Wonwoo's
"Wonwoo" naramdaman kong may tumatapik sa braso ko "gising na"
Unti-unti kong dinalat ang mata ko at nakita si eomma na naka-ngiti sakin "good morning eomma" bati ko sakanya
Humalik siya sa noo ko "good morning, bumangon ka na at gigising ko pa si Jeonu" paalis na sana siya sa tabi ko ng bigla akong nagsalita
"Ako na po gigising sakanya" pagbangon ko sa kama naramdaman ko bigla ang sobrang pananakit ng katawan ko
"Wonwoo okay ka lang ba?" Tanong ni eomma sakin halata sa itsura niya ang pag aalala
"Okay lang po ako, nagkamali lang ako ng hakbang" pag sisinungaling ko hindi naman to ganto kasakit kagabi bwisit
"Wag kang nagsisinungaling sakin Wonwoo" may halong pagbabanta sa boses ni eomma
"Sobrang sakit po ng katawan ko"
"Gusto mo bang dalin na kita sa ospital?" - Shinwoo eomma
"Hindi na po kaya ko pa"
Yumakap siya sakin "im sorry" sabi niya
Yumakap din ako sakanya pabalik "eomma wala kang kasalanan, tsaka tapos na po yun okay na ako yun ang mahalaga"
Kumalas siya sa yakap "palagi kang mag iingat ah" nahahalata ko na yung lungkot sa boses niya kaya bago pa man siya maging mas malungkot iniba ko na lang yung topic
"Sige na po gigisingin ko pa si Jeonu"
Tinapik niya yung balikat ko "bumaba agad kayo, masamang pinag-iintay ang pagkain"
Pag labas ni eomma dumeretso muna akong banyo para mag ayos bago ako pumunta sa kwarto ni Jeonu
Pag pasok ko ng kwarto ni Jeonu nakita ko siyang tulog na tulog pa rin, naka-dapa habang natutulog at halos sakupin na yung buong higaan
"Jeonu, Jeonu-yah" tawag ko sakanya
Napabalikwas siya sa kama ng marinig ako. Galing ko talagang mangising, boses ko pa lang bumabangon na agad sila
"Aw ang sakit" sabi niya habang hawak yung ulo niyang tumama sa sahig "good morning hyung"
"Good morning" napatingin ako sa hinigaan niya na sobrang gulo
Napansin naman niya kung saan ako naka-tingin kaya agad niya inayos yung kama "pasensya na nakita mo pa sleeping habit ko"
"Its okay, it reminds me of someone"
"Anong oras na ba? Mukhang napa-sarap ata tulog ko" - Jeonu
"Maaga pa naman hindi ka pa male-late"
"Yan nanaman tayo sa late na yan. Di ko naman sinasadya na late ako kahapon eh" - Jeonu
YOU ARE READING
Don't Wanna Cry • MEANIE
Short Story{Al1 series #1} "When the half of me is gone how can i live as one" "Us in the different system, another form of Seventeen" "Another chapter of my life began since i met you"