Pagpunta

15 1 0
                                    

Nang magsimula ng umandar ang bus pagkaakyat ng huling pasahero, hindi pa rin mapakali ang katabi ko. Hindi rin naman na ako nag-abalang magtanong. Hindi naman kami ganoon ka-close.

"Pwede bang diyan na lang ako sa may tabi ng bintana?" Tanong ng katabi ko.

"Ayoko."

"Sige na please. Gagawin ko lahat ng gusto mo, ibibigay ko lahat ng gusto mo diyan lang ako sa bintana."

"Lahat??" Pag-uulit ko.

"Oo. Lahat." Madiin niyang sagot pero bigla siyang napayakap sa sarili niya. "Wag lang ang pagkatao ko."

Pinigilan kong matawa dahil sa ibig niyang sabihin.

"Oh ano? Ngingiti-ngiti ka diyan ah. Diyan na ako?" Tumayo na siya.

"Ayoko." Madiin kong sagot para ipahiwatig na pinal na ang aking desisyon.

"Sige na nga." Umupo siya at nilapit ang mukha sa tenga ko. "Pati na ako." Mahina niyang bulong.

Narinig kong may nasamid kaya nilibot ko ang aking paningin at nakita ko ang isang binata na nakaharap sa amin.

"Kuya, anong ibig sabihin ni ate?"

Inosente niyang tanong. Anong isasagot ko?

Tiningnan ko ang katabi ko. Lumayo siya sa akin at nginitian yung bata ng pagkatamis-tamis. "Wala iyon."

"Hala, tingnan mo oh, may rainbow-colored unicorn dun oh." Dagdag ko pero hindi pa rin niya inaalis ang tingin niya sa amin.

"Tingnan mo oh, sinasakal ni Hulk si Wolverine!" Sabay turo ni Jillane sa may bintana kaya naman agad itong tiningnan nung bata.

"Wala naman po eh." Angal niya.

"Tingnan mo lang, mamaya makita mo si Thor diyan na kulot ang buhok, tingnan mo dali." Tumalima naman yung bata at hindi na kami inistorbo.

Lumapit ulit siya sa akin at bumulong. "Basta papanagutan mo ako."

Akala ko titigil na siya sa pangungulit eh.

"Oh ano? Deal?"

"A-ayo...ko." Bakit ako nauutal?

"Ayaw mo di wag."

Hindi ko inaasahan ang sumunod niyang ginawa. Tumayo siya at umupo sa hita ko.

Tinulak-tulak ko siya pero hindi siya patitinag. "Oo na. Oo na." Umusog ako ng kaunti at siya na ang nakaupo malapit sa bintana. "Basta sabihin mo lang kung anong gusto mo at kung kailan."

Bakit parang nag-init ang mukha ko?

... katahimikan...

"Alam mo ba kung bakit gusto ko sa may bintana?"

Ayaw ko mang magsimula ng conversation sa pagitan naming dalawa... hindi ko na napigilan. "Dahil sa view."

"Para sa ibang mga normal, oo, maaari. Pero sa akin, hindi."

"Abnormal ka?" Hangga't maaari kasi gusto ko maiksi lang ang mga sasabihin ko para hindi halatang nai-intrigue ako.

Hinampas niya ako sa balikat. "Loko, hindi. Alam mo bang sa iyo ko lang ito sasabihin so secret lang natin ito."

Pakiramdam ko tuloy napaka-special ko. Kung siya abnormal, ako special child. Bagay pala kami eh. Erase.

Marahil nahihirapan na siyang siya lagi ang naga-adjust kaya ang ginawa niya, hinila niya ako sa leeg at binulungan ako. "Hindi kasi ako magaling makaalala ng mga bagay na hindi ko madalas makita tulad ng mga view na ganito eh hindi naman kasi ako palagi rito kaya sa pamamagitan ng hangin rito dun ko naalala." Dire-diretso niyang sabi.

Field TripWhere stories live. Discover now