Part 10

213 10 0
                                    

"YOU KNOW I LOVED YOU, RIGHT?"

Pinagmasdan ni Troy si Patrice. "Come on, Patrice, you shouldn't say that, now. Baka may makarinig sayo, upakan pa ako ng boyfriend mo."

Humalakhak ang dalaga dahil sa sinabi niya. "Ikaw naman kasi, kung na-inlove ka lang sana sa akin noon baka tayo sana ang ikakasal ngayon. It's your loss, Troy." pang-aasar pa nito.

"I tried..."

Tumango-tango ang dalaga na tila naiintindihan ang gusto niyang sabihin. Patrice was her classmate and colleague back in States. Ito ang kasa-kasama niya noong mga panahong namimiss niya ang Pilipinas. Hindi noon lingid sa kanya ang pagkakagusto sa kanya ni Patrice noong college palang sila kaya nga hanggang sa States ay sinundan pa siya ng dalaga. Hindi nga lang niya maibalik ng buo ang damdamin nito. Akala niya noon ay kaya niya. Pinagbigyan niya ang sarili na subukan kaya naging sila ni Patrice. Isa na ring paraan iyon upang mai-divert ang kanyang isipan mula kay Helena.

"So nasaan na ba ang maswerteng babaeng nagmamay-ari sa puso mo?" tanong ni Patrice?

Hindi napigilang ngumiti ni Troy nang maalala ang maamong mukha ni Helena. Kahit sinusungitan siya nito ay hindi man lang iyon nakabawas sa maganda nitong mukha.

"Ang totoo ay nagkita na ulit kami."

Bumadha ang gulat sa mukha ni Patrice at malawak na napangiti. "At? Huwag mong sabihin sa aking nagkita lang kayo at hinayaan mo na naman siyang lumagpas sa buhay mo? I didn't break up with you to be miserable!"

"I know! Hindi palang kasi ako nakakatyempo."

Tumaas ang kilay ni Patrice at napailing. "Torpe ka. Nagdadahilan ka pa. Napakadami ng babaeng nagkakagusto sayo at dinamay mo pa ako. Pagkatapos ay totorpe-torpe ka riyan. Isama mo naman siya sa kasal ko. I want to see the woman who took the heart of Troy."

"Sige. Mainam iyon nang hindi ako pagselosan ng magiging asawa mo."

Pareho pa silang natawa. "Thank you, Troy. Nakakatawa ito pero ipinagpapasalamat ko pa ring hindi tayo nagkatuluyan."

"Kung hindi ko lang alam na napatawad mo na ako noon ay iisipin kong masama ang intensyon ng sinabi mo."

"Medyo. Pero mas na-realize kong tama lamang na nangyari iyon. See, I found the true love of my life. Kung hindi tayo nagkahiwalay, hindi ko siguro siya makikilala. And maybe you wouldn't be able to meet that girl, again. Kaya nagpapasalamat pa rin ako."

And he agreed. Hindi niya magawang maging ganap na masaya noon dahil iba ang hinahanap ng puso niya. And yes, it was Helena, all along.

He had a crush on Helena a long time ago. But he tried to brush away his feelings for her. It was just a petty crush, anyway or so he thought. Katulad nga ng sinabi ng batang Helena, normal lamang iyon. Lahat naman ng tao dumadaan sa ganoon. That maybe it was just a phase that he had to go through. She's too young and he's leaving soon. Iyon ang pilit na pinanghawakan niya noon.

Alam niyang hindi dapat niyang pagbigyan ang damdamin para sa dalaga, noon. Hindi rin naman siya magtatagal sapagkat kailangan niyang umalis ng bansa upang pagbigyan ang kahilingan ng ina na sumama na siyang manirahan sa States kasama nito. Kaya naman kahit anong gusto niyang ligawan si Helena, noon, hindi niya magawa. He was holding himself, back. Isa pa ay may nagugustuhan ng iba si Helena, noon. Ganoon na lang ang inis niya nang malaman iyon sa dalaga. Kung sino man ang lalaking iyon, gusto talaga niyang malaman at kilalanin pagkatapos ay saka niya uupakan. Ngunit wala siyang karapatan para gawin iyon. Wala siyang karapatan upang diktahan kung sino ang dapat nitong gustuhin. Ang tanging nagawa lamang niya ay paalalahanan ang dalaga na mag-aral muna.

Helen of TroyWhere stories live. Discover now