2

1.5K 37 0
                                    

Maaga akong umuwi mula sa eskuwelahan. May estudyante na naman daw na ki-nidnapp. Agad akong pumunta sa location pero wala na akong naabutan. Pag-uwi ko sa bahay, nakatanggap ako ng email tungkol sa files ng biktima.

Nakuyom ko ang mga kamao ko. This is getting serious. Thirty cases na ng kidnapping ang nangyari sa loob lang ng tatlong buwan. At hindi ko na talaga ito nagugustuhan. Ayoko nang may sumunod pang biktima. Kaya sa lalong madaling panahon ay dapat nang mapuksa ang diatryma na yan.

I checked my subject's current location.

Beagle.

Nasa casino ulit siya. At sa tingin ko'y kararating palang niya do'n.

Perfect.

Agad akong nagbihis at naghanda. Kailangan ko nang mapuntahan ang bahay niya. Actually hindi ganoon kalayo ang tinitirhan niya sa tinitirhan ko. Fifteen to twenty minutes lang kung lalakarin.

Pagdating ko, walang tao. Dahil alas nuwebe na ng gabi, natutulog na ang mga kapit-bahay niya.

Really perfect.

Nakiramdam ako sa buong paligid. Walang kahit na anong sagabal.

Extremely perfect.

Agad akong umakyat sa bakod patungo sa loob. Una kong nilagyan ng camera ang ibabaw ng pinto ng bahay. I made sure na hindi yun makikita ng kahit na sino. Pagkatapos ay tumuon naman ako sa pinto.

Doorknob. Easy.

Kumuha ako ng isang hairpin sa buhok ko't kinulikot ang doorknob. Not an ordinary hairpin but a costumized one. Agad akong pumasok sa loob ng maliit na bahay at binuksan ang ilaw. At ano pa nga ba ang aasahan sa bahay ng isang gang leader? Empty junk food wrappers, can goods, beer cans and bottles, mga tira-tirang sitsirya, basahan, disarrayed things and other stuffs. Halos lahat na yata ng dumi sa buong lungsod ay nandito na. Ni wala akong halos matapakang sahig sa dami ng kalat. May amoy din na umaalingasaw. Nakangiwi ang bibig kong hinakbang ang sahig patungo sa isang sulok na paglalagyan ko ng surveillance cam.

This house had only two rooms. Ang mas malaking kuwarto ay may sofa, TV, mini ref, maliit na dining table, at isang pinto na sa tingin ko'y C.R. At ang isa pang kuwarto, obviously kuwarto iyon ng may-ari. Pagkatapos kong magset-up ay lumapit naman ako sa pinto ng kuwarto niya saka iyon binuksan gamit ang hairpin ko. Pumasok ako’t binuksan ang ilaw dahil madilim sa loob. At milagro! Ang linis-linis ng kwarto. Parang babae ang gumagamit! Hindi ganun kalaki ang space pero organized lahat ng gamit. At may bookshelf pa. Agad ko iyong nilapitan. And there I saw his porn DVD's and comics.

Oh dear, bakit pa nga pala ako nagulat?

Naghanap nalang ako ng sulok na paglalagyan ko ng surveillance camera. Pagkatapos kong iset-up yun ay naghanda na ako upang umalis. Pero may nakita akong laptop sa ilalim ng table niya. Nakasaksak pa ito at mukhang kinakargahan pa ang baterya. Agad ko yung kinuha at binuksan. Maaaring may makita akong impormasyon o kahit na ano tungkol sa Diatryma o sa ama niya. Paglabas ng desktop ay agad kong hinalughog ang mga files niya.

What the? Mga porn movies, pictures ng gang niya, at mga rock songs lang pala ang meron dito!

"Walang kuwenta."

Biglang tumunog ang relo ko kaya sinipat ko. Pauwi na siya. Agad kong pinatay ang laptop at ang ilaw ng kwarto at lumabas na ako. Pinatay ko rin ang ilaw sa sala't mabilis na lumabas ng bahay. Ngunit hindi pa ako nakalalabas ng tuluyan ay narinig ko na ang tunog ng motor niya. Agad kong pinatay ang tunog ng relo ko at payuko akong tumakbo patungo sa gilid ng bahay. Buti at may maliit na espasyong puwedeng pagtaguan doon.

Narinig ko ang pagbukas ng maliit na gate ng bahay at bumungad siya mula doon. Lasing siya. Mabuti't nakauwi pa nang buhay. When I heard his door shut, I immediately ran silently then glided up the fence to the road. Ni hindi niya pinasok sa loob ng bakuran niya ang kanyang motorsiklo. Tsk, pabaya.

Pag-uwi ko sa bahay ay agad kong binuksan ang computer ko at tiningnan ang footages ng bahay ni Esguerra. Unang camera sa labas ng bahay, pangalawa sa sala, pangatlo naman sa kwarto. At sa ngayon ay nasa kuwarto lamang siya't nakahiga. He's sleeping. I better sleep too.

*~*~*~*~*~*~*~*

The Gangster and the Undercover (Book 1) - [Re-editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon