Part 6

243 14 0
                                    

ILANG ARAW ding hindi nagpakita sa si Linus kay Helena. Hindi ito nagtetext o tumatawag. Inakala na lamang ni Helen na sumuko na ito sa kanya matapos nitong matunghayan ang kabulastugang pakana ni Troy.

That bastard was such a tease.

Hindi rin pinapansin ni Helena si Troy tuwing dumadalaw ito sa cafe. Na siya namang araw-araw nitong ginagawa. Bawat pagpapapansin nito ay hindi pinapatulan ni Helena. Kung daanan lang niya si Troy ay tila isa itong masamang hangin lang sa paligid na naligaw. Nilalagpasan at hindi kinakausap. Nakatingin lamang sa kanila ang mga staff roon at nakikiramdam.

Naiinis din kasi si Helena kay Troy. Paano nito nagawang halikan siya at umakto na parang walang nangyari? Ni siya nga ay hindi na maiayos ang takbo ng isip niya! Ni hindi na niya mapigilan ang mabilis na tibok ng puso niya sa tuwing maririnig o makikita lamang ito! Even the mere scent of his can blow her mind away.

She felt nostalgic while avoiding and ignoring Troy. Naaalala niya iyong mga panahong nagsimula na siyang umiwas sa binata, noon. Panay rin ang tawag ng mga kaibigan niya noon matapos ang epic fail na pagtatapat niya, sana. Nang di matiis ay pinuntahan na siya mismo ng mga ito sa kanilang tahanan. Nagpalit siya ng number kinagabihan matapos ang eksenang nakita niya.

Hindi na rin kinailangang magpaliwanag ni Helena sa mga ito. Halata naman sa hilatsa ng mga itsura nga mga itong nakita rin ng mga ito ang nakita niya mula sa ice cream shop na katapat lamang ng Unibersidad. Mukhang lahat sila ay nagulat sa nangyari. Lalo na si Juliana na nangako pang hindi talaga nito alam ang tungkol sa estado ng relasyon nina Troy at Patrice. Ngunit inamin naman ng kaibigan niyang minsan nang ipinakilala ni Troy si Patrice bilang kaibigan nito sa kanya. Kaya si Juliana man ay nagulat sa tagpong napanood nila.

Magmula rin noon ay hindi na bumalik pa si Helena sa bahay nina Juliana. Ipinakiusap niya sa kaibigan na pagtakpan siya kung sakaling magtanong ang pinsan nito kung bakit hindi na siya nagpaparamdam rito. Kung itinanong nga siya ni Troy.

Kesyo abala sila. Kesyo nawala ang cellphone niya. At kung anu-ano pa. Mas itinuon na lamang ni Helena ang atensyon sa pag-aaral. Tinikis niyang makita at makausap si Troy. Baka kasi hindi pa niya mapigilan at maiyak siya sa harap nito. Kaya naman kung anu-anong school organizations noon ang pinagsasalihan niya kahit di naman siya interesado. Nagpatuloy siyang ganoon hanggang matapos ang semester na iyon at tuluyan nang umalis si Troy patungong States.

Ang huling balita na lamang ni Helena tungkol rito ay nasa parehong kompanya nagtatrabaho si Troy at Patrice. And yes, they were an item that time. Matapos niyon ay umayaw na ulit si Helena na makarinig pa ng kahit ano tungkol rito. Na siya namang inirespeto ni Juliana at ng mga kaibigan nila.

Ngayon, heto na naman si Helena. Nagbabadya na namang ulitin ang nakaraan. Bakit ba hindi niya mapigilang mahulog kay Troy ng paulit-ulit. At talagang inulit pa niya!

"Helen,"

Napadiretso ang likod ni Helena dahil sa boses ni Troy. Naputol din ang pagbabalik-tanaw niya dahil ramdam na niya ang malapit na presensya nito.

"Anton, linisin mo yung mesa sa dulo," utos ni Helena. Hindi niya pinansin si Troy bagkus ay nagtungo sa counter. Doon naman siya sunod na kinulit ni Troy. Panay ang tawag at pagpapansin nito sa kanya ngunit ni isa sa mga iyon ay hindi niya pinatulan. Nagpatuloy siya sa pagkuha ng orders. Nakasandal ito sa gilid at humahaba na ang pila nang dahil rito! Paano'y nakikipila pa ang iba kahit na isa lang naman sa mga ito ang bibili para lang mapalapit at makapagpa-cute sa binata!

"Ano pong sa inyo, Ma'am?" baling naman ni Helena sa isang dalagang nakatingala at nakatulala kay Troy.

"Apat na intense dark mocha. Yung pinaka..." Pinasadahan nito ng tingin si Troy habang kagat ang ibabang labi bago bumaling sa kanya. "Dark and intense, please..." Sinulat ni Helena ang order nito at nilagyan ng note sa dulo bago inabot kay Joshua na siyang naghahanda ng mga ino-order ng mga customers.

Helen of TroyWhere stories live. Discover now