Chapter 51

4.5K 65 0
                                    

CHAPTER 51

(Paghahabol)

KIM'S POV

Tumakbo ako tungo kay kuya driver dahilan upang manlaki ang kanyang mga mata.
Ang kanyang muka ay punong puno ng duda.

"s-sir?". tanong nya saakin..

"Kuya, tamang tama ka. Napakatama mo po, Nandito nga ang anak ko, eywan ko ba kung matutuwa ako o magagalit pero Kuya, Anna ang pangalan nung babaeng nakita mo nun, At nasa kanya ang anak ko. Ninakaw nya ang anak ko!". sambit ko sa kanya na syang dahilan upang manatiling nanlaki ang kaniyang mga mata.

Patuloy kong sinabi kay Kuya Driver ang mga bagay na nalalaman ko pa lamang hinggil kay Anna. Kahapon pa lamang, nung naguusap kami. Nabanggit nya saamin ang kanyang lugar.
Nais kong puntahan munit nahihiya ako kay Kuya Driver, May pamilya din siya. Baka naghihintay na sa kanya ang pamilyar nya.

"Kuya Arnold. ahm.. Baka po hinanap kana po ng pamilya nyo, nais ko pa po sanang manatili dito para hanapin anak ko!". sambit ko sa kanya.

Ngumiti naman siya saakin at parang may nais iparating ang kanyang mukha.

"Oyyy si sir Kim ohh parang hindi kilala saakin. Wala akong pamilya hoy, Single pa ako! at saka 22 years old palang ako". tugon nya sakin dahilan upang manlaki ang aking mga mata na nakatingin sa kaniya.

"Talaga po?". ako

ngumiti naman ito.. at napakamot sa ulo

"oo nga hahaha". sabi nya sabay ngisi at tawa..

"Ehhhhhhh baka maistorbo po kita?". sabi ko

Ngumisi ito ng malaki saakin at umayos ng upo

"Ok lang yun, Sige na sakay kana.. ihahatid kita sa kung san yung babaeng iyon!".

"Sir Kim!!!". malakas na sigaw ni Rikka. Nilingon ko naman ito.

"Ano yun?". pagtatanong ko

"Wag nyo na pong sayangin oras nyo sa pagpunta sa bahay niya__".

nalilito ako kaya bigla akong sumabat

"W-what do you mean?". nauutal na tanong ko sa kaniya

"Sir, dahil wala po kayo kanina nagiwan po sya ng salita na sana daw po ngayong week lang ay papayagan nyo po daw sya sa pagpunta ng Bohol dahil may nangyare dawng masama sa Papa ni Anna". sabi nya saakin

Bohol? What does she mean? pumunta sa Bohol?!
Ouh gosh.. tadhana talaga, andun din ako pupunta.

"A-ano daw nangyare sa papa niya?". pagtatanong ko

umayos naman sya ng pagkakatayo at inayos din ang salamin nyang suot

"Na Ospital daw po sir Kim, nagkakasakit!". sambit niya sakin

hindi ko na sya pinatuloy na pinakinggan, tumakbo ako tungo sa building ko at tuloyan ng pumasok sa entrance, Sumakay ako ng Elevator papunta sa 2nd Floor dahil andun yung office namin. Nung makarating na ako ay agad na din akong pumasok sa Office ko. I open the door at bumungad sakin ang mga Stock Holders.

"Hey Kim! Good morning have a safe trip sa Bohol ha?". sabi nila saakin

nginitian ko nalang at agad na kinuha ang mga box

Agad akong tumakbo tungo sa elevator kaso may tao pa.. hindi ko na pinatagal pa, Nasa 2nd floor lang naman ako eh. Kaya agad akong nagmadaling bumaba sa 1st floor gamit ang hagdan.

"Sir have a safe trip". sabi ni Rikka na papasok na sa building samantalang ako ay papalabas dito..

