Now I know. This is was just really some sort of misunderstanding. Alam kong hindi ganong tao si Damon, hindi siya mananakit ng kaibigan niya unless may rason siya para gawin yun. Nagmahal lang naman siya e. Wala namang masama dun.

"Who told you to do this, Damon? Who is she?" Tanong ko

Sino naman tong taong nagustuhan niya? Inakala ko talaga na fuck boy si Damon pero hindi naman pala. The true Damon is right in front of me now.

"Marielle." Sagot ni Damon

Naglabas ako ng panyo mula sa bulsa ko at tumayo sa kinauupuan ko. Dahan dahan akong lumapit sa kanya para punasan ang mga luha niya. Hindi niya to deserve. Kasalanan to lahat ni Marielle, ginamit niya yung nararamdaman ni Damon para sa kanya sa masamang bagay.

"Baka masira ang pagkakaibigan namin nila Zander dahil sinaktan ko ang kapatid niya." Sabi ni Damon habang patuloy na umiiyak

Tama siya. Baka nga masira ang pagkakaibigan nila ni Zander pero sinong kapatid naman ang tinutukoy neto ni Damon? Wala namang ibang nasaktan bukod sa aminin dalawa e.

"Sinong kapatid?" Tanong ko

Wala namang nabanggit sa akin si Zander na may kapatid siya. Pati si Kuya Javier wala din namang nababanggit sa akin tungkol dun. Ang alam ko nagiisang anak lang siya nang mga magulang niya.

"You're Zander's half sister. Hindi niya ba nabanggit sayo?" Tanong ni Damon

What? Zander's my brother? Why didn't my parents tell me about me about this? Why didn't anyone tell me? Kailan pa nila alam to?

"No. He didn't mention anything to me." Sagot ko

I'm very sure that Kuya Javier's well aware of this. Impossibleng hindi. Sure din ako na alam to ng iba kong mga kaklase. Why do they all have to lie to me? Pinagmumukha nila akong tanga.

"I'm sure you're brother wouldn't accept me back in our group again because of what happened." Sabi ni Damon

Hindi niya naman kasalanan yung nangyari e. Nadala lang siya ng feelings niya kaya hindi dapat siya ang sisihin sa pangyayari. Sa totoo lang nung nalaman ko ngayon kapatid ko si Zander, hindi ko na alam kung anong dapat kong maramdaman. Gusto kong maging masaya dahil may isa pa kong kapatid pero at the same time, I'm mad at them for keeping secrets from me.

"It doesn't matter, Damon. You have me. Sasabay ka sa akin kung hindi ka nila tatanggapin. For now, kakausapin ko muna sila." Sabi ko

Nagpaalam muna ako kay Damon bago ako lumabas sa kwarto niya. Nakita ko naman si Kit na nakaupo sa isang silya habang naghihintay. Tinignan ko siya saglit bago na ko nagsimulang maglakad papunta sa kwarto ko at nilagpasan siya. Wala na akong pake. Kuhanin niya yung wheel chair dun sa kwarto ni Damon. Siya na lang ang sumakay dun.

Tinignan ko naman si Kit nang may pagkairita sa mukha ko nung bigla niya kong hinawakan sa pulsuhan ko. Napatigil ako sa paglalakad ko at dahan dahang tinanggal yung pagkakahawak niya dito.

"What's your problem? May sinabi ba siya sayo?" Tanong ni Kit

"Akala ko best friend kita." Sabi ko

Akala ko best friend ko siya. Hindi naman pala. Parang ang dami dami nilang sikretong tinatago sa akin. Akala ko kilala ko na mga ka-section ko, hindi naman pala. Bakit hindi nila sinabi sa akin na kapatid ko si Zander?

"Oo nga. Best friend mo ko. So what?" Tanong ni Kit

Tangina naman oh! Hanggang kailan nila ako balak pagmukhaing tanga dito?

"Kung matagal mo nang kilala si Zander. I'm guessing, matagal mo na ding alam na kapatid ko siya. Hindi ba?" Tanong ko

Tinignan niya naman ako nang may pagkagulat sa mga mata niya. I scoffed. Alam niya nga na kapatid ko si Zander. Ni isa manlang sa kanila walang nagpaalam sa akin? Hindi ko alam kung matutuwa ba ko o masasaktan sa mga nalalaman ko ngayon e. Kailangan pa talaga sa ibang tao ko pa malalaman.

"Yes. He is your brother. So what?" Tanong ni Kit

I feel disappointed right now. No one even dared to tell me anything. Not even Zander himself. They never really fail to show me that I was never part of their section. Kahit naman anong gawin ko para sa kanila, hindi pa rin magiging sapat e.

——— TO BE CONTINUED ———
hi!
i hope that you enjoyed reading this chapter!

thanks,
X

Section F ( BOOK 1, COMPLETED)Where stories live. Discover now