Chapter 69

7.2K 71 1
                                    

CHAPTER 69

(Paalam Shella)

ABEGIL'S POV

Oo, hindi ko alam kung kasalanan ko ba kung bakit nabura sya sa mundo. Hinding hindi ko mapapatawad ang aking sarili, Sa bawat bagay na aming pinagsaluhan napakasaya ko na. Napakagulo ng aking isip at puso nun munit sya lang ang naglilinaw nito. Hindi ako makapaniwalang saamin nya ibinigay ang huling hangin ng kanyang buhay. Hindi ako makapaniwala na sa isang tunog at putok ng kamalasan ay dadapo sa kanya ang kamatayan. Tunay akong nagluksa para sa kanya. Hindi kompleto ang aking buhay kung wala sya.

Naalala ko pa ang ala ala na aming pinagsasaluhan! Nuon. Kung pwede palang ibalik ang panahon at kung pwede palang baguhin ang kapalaran ng bawat isa ay matagal ko na yung ginawa.

FLASHBACK

"Alam mo maam, Yang mga iyak na iyak na yan, hindi naman yan makakapagpabago sa realidad ehhhhh. Tara punta tayo sa Mall, Sa Gilid lang dito ang Mall". sabi nang babae.

"Ahyst wag na baka maabala pa kita". ako

hinawakan nya ang aking braso at hinaplos haplos ang aking likuran

"Ok lang yan Maam, Dali na.. dun tayo sa Jollibee o Sa Mccdo basta kung san gusto mo, kakain tayo dun". sambit nya saakin

kitang kita ko ang kaniyang kabaitan, ang kaniyang kabutihan sa puso. Swerteng swerte ang taong makakasalamuha nito.

hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at tumango nalang ako upang makalabas din ako sa hotel na ito.

Naglakad kami ng naglakad hanggang sa maabot sa Jollibee.

"Maam, ano gustong order mo? libre ko!". sabi nya saakin

at nginitian nya ako

"Ahm, naku po, nakakahiya naman". sabi ko

"Ahyst, wag napong hiya hiya.. ehhhhh ituring mo nalang po akong kaibigan maam". sabi nya sakin

tama ba tong ginagawa ko? na makipagkaibigan sa di ko pa kilala

"Wag ka pong mag aalala maam, hindi po ako kidnapper ni holdapper, di po ako masama, inosente po ako". sabi nya, at dahil dun ay napangisi nya ako.

"Hehehehe, kahit ano basta gusto mo din, kung ano gusto mo yun nalang saakin". sabi ko, ano ba dapat itatawag ko sa kaniya.

"Ahyst, hindi pwede yun maam, may ibat ibang mga gusto tayo, ayukong kumain ka ng pilit hehehe". sabi nya sabay tawa..

Kay bait mo namang tao

"Ahm Chicken Joy nalang at saka Coke, yun lang". sabi ko

sabay kamot sa ulo ko

"Okay game, give me a minute maam". sabi nya sakin, sabay kindat...

Sa katauhan nya, pinapaalala nya ang ate ko.

habang naghihintay ay iginala ko ang aking mga mata sa kung saang direksyon. Nakita ko ang mga bata na masayahin, kasama ang kanilang mga magulang.. Nais ko sanang kumain ng ganito kasama ang aking anak.

Ngunit ang mundo ay tinalikuran kami, pati ang tadhana ay nagtatraydor saamin. Mga swerte na nagsisipaglayasan mula saamin.. at mga tukso na palaging nangongombinsi saamin.

Kailan paba matatapos ang kahirapang ito?

Napakasakit saaking damdamin ang makitang masaya ang mga magulang na nagbabantay sa kanilang mga anak, samantalang ako nangangarap na naway ganyan din ang aking mararanasan balang araw. Ngunit ayukong umasa sa wala. Ilang buwan na ang nakalilipas. Madami na sana kaming nagawang mga ala ala kung hindi pa sya nawalay mula saakin.

Dahil sa kakaisip ko ay hindi ko na namalayang nandito na pala ang babae.

"Ano pangalan mo?". i ask her in a respective manner.

"Just call me Shella Maam". sabi nya sakin, at ngumiti.

inilapit nya saakin ang aking chicken joy, ang aking coke at ang suice ng friend chicken.

"Shella? may anak kana ba?". pagtatanong ko...

bigla syang natahimik at nahinto sa pagkain at seryusong tumingin saakin.

"Wala na po sya eh". pilit ang ngiti at namumugto ang luha sa kaniyang mga mata.
hindi ko sinasadya na masabihan ka ng ganyan, at maitanong ko yan Shella.

"Im so sorry". paumanhing sabi ko, tiyak na masakit iyon para sa kaniya. depende kung kailan nangyare.

"Ok lang yun, matagal naman yun eh. hehe". sabi nya, sabay kain at pilit ngumiti kahit alam kong nasaktan sya sa tanong ko. Ang kaniyang mga matay namumugto ng mga luha.

"Sige na, kain kalang Shella, Andito lang ako para sayo". sabi ko

tumingin naman sya sakin at ngumiti

"Ako po ang anjan saiyo, at ikaw ang kakain na Maam, di kapa kumakain eh.. baka gutom kana?". sambit niya sakin, tinignan ko ang aking plato at wala nga akong nagalaw na pagkain, ni isang kanin.

"Ahyst pasensya na! hehehehe, sige kakain nako ha? wala ng bawian to ha? Baka sisingilin moko tas nakain ko na?". pambibiro ko sa kanya, humagakhak naman ito sa tawa na tiyak makukunan ng atensyon ng lahat ng mga kumakain sa Jollibee.

"Oo na, Sige na maam kain kana". sabi nya sakin..

FLASHBACK END

Namulat ako sa realidad ng magsimula ng mag iyakan ang pamilya ni Shella. Mas lalong bumabagsak ang mga luha saaking mga mata. Napaka pula na ng aking mata kasalukuyang nagka Eyeshades ako para hindi halata na umiiyak ako. Ayukong ipapamahagi sa iba ang hitsura ko kung umiiyak ako.
May dala akong puti na rosas, at bago paman ako lumapit sa kabaong ni Shella na unti unti ng ibinaon sa malalim na hukay ay tinignan ko muna ang mga bulaklak. Tinignan ko ang Puting rosas na ito, at ngumiti dahil sa ala ala na ibinigay nya saakin.

May mga tao talaga na akala mo maging parte ng buhay mo! Munit magiging isang karakter lang pala ng isang kwento para matuto ka. At malaman ang mga gawain mo na ikaw mismo ay hindi mo alam kung ano ito.

All i can say, Thanks for the memories we have shared each other Shel. I will Miss you so much.

"Thanks for being apart of my story". The last message na naibitiw ng aking mga labi at sabay tapon ng puting rosas sa hukay, at hindi na nakapagpigil pa ang aking mga mata ng itoy tumulo na ng tumulo, ayukong pilitin na ngumiti sa kanila dahil mas lalong sasakit ang puso ko.

"Its okay". sabay haplos ni Kim saaking likoran. Ngumiti ito saakin ng pilit kahit alam ko na nagdurusa din ito.. Bigla namang dumating si Meg saamin at hinawakan ni Kim ang beywang nito at saka inilagay na naman sa Leeg niya.

Mga mag Ama talaga!! Tsk.

Accidentally Got Pregnant by a Billionaire ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon