Chapter 16: Friendship Over?

Start from the beginning
                                    

Patricia wake up! Hindi ka na Niya gusto , may girlfriend na siya okay?

Lumabas na pala ng kwarto si Kuya , kaya kahit nanakit ang katawan ko at may lagnat parin ako pumunta ako sa cr at naligo , pagkatapos nun ay nagbihis ako ng pangalis buti na nga lang at sabado ngyon.

Pupuntahan ko si Ivan at itatanong Kung totoo ang sinasabi ni Leann gusto kong malaman ang totoo para Di na ako umasa na may chance kami para sa isa't isa, hays first time kong Gagawin toh.

Kahit ang friendship namin itataya ko malaman ko lang Ang totoo at makalimutan na si Ivan mahirap at masakit na gawin pero kailangan para sa kanila yun ng gf Niya.

Pagkalabas ko ng kwarto ko dumeretcho agad ako sa hagdan para di ako makita ni Kuya kaya nung nasa gate na ako , binilisan ko Ang lakad ko para makarating agad sa bahay Nila Ivan di naman ganun kalayo Ang bahay Nila samen.

Gusto ko malaman Ang totoo. Kung ipagtatapat ko ba Ang nararamdaman ko sa kanya. Habang naglalakad ako nakita ko si Leann may kasamang lalaki sa park muhkang pamiliyar saken yun, kaya lumapit ako at tama nga ang hinala ko.

Nang makalapit ako sa kanila tinawag ko si Ivan.

Ako: Ivan pwede ka ba makausap?
Ivan: Men sensya na ah kasama ko si Leann.

So totoo nga? Puso kayanin natin okay? Fighting!

Ako: Hmm saglit Lang ?
Leann: Di ba nga sinabi Niya kasama Niya ako? Kaya please umalis ka.
Ivan: Leann ano bang ginagawa mo Kay Patricia?

Ouch! Double kill na . Tinawag Niya ako ng Patricia na deretcho pagganun ewan ko ba. Kumikirot Ang puso ko.

Ako: Please Ivan please
Ivan : Sige halik ka , Leann dyan ka Lang muna.
Leanne : may date pa tayo Ivan!

Nagulat si Ivan sa sinabi ni Leann para bang nagtataka Ito.

Leann: Patricia next time nalang kayo magusap okay?
Ivan: Leann ano ba.
Leann: Makakaalis kana.

Hinawakan ko si Ivan para mahila siya, pero pinigil ni Leann Ang ginawa ko. Inalis niya Ang kamay ko sa braso ni Ivan. Pagkatapos nito tinulak ako ni Leann kaya napaupo ako sa damo.

Ivan: Leann ano ba yan! Bat mo ginawa Kay Patricia yun?!
Leann: Babe ano ba! Sabihin mo na Kay Patricia para Di na mangulo sa date natin.
Sabay irap nito saken.

Tumayo ako at sinampal si Leann , ganti lang yan sa ginawa Niya saken.

Leann: Aray! Bat mo ko sinampal?!
Ako: bawi lang yan sa ginawa mo saken kahapon.
Leann: Diba sinabi ko sayo wag mong tangkain na agawin saken Ang BOYFRIEND KO?!

Nanlaki Ang mata ni Ivan sa mga sinasabi ni Leann.

Ako: How dare to say that to me! I'm his BESTFRIEND and you don't have rights to dictate what should I do!
Shux! Napaenglish ako ng di oras.

Leann: Ang landi mo talaga! Una si Paul tas ngyon si Ivan?! Maygad Patricia how flirt are you!
Sumusubra na talaga siya!

Ako: Ako pa talaga?! Sino mas malandi satin ha Leann! Sino ba ang pabebe na pinahirapan Ang bestfriend ko manligaw tapos makikipaghalikan sa ibang lalaki?! So tell me sino Ang mas flirt saten!