"Thanks!". sambit ko

Ilang minuto pang kakandarapang maglakad ay nakaabot na ako kay Kuya Arnold. Yung si Kuya Driver..

"K-Kuya dalhin mo nalang po ako sa Airport, Pupunta na po ako sa Bohol!". sabi ko sa kaniya..

ngumiti naman ito at tumango.

I feel the pressure of this day, Nais ko ng makita ang anak ko.
Nais ko ng makita..

ilang minutong usapan sa loob ng taxi ay nakaabot na din ako sa Airport.

"sir Kim? ingat ka palagi!". bilin nyang salita saakin,

kinawayan ko naman sya at nginitian.

"I will". tugon ko.

Pumasok na ako sa Terminal, at kumuha ng ticket.
Salamat hindi pa nakabyahe ang eroplano tungo sa Bohol..

Agad kong tinignan ang relo ko at 12:28 PM na, At ba byahe sa 12:30 PM Deym!!!! Wala na akong oras.. Nagkakandarapa akong tumakbo tungo sa eroplano.

*Togsh*

Shit!! nahulog yung Box, Agad kong binalikan at bago ko to kinuha ay tinignan ko ulit ang Relo ko, Its already 12:29, Isang Minuto nalang talaga.

Tumakbo ako ng tumakbo ng tumakbo ng tumakbo ng tumakbo hanggang sa

⊙_⊙...........AKO

╮(╯▽╰)╭.......Ako

Nakasakay ako!

Wala ng time para mag antay kung kelan ba byahe dahil nung pagsakay ko ay Insaktong 12:30 Pm na, Ba byahe na. Sinuot ko naman yung Mask ko para hindi na naman dadagsain ng mga tao.

"swerte ka ahhhh! nakasakay kapa". sabi ng katabi kong lalake

"Oo nga ehhh". tugon ko sa kaniya

"Trip to Bohol? or from Bohol?". tanong nya saakin

tinignan ko naman sya

"Trip to Bohol eh, Trip na parang hindi trip". ako

nanlaki naman ang mga nito at nanatiling nakatingin sakin

"What do you mean?". pagtatanong nya saakin

"What do you mean? By Justin Beiber?". ako

tumawa naman sya ganun din ako..

"Nagugutom ako. wooaahhhh". bulong ko, hindi ko akalaing narinig niya yun.

"Ahm Maam?". tawag nya sa isang Stewardest.

"Yes sir?". Babae

"Ahm Can you please give us a Cup noodles lang, okay?". siya

tumango naman ito

"Yes sir, as you wish". babae

nginitian ko nalang sya kahit di nya makitang nakangiti ako, naka mask kasi ako.
munit halatang halata sa aking mga mata.

"Here sir". sabi ng babae

agad ko namang kinuha ang aking wallet at kumuha ng pera

"Oy wag, ako nalang. Ako ang babayad.. ako naman yung humihingi eh". sabi nya saakin

"Di ako nalang yung babayad, di ko din naman kasalanang narinig mo yung sinabi ko hehehe ako nalang". sabi ko sa kanya sabay ngisi

munit hindi nya pa din akong pinayagan na bumayad, kaya pinabayaan ko nalang sya.

"Salamat ha?". sabi ko

ngumiti naman ito...

"Its ok. Ahm Miss can we Know you? ahm ano pangalan mo?". siya

Nanlaki ang aking mga mata ng itanong nya yun sa Babae..

"Bro, Babae ohhh! Sakyan mo na". sabi nya sabay kindat saakin

nag hand sign naman ako na huwag

"May asawa na ako". sabi ko

nanlaki ang kaniyang mga mata na para bang hindi makapaniwala
Sa gitna ng oras na iyon, lumipas ito at bumungad na saakin ang kagandahan ng Bohol.

"Oh ano na? bye bye na tayo, Nandito na tayo sa Bohol". siya

"Oo nga, salamat pala ha?". tugon ko at saka nginitian sya.

Accidentally Got Pregnant by a Billionaire ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon