39

25.9K 721 21
                                    


Chapter 39:

Patria's POV:

"I- I w-was jealous... because I l-like you, Pollux"
Nauutal na sabi niya at nakagat niya ang ibabang labi at gustong gusto niyang sabunutan ang sarili dahil iba ang nasabi niya.

Dapat ang sasabihin niya ay mahal niya ito.

Pero iba ang nasabi niya at like lang ang lumabas.

Bwisit ang tanga. Sabi niya sa loob loob niya.

Hindi naman niya magawang sabunutan ang sarili dahil nasa harap niya ito.

Kaya naman pigil niya ang hininga dahil hindi pa ito umiimik.

"P-pollux?" Tawag niya sa pangalan nito...titig na titig ito sa kanya.

Siya naman ay pigil niya ang paghinga...at kinakabahan siya.

Akmang tatawagin niya ang pangalan nito nung biglang tinakpan ng daliri nito ang labi niya.

"Supposed to be...if you're going to say that you feel something for me...I'm going to shout out for joy...but then--"

Pinutol nito ang sinasabi nito at kinuha ang kamay niya at saka inilagay iyon sa dibdib nito.

Ramdam niya ang sobrang kabog ng dibdib nito.

"...what I'm only hear...is this" sabi nito, nakagat na niya ang ibabang labi.

Ang hirap pala pigilan ang kilig...

Parang gusto niyang tumili at magsisigaw?

"A-ano?" Pigil niya ang sariling huwag ngumiti.

Nagulat siya nung biglang tinakpan ng katawan nito ang katawan niya at isinubsob nito ang ulo sa gilid ng leeg niya.

"Kahit na like pa 'yan, Patria...the mere fact na gusto mo ako, is a sign that this is not a one sided love" sabi nito at hinalikan nito ang leeg niya.

Napakurap naman siya.

"T-teka Pollux kasi--"

"I will do everything...para maging akin ka" sabi nito.

Natigilan naman siya.

Bakit grabe siya magpakilig sa akin?

Para maging kanya daw siya?

Ngumiti na siya, tutal hindi naman siya nito nakikita, kaya naman hindi na niya pinigilan ang sarili sa pagka kilig.

"So the next... you will fall for me, Patria"

---

Nine weeks later...

"Masakit ba?" Tanong sa kanya ng therapist niya.

Tumango siya dahil mejo masakit pa din iyon kahit na ilang linggo na din simula nung nag umpisa ulit siya pero ibang therapist naman.

Dahil wala silang mahanap na magaling na therapist, walang choice si Pollux kungdi ang kumuha ng lalaking therapist...pero ang twist, bakla ang kinuha nito.

Pero dahil sobrang seloso ni Pollux, laging nakabantay ito kada may session sila para sa alam daw nito ang nangyayari pero hindi siya naniniwala sa sinabi nito.....

Iba ang nararamdaman niya at nakikita sa galaw nito kada may therapy siya.

Simula nung dinala siya nito sa bahay na ito ay hindi na sila umalis doon.

Perfect Imperfections: Pollux (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon