Pagdating

9 1 0
                                    

 (Your World by SE O)

 
--

                     "WELCOME TO ILOCOS SUR"

"Jillane, Jillane, gising na. Nandito na tayo."

Tinapik-tapik ko siya sa pisngi dahil nakarating na kami.

Inalis na niya ang ulo niya sa balikat kong kanina pa nangangawit. Nagunat-unat rin siya ng konti. "Ayieeee!!! Nasa Ilocos Sur na tayo!"

Alas otso na nang makarating kami sa unang munisipyo rito.

"Ang ganda nun oh. Tingnan mo dali." Hinila niya ako palapit sa bintana at tinuro ang isang maganda at malaking bahay sa di kalayuan.

Hindi na rin siya umupo. Hindi na rin siya mapakali. Mamaya pupunta siya sa may kanan tapos mamaya sa kaliwa para kumuha ng litrato. Para siyang bata kaya ang cute niya.

Bago siya ulit kumuha ng litrato sa kanan, hinila ko siya para umupo. "Mamaya ka na kumuha ng picture marami pa sa pupuntahan natin sige ka baka ma-lowbat iyan."

"Ayos lang may power bank naman ako."

Nagsimula ulit siya sa ginagawa niya. Pero nung puro bahay na lang ang nakikita niya, huminto na siya at pinagmasdan na lamang ang mga images.

"Ang ganda noh?"

Tiningnan ko lang siya. "Oo, sobrang ganda."

Nang mapansin niyang nakatitig lang ako sa kaniya imbes na sa ipinapakita niyang camera, inilayo ko ang aking paningin at sinubukang mag-focus sa mga larawan.

"Nakita na kaya itong lahat ni Liam?"

"Siyempre. Ang dinadaanan natin ngayon, dinaanan na din nila."

Pinatay na niya ang camera niya. "Pero ang lungkot lang. Hindi niya ako kasama nung nakikita niya ang mga ito."

"Ayos lang. At least kasama mo ako habang nakikita mo ang mga ito. Maswerte ka."

Tumawag siya ng mahina. "Ako pa talaga ang maswerte ah."

"Talaga."

Nagkwentuhan at nagtawanan pa kami hanggang sa dumating na ang konduktor upang singilin ang bayad.

"Bayad na po sa aming dalawa." Inabutan ko siya ng dalawang libo pero may ibinalik siyang isang libo.

"Isa na lang bawas na rin dahil nagmamahalan kayo." 

"P-po? Hindi ko po siya boyfriend ang totoo nga po hindi ko siya kilala."

"Hay naku."

Hindi na nagawa pang magpaliwanag ni Jillane dahil pumunta na ulit sa harapan si Kuya.

Pinalo ako ni Jillane. "Ano ka ba!? Hindi ka man lang nagpaliwanag."

Pinanatili kong seryoso ang aking mukha. "Miss, do I know you?"

"Abat antipati..." 

"Nandito na po tayo! Dahan-dahan lang sa pagbaba at huwag kalilimutan ang mga gamit!"

Kinuha ko na ang bag ko at saka tumayo at nagsimulang maglakad papunta sa pinto ng bus.

Iniwan ko na siya doon ng walang lingon.



P A N A N A W  ni  J I L L A N E

Iniwan ba naman ako.

Dali-dali kong kinuha ang bag ko at saka sumingit sa pagbaba para maabutan ko pa si Nick.

Field TripDonde viven las historias. Descúbrelo ahora