Chapter XIII : His Point Of View

Beginne am Anfang
                                    

Ako pa tuloy yung nahihiya sa kanila.
Hhoho! Grabe sila maka torture.

"Kuya KIB mag salita ka naman!"

"Ayy! Ba't ayaw magsalita ni kuya KIB?"

"Kuya ba't ang gwapo mo?"

"Tanong niyo kay mama! Haha" sagot ko. Pero syempre sa isip ko lang yun.

Dapat kareerin ko yung pagiging tahimik.

Grabe! Mapapanisan na ako ng laway dahil sa mask nato!

Hayy! Sobrang nahihiya na talaga ako sa mga 'to!

Ilang oras na akong napeperma at tumitingin sa camera dito. Ang sakit na ng daliri ko. Woohh!!

Titingin na sana ako sa camera ng biglang nakarinig ako ng familiar na boses!

"What the hell!" sigaw nito.

Kaya imbis na tumingin sa camera napalingon ako sa mga naka pila.

Nagulat ako ng makita ko siya.
Napakunot ako ng noo dahil baka namamalikmata lang ako.

Naka curl kase yung dulo ng buhok niya tapos naka cap. Eh yung baby ko hindi naman wavy yung buhok sa dulo at mas lalong hindi nag susuot ng cap.

"Give it back tam!!" sigaw nito ulit.

Nakita ko si Tam na best friend niya sa likod niya kaya dun ko napag tanto na siya nga talaga yun.

Teka! Pumila yung baby ko? Nagkapag hintay siya ng ilang oras? At may bitbit pa siyang libro? Wow! Pwede na bang umiyak sa tuwa! Haha lol. Ang bakla ko pakinggan.

Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa lumingon lingon siya at nagka eyes to eyes kami.

Shit! Ba't ang ganda parin ng baby ko kahit naka cap.

Natauhan naman ako ng biglang may sumigaw ng "Next!" siya na pala ang susunod.

Pero Hindi pa siya natinag. Kaya sumigaw ulit ang isang staff.

"Paki bilisan Miss! Marami pang naka pila!"
Medyo napalakas ang boses nung babae kaya natigilan siya.

Halata sa mukha ng baby ko na nagulat siya sa tono nung staff. Hayy! Napakunot nalang ako ng noo. Gusto ko sanang sigawan yung staff. Anong karapatan niyang sigawan yung girlfriend ko?

Hanggang sa unti-unti na siyang lumapit sakin. Kawawa naman yung baby ko.

Hayy! Gusto kung lapitan at yakapin ang baby ko dahil sa saya pero hindi pwede. Parang nagsisisi na tuloy akong pumayag na gawing private yung relationship namin.

Sa ganda ba naman at sobrang supportive ng baby ko, nako! Deserve niya ipag sigawan at ipagmalaki sa buong universe. Kung pwede pa nga sa buong milky way o sa buong galaxy. Bwahahhaha

Pero wag na dun. Baka makakita ng alien ang baby ko ipagpalit pa ako. Weird pa naman yun.

Hanggang sa matapos ko siyang permahan. Hinawakan ko muna yung kamay niya sa ilalim ng libro. Hoho! Miss ko na girlfriend ko.

Pero seryoso lang siya hanggang sa naglakad na siya at laking gulat ko ng sa exit siya dumiritso.

Okay na rin yun. At least pumunta siya kahit allergy siya sa mga ganito.

Hanggang sa mag fa-five na at.. Yes!!
Makakapag pahinga narin sa wakas.

Pero akala ko lang pala yun dahil bigla nalang silang nagsigawan na pasayawin ako ng...










BABY SHARK!! O_o

Shiitt!! Hindi ako sumasayaw!

Baby shark pa!

That Author is my BoyfriendWo Geschichten leben. Entdecke jetzt