Halata na sa muhka Niya Ang pagkainis, kaya sinugod Niya ako at sinabunutan. Dahil masakit na ang pananabunot Niya saken gumanti ako dahil Ang sakit na talaga ng ulo ko sa sobrang hard ng pagsabunot Niya saken. Pinipigil kami ni Ivan, sa Di inaasahan naitulak ko ng malakas si Leann dahil sa sampal at sabunot Ang ginawa Niya saken , kaya nung naitulak ko siya paupo siya sa sahig.

Leann: Aray! Ansakit ng paa ko.

Pagiinarte Niya di naman ganun kalakas Ang pagtulak ko sakanya. Kaya nung napaupo siya pumunta agad si Ivan sa kanya at Tinulongan Ito tumayo. Sa Di ko inaasahan..

Ivan: PATRICIA ANO BANG PROBLEMA MO?! BAT MO TINULAK SI LEANN?! HINDI NA KITA KILALA PATRICIA DI NA IKAW ANG BESTFRIEND KO!

Nanlaki ang mata ko nang bigla Niya ako pagtaasan ng boses , first time na sigawan Niya ako at first time na hindi ako ang pinagtatanggol nito. Ano ba naman kase ako? Isa lang naman akong hamak na BESTFRIEND!

Ako: ANONG PROBLEMA KO?! IKAW IVAN IKAW ANG PROBLEMA KO DAHIL MAHAL KITA. OO HINDI LANG HANGGAN BESTFRIEND ANG TINGIN KO SAYO SIMULA NUNG MGA BATA PA TAYO! MAHAL KITA NOON PA MAN. NAWALA YUN NUNG NAKILALA KO SI PAUL AT IKAW YANG MALANDING BABAE NA YAN. GUSTO KO LANG NAMAN MALAMAN MO NA GUSTO KITA AT MALAMAN KUNG TOTOONG GIRLFRIEND MO NA SIYA. PERO DI MO PALA KAILANGAN SABIHIN KASE HALATA NA SA GALAW MO! INUNA MO ANG GIRLFRIEND MO KESA SA BESTFRIEND MO AKO ANG NASAKTAN DITO! AKO YUNG UNANG SINUGOD TAPOS NUNG NAITULAK KO LANG YANG BABAENG YAN SOBRA NA ANG GALIT MO?! IVAN SOBRANG MANHID MO NAMAN PARA DI MO MALAMAN NA GUSTO KITA, PERO WALA PA AKONG PUWANG SA PUSO MO AT HANGGAN BESTFRIEND LANG TAYO.

Pagkatapos ko sabihin iyon sakanya naglakad ako palayo sakanila pero tumigil ako.

" Hayaan mo hindi ko na kayo guguluhin ni Leann at simula ngyon kalimutan mo na magbestfriend tayo. Kase mula ngyon isa kanalang stranger saken."

At tuloyan akong tumakbo palayo sa kanila at tumakbo lang ako ng tumakbo habang umiiyak at bigla nalang bumuhos Ang malakas na ulan. Pati Ang panahon nakikisama saken.

Habang inaalala ko yung nangyari bigla kong naalala Ang sakit ko sa puso. Kaya habang tumatakbo ako tumigil ako dahil nakaramdam ang paninikip ng dibdib at hirap huminga. At dahil rin sa may lagnat ako at sa sabunot ni Leann lalong sumakit Ang ulo ko kaya parang nahihilo ako, kaya nagsimula ako maglakad at di ko na kinaya. Bigla nalang dumilim Ang paningin ko...

Kung ngyon na Ang katapusan ko gusto kong malaman mo Ivan na sobrang mahal kita, sana maramdaman mo yon..

Pasenya na talaga..

Hindi narin kita kilala Ivan hindi narin ikaw Ang BESTFRIEND ko kaya mabuti nang.....

Friendship over na tayo...

Kahit sa friendship lang tayo nagover mahal na mahal parin kita....

Stranger kana Lang saken

Sana kayanin ko toh..

Paalam Ivan

Bestfriend Where stories live. Discover now