Last Part

325 16 2
                                    

"NAKIPAGBALIKAN KA?" hindi makapaniwalang tanong ni Troy. Galit. At puno ng sakit ang mga mata nitong tumutok kay Helena. "Akala ko ba ay ayaw mo pagkatapos ay nakipagbalikan ka? What were you thinking?"

"Nandito ako para humingi ng tawad-"

"Shut up! Hindi ikaw ang kinakausap ko!" bulyaw ni Troy kay Linus.

Tinulungan ni Helena na makatayo ang napuruhang si Linus. Nagulat na lamang si Helena nang biglang sumulpot si Troy at sinuntok si Linus. At mukhang iniisip nitong nakipagbalikan na siya sa ex niya.

"Pwede ba Troy? Hindi ito ang oras para sermunan mo ako. Sinaktan mo si Linus!"

"Sinaktan ka din naman niya! Bakit sa akin ka lang nagagalit?" sagot ni Troy.

Pumikit ng mariin si Helena upang ipunin ang lahat ng pasensya niya. Nagpunta roon si Linus upang makausap siya. He was sincerely sorry for all the things he had done. Nagpaalam na rin ito sa kanya at nangakong hindi na siya guguluhin. Na natanggap na nitong wala na itong puwang sa puso niya. Humingi ito ng permiso na yakapin siya ng huling beses. And she agreed, for good old times sake! Iyon ang naabutan ni Troy bago nito napagdesisyunan na pingasan ang mukha ni Linus.

Binalingan ni Helena si Linus. "I'm sorry. Kaya mo pa bang magdrive pauwi?"

"I'm okay. Siguro dapat ay mag-usap din muna kayong dalawa." mahinang saad ni Linus at ngumiti na lalo namang ikinainis ni Troy.

"Oo. Umuwi ka na't huwag ka nang babalik."

"Troy!" saway ni Helena. Nagpaalam sa si Linus sa kanya bago pumasok sa sarili nitong kotse. Hinintay pa niyang makaalis na ito ng tuluyang balingan si Troy.

"Bakit mo ginawa iyon?" angil ni Helena kay Troy. Magkasalubong na ang kilay ni Troy at mukhang nagtitimpi lamang.

"Ikaw, bakit ka nakipagbalikan doon? Are you out of your mind, Helen?"

"Wala ka nang pakialam doon!" aniya imbes na itama ang binata. Sinubukan niyang iwanan ito ngunit hinaklit lang nito ang braso niya.

"Hindi pa tayo tapos mag-usap. At huwag mong sabihing wala akong pakialam. How could you say that when you're all I care about!"

Tila may sumipa sa sentido ni Helena dahil sa sinabi ng binata. Hindi na niya hahayaan pang madala na naman siya sa mga salita at gawa ng binata. Kung may mahal itong iba, then fine! Tatanggapin niya iyon ngunit huwag naman ganitong pinapaasa siya nito!

"Cut the crap, Troy! Alam natin pareho na kaya mo lang ginagawa ito ay dahil sa sulsol ng mga kaibigan ko at ng pinsan mo. Mabuti na rin palang nagkita tayo ngayon at nang matapos na natin itong kadramahang ito. You can stop acting like my boyfriend, now."

"I didn't do it for them! Iyan ba ang gusto mong sabihin sa akin? You want us to stop?"

Kumunot ang noo ni Helena. Tila kinukurot ang puso niya. "O sige! Ano na lang? Naaawa ka sa akin? Sige, nakakaawa ako. Okay na?" aniya. Natigilan pa siya sapagkat naramdaman niya ang mainit na likidong gumuhit sa pisngi niya. Bahagyang lumambot ang ekspresyon ng binata nang makita siyang umiiyak. Mabilis niyang pinalis ang mga luha.

"Alam mong hindi iyan totoo, Helen. Anuman ang sinabi at ginawa ko, it was all genuine." mas mahinang wika ni Troy.

"Yeah right."

"Are you really back with him?"

"Nakita mo na diba? Paulit-ulit ka ng tanong Troy, nakakangilo ka na, Bumalik ka na nga lang don sa Patrice mo!" Nakagat ni Helena ang ibabang labi dahil sa nasabi. Gumuhit ang gulat at pagtataka sa mukha ni Troy.

Helen of TroyWhere stories live. Discover now