Chapter 14: Confused

Magsimula sa umpisa
                                    

Pagnaalala ko lahat di ko mapigilan ang lumuha sa sobrang sakit. 1 year na Panloloko Ang ginawa Niya saken , one year na minahal ko Siya ng sobra tas isa lang pala akong laruan para sa kanya dahil sa kotse na kapalit pag napaibig ako? Hahhaa galing diba tas ngyon babalik Siya na parang walang nangyari haaays. Kamusta na pala sila ni Oliva? Di ko na Siya nakikita dito sa school simula nung nangyari ung sinaktan nila ako, kala ko okay na dahil wala si olivia Pero May Carmela naman hays.

Habang nakapikit ang mata ko para mapigilan ang pagiyak ko, bigla nalang bumuhos Ang malakas na ulan sinabayan ata ako ng langit sa pagiyak ko haha. Minulat ko ang mata ko at tumingala ako at sumigaw.

" AAAAHHH! AYOKO NA SA GANITO. DI KO NA KAYA NAGUGULUHAN NAKO , NAGMAHAL LANG NAMAN AKO DIBA PERO BAT GANUN ANG IGAGANTI SAKEN. IVAN MAHAL KITA EH SIMULA NUNG BATA TAYO PERO MAHAL MO NA NUN SI LEANN * huk huk* TAS NAKILALA KO SI PAUL ANG UNFAIR DAHIL PINAGLARUAN LANG NIYA AKO. BAKIT GANITO?! "

Habang ginagawa ko yun di parin tumitigil ang ulan at ang pag agos ng luha ko galing saaking mata. Nakakagaan ng loob Ang pagsigaw, kase nasasabi mo yung nararamdaman mo na walang pumipigil sayo. Kesa sa itago ko pero wala eh masakit parin lalo na ang puso ko. Simula nung sinaktan ako ni Paul at ngyong Kay Ivan at Leann hays. Kung alam lang nila na sobrang nasasaktan ako. Sa sobrang sakit ng dinaanas ko nun , di ko namalayan na napabayaan ko Ang sarili ko lalo na Ang puso ko.

Walang nakakaalam na may sakit ako sa puso, last week nagpacheck up ako sa isang doctor na hindi kakilala ng aking pamilya, at sinabi ko na isekreto lang iyon at walang pwedeng makaalam.

Flashback

• at the hospital •

Patricia : Doc , ano pong problema sakin?
Doctor: Iha sa pagsusuri ko sayo, may nakita akong problema sa iyong puso, kaya lagi naninikip Ang dibdib mo at yung kadalasang pagkahilo mo, sign na may sakit ka sa iyong puso.
Patricia: Doc may magagawa pa ba ako para mawala ito?
Doctor: Siguro Kung naagapan , Iha sad to say pero pag may dinamdam ka o di kaya stress ka. At yung makakasakit sa iyong feelings. Iha kailangan mong iwasan ang pwedeng makasakit saiyong puso, kase kung di mo iingatan pwede kang mamatay. Iha ingatan mo ang iyong sarili lalo na Ang sakit mo kase pag gumawa ka makakasakit sayo sad to say...
Patricia: Pwede kong ikamatay doc?
Doctor: Gaya nga ng sabi ko. Oo iha, too much emotion can kill you, pag lagi kang iiyak at may dinadamdam ka sorry. Pero Iha dahil sa mahina na ang iyong puso kailangan mong operahan para palitan ang puso mo pag di mo na ingatan.

End of flashback

Hindi ko naman ginusto na mangyari toh eh. Haaays sana maiwasan ko talaga yung pagiyak. Puso stay strong kaya natin toh! Hays. Bakit kase ganito pa eh. Pero paano nalang pag dumating Ang araw na manghina na ng sobra Ang puso ko? Wala pang nakakaalam nito. Paano ko sasabihin kay mommy at daddy toh lalo na Kay Kuya hays.

Iwasan Ang pwedeng makasakit saken lalo na sa damdamin ko.

So iiwasan ko si Ivan? Di pwede dahil aaaah!

Patricia don't be confuseeeeeed. Si Ivan lang yan Ang bestfriend mo okay? Hays inhale exhale.

Pinikit ko muli Ang mata ko, at dahil wala na akong klase magstay nalang ako. Palusot ko lang yung pupunta nalang ako sa next sub namin ni Ivan.

Hindi parin tumigil Ang ulan pati ang pagiyak ko.

Kinuha ko Ang phone ko at nilagay ko sa tenga ko Ang earphones ko at umupo sa sahig.

Now playing: Paano ba magmahal

Heto na naman ako,
Nag-aabang ng bago sa istorya ko
Paulit-ulit na lang
Paulit-ulit na lang.

Heto na naman ako,
Tinitignan sa'n nagkamali ang puso ko,
Parang walang katapusan
Walang katapusan.

Kahit pilitin pa'ng sarili
Ibigin kang mali,
Ako'y Mali
Ako'y Mali

Paano ba ang magmahal?
Palagi bang nasasaktan
Umiiyak na lang palagi,
Gusto ko nang lumisan.

Paano ba ang magmahal?
Kailangan bang nasasaktan
Lagi na lang, di maaari
Ngunit ayaw lumisan.

" paano ba magmahal...."

Hays makababa na nga. Habang pababa ako sa 5th floor may naririnig akong ingay.

Teka si ano yun ah..

Magsasalita sana ako pero may tumakip ng panyo saakin at nawalan ako ng malay...










Sino kaya yung nakita ni Patricia? May hula ba Kayo. ;)

Bestfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon