3

42K 1.1K 27
                                    

Chapter 3:

Patria's POV:

Napakurap siya nung ang mainit na bagay na nakapatong sa labi niya ay bahagyang gumalaw.

Ang ang nakikita niyang green na mata kanina ay bahagyang lumamlam at tapos ay natakpan ng talukap ng mga mata.

Naguguluhan siya.

Anong nangyayari?

Napasinghap siya nung gumalaw ulit ang nasa labi niya, at parang may basa yatang dumaan doon?

Doon siya parang nagising at inipon niya ang lahat ng lakas sa malakas niyang naitulak ang lalaking nasa ibabaw niya.

Hintakot na umupo siya at hinila ang sarili gamit ang pag angat ng balakang niya, at iniatras ang sarili gamit ang mga kamay.

Kita niyang napalunok naman ito at saglit na titig na titig sa kanya.

"S-sino k-ka!" Pilit niyang pinapatigas ang boses dahil kung may balak itong masama, mukhang magtatagumpay ito dahil bukod sa lumpo siya ay wala pa siyang kasama ngayon dito sa flower farm.

Kung masamang tao ito..bakit ang gwapo naman yata ng mga masasamang tao ngayon?

Lihim niyang pinagalitan ang sarili dahil bakit niya pinupuri ito eh bigla na lang itong lumitaw sa harap niya at--

Natigilan siya dahil napansin niyang wala itong imik.

Titig na titig pa rin ito sa kanya.

Namula siya.

"S-sumagot ka!" Sabi niya at pilit na pinagtatakpan ang pagka ilang na nararamdaman niya dahil sa titig nitong parang lahat eh pinag aralan sa kanya.

"How could someone look so perfect could be so imperfect.." Sa halip ay sagot nito.

Ang baba ng boses nito, parang modulated pero ang sexy--

"Ano?" Naguguluhan niyang tanong.

Impit siyang napatili nung biglang lumapit ito sa kanya at namalayan na lang niyang sobrang lapit na ng mukha nito sa kanya.

"And you even have the sweetest lips.." Sabi nito at titig na titig sa mga labi niya, tapos ay sa mata niya, pabalik sa labi niya, pigil naman niya ang hininga dahil amoy na amoy niya ang sobrang lapit nitong labi na bahagyang nakabuka at lumalabas doon ang mabangong hininga nito na tumatama sa mukha niya.

"I don't know why but I'm thankful about that accidental kiss earlier.." Sabi nito at nanlaki ang mata niya nung naramdaman niyang hinawakan nito ang labi niya!

Teka..anong accidental kiss?

Ibig sabihin iyong-- iyong kaninang nasa labi niya ay..

Nahalikan siya nito!

"U-umalis ka dito!" Sigaw niya pero medyo pigil dahil literal na nag hihingahan na sila ng hininga.

Alam niyang sobrang pula na ng mukha niya dahil ang init ng tenga niya.

Ramdam niya ang pagbilis ng tibok ng puso.

"And you look so amazingly beautiful..that natural fresh face, and this beautiful blush of yours" Patuloy nito na parang wala itong naririnig at ung kanina ay labi niya ang hinahaplos nito, ngayon naman ay ang pisngi na niyang namumula.

Itinulak niya paalis ang kamay nito sa pisngi niya.

"Sumagot ka! Sino ka! Anong ginagawa mo dito? Bakit parang wala kang naririnig--"

Natigilan siya sa pagsasalita nung pinigil nito ang labi niya gamit ang daliri nito.

Inis naman niyang pinaalis ang daliri nito.

Perfect Imperfections: Pollux (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon