko ang FL.


Field TripWhere stories live. Discover now