"Sigurado ka?" - Wonwoo

"Oo naman hyung"

"Kapag ikaw may bagsak sa exam mo, hinding hindi na kita pasasamahin sa susunod na check up ko" - Wonwoo

"Sure ako hyung wala akong bagsak kahit isa"

Pagtapos nun hindi na siya nagsalita, kaya nag lakad na lang kami ng tahimik.




Pag dating namin sa parking lot ng campus nagmadali na agad akong kunin yung mga gamit ko "san ka pupunta?" Tanong ni hyung

"May bibilin lang ako hyung"

"Di mo ko sasamahan sunduin si Kyuki?" - Wonwoo

"Pasensya na hyung baka kasi magsara na yung tindahan eh. Magkita na lang tayo mamaya sa office mo" dali dali akong lumabas ng kotse para di na magtanong pa si hyung

Agad akong tumakbo sa building kung nasan ang room ni Chan "Chan!" Tawag ko sakanya nung makita kong palabas na siya ng room niya

"May problema ba?" - Chan

"Tatanong ko lang kung saan ang room ni Jeonu"

"Sa room 310 siya, 3rd floor left wing ah" - Chan

"Sige salamat"

Palakad na sana ako ng hawak niya yung braso ko "hindi ba talaga ako pwedeng sumama sainyo?"

"Chan alam mo namang delikado diba tsaka magagalit si Jeonghan pagnalamang hinayaan kitang sumama"

"Pero bakit ikaw, diba sabi nila wag ka na rin sumama?" - Chan

"Syempre di nila ako mapipigilan"

Lumungkot bigla yung mukha ni Chan kasi alam niyang di na niya ko mapipilit "sige na nga, basta mag ingat kayo"

"Salamat. Paki-aliw na lang si Wonwoo hyung para di niya mapansin na wala kami"

"Sige ako nang bahala kay kuya Wonwoo" - Chan

Matapos namin mag usap pinuntahan ko na si Jeonu sa room niya "Jeonu" tawag ko sakanya mula sa labas ng room niya

Pati mga kaklase niya tumingin sakin pagtawag ko sa pangalan niya. Narinig ko pa yung iba na nagtataka kung bakit kilala ko si Jeonu

Agad na lumapit sakin si Jeonu "Mingyu hyung anong ginagawa mo dito?" Bulong niya

"Nakalimutan mo atang may pupuntahan tayo"

"Akala ko di ka kasama?" - Jeonu

"May problema ka ba sakin ha?"

"Wala ah natanong ko lang naman eh. Tara na pinagtitinginan na tayo" pagkasabi niya napansin kong dumadami na nga yung tao sa hallway na tinitignan kami



Nakarating na kami ni Jeonu sa likod ng school kung san nag iintay sila Seungcheol hyung

"Diba sinabi ko nang wag kang sumama?" Sita agad ni Jeonghan hyung nang makita niya ko

"Diba sinabi ko sasama ako sa ayaw man o sa gusto niyo?"

"Abat-" - Jeonghan

"Yaan mo na hyung, alam mo namang di mo maaawat yan si Mingyu" - Soonyoung

Papunta na kami ngayon sa location kung nasan yung mga bumugbog kay Wonwoo. Kaming mga member at si Jeonu lang ang may alam ng gagawin namin, sigurado kasi pag nalaman ito ni manager Kwon hindi kami papayagan maski si Wonwoo hyung hindi rin niya alam

Don't Wanna Cry • MEANIEWhere stories live. Discover now