Chapter 45: All About Trust

Magsimula sa umpisa
                                    

"Talaga? Pumapayag ka na?" Hindi makapaniwalang tanong nito.

Kunwari pa siyang hindi makapaniwala. Kung makapagsalita siya, I want you to ganito, I want you to ganyan. Napaka-demanding.

"Oo na nga eh. Magkano naman ang allowance ko?"

Mahal akong maningil, lalo na pag ganitong kailangan ko ng datung. At ngayon lang ito ngumiti simula kanina. Parang nakikita nitong tumutubo ang sungay at buntot ko.

"Name your price," sabi nito.

Here we go again. Para siyang nagtatapon ng pera, dahil lang sa walang kwentang tao. And speaking of the devil.

"Kumusta na nga pala ang paghahanap mo?"

Minsan, hinihiling ko na sana hindi niya ito mahanap. Pero naisip ko naman, mas mabuti kung makikita na niya ito. Para mawalan na siya ng resposibilidad. God, I really hated her guts.

"Wala pa rin. I think I should stop looking for her. Ikaw na munang bahala. Ayokong magkaproblema kami ni Haley."

Good. I'm glad na natuhan na rin ito. I smiled because I remembered the very first text message I got from him.

She loves me, too.

At hindi ko ma-gets ito nung una. It's like a news, telling me na sinagot na siya ng nililigawan niya. At parang ganon na nga. At si Haley nga ang tinutukoy niya. I'm so happy for them. Especially for Russell. He deserves to be happy. He deserves someone better. At sana malagpasan nila ang pagsubok na ito. Minsan kasi magulong mag-isip si Russell. Padalos-dalos siyang magdesisyon. Minsan, hindi ko mahulaan kung ano ang takbo ng utak niya. Kaya hindi ko siya maintindihan.

***

HALEY'S POV

He's late again. Sabay daw kaming kakain kaya nagluto muna ako bago gumawa ng homework ko. Nakakainis na siya. Sa totoo lang, I didn't buy his reasons for coming home late. May pinapagawa daw ang Mommy niya.

Hindi ako ganon katanga. Kaya hindi na ulit ako nagtanong kung bakit siya umaalis ng madaling araw. Ayoko nang dagdagan pa ang pagsisinungaling niya. At ayoko nang maulit pa ang nangyari dati. I confronted him and he lied to my face. At hindi ko na uulitin 'yon hangga't wala akong pinanghahawakang ebidensya. Ayokong lumabas na praning at walang tiwala sa kanya.

Kung tutuusin, madali namang malaman kung nagsasabi siya ng totoo. I can ask her Mom. But, I'm afraid to find out the truth.

Paano kung wala naman talagang pinapagawa ang Mom niya? What if, he's somewhere else? Or what if... he was with someone else?

A deep pain struck my chest.

Tumayo ako at naglakad-lakad sa balcony. Naninikip ang dibdib ko kapag naiisip ko na may kasamang ibang babae si Russell sa mga panahong wala siya sa tabi ko.

Tumingin ulit ako sa relo. It's 6PM. Baka napadaan lang siya kung saan. Pumasok ako sa loob at nanood ng TV. Napagod ako sa pagluluto kaya nakaidlip ako. At nagising ako nang parang may kumikiliti sa ilong ko. When I opened my eyes, I saw him watching me, studying my face.

Tumingin agad ako sa relo. 7:30pm pa lang. He's not late. Nakatulog siguro ako paghiga ko sa couch. Then my eyes shifted on his face again. He must be kissing my nose or something kaya ako nakiliti.

"Kararating mo lang?" tanong ko.

"Mga 10 minutes," nakangiting sabi nito.

Bumangon ako. "Ba't 'di mo ako ginising?"

Noon ko lang napansin ang hawak niyang isang bouquet ng pink roses with box of chocolates.

"Ang cute mo kasing pagmasdan habang tulog ka," sabay abot ng dala niya.

Your Place Or Mine? BOOK VERSION  (PUBLISHED BY VIVA PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon