8

35.5K 981 17
                                    

Chapter 8:

Patria's POV:

STOP SAYING SHE'S BEAUTIFUL JUST TO GET INTO HER PANTS" sabi ng isang boses na mababa pero gigil na gigil ang tono.

Lahat sila ay napatingin sa bagong dating.

Nanlaki ang mga mata niya dahil nasa harapan nila ang madilim ang mukhang si Pollux habang nakatingin sa trabahador niyang si Kevin.

Nang tinignan niya ang mga tao ay nakita niya ang curiosity sa mga mata ng mga ito, pinandilatan niya ng mata si Pollux para makuha ang pansin nito pero nanatiling masama ang tingin nito sa trabahador niya.

Anong problema nito?

"Sino ka?" Tanong ng isang trabahador sa flower farm.

Napalunok siya.

Teka, anong gagawin niya?

Sandali lang Diyos ko! Natataranta na siya dahil hindi pwedeng malaman ng mga tao na pinapatira niya ito sa bahay niya!

"A-ahm s-sandali ah, kasi ganito..s-siya kasi a-ano--"

"I'm her new friend and business partner.." Sabi ni poll at inilinga pa nito ang tingin na parang ipinapaalam talaga nito sa tao kung sino ito, okay sana iyon pero sobrang intimidating ang pagkakasabi nito na parang lahat dapat ng nakikita nito sa loob ng flower farm ay pag aari nito.

Sandali lang..ano na ulit ang sinabi nito?

Bagong business partner siya nito, oo.

Pero kaibigan? Kelan nangyari iyon?

Anong gusto mong itawag sa kanya? Cook mo?

Ipinagluluto siya nito pero hindi niya hinihiling iyon, nagte-thank you din naman siya.

Pero kailan pa siya nito tinanong para maging kaibigan niya ito?

Hindi sila pwedeng magkaibigan, naiinis siya dito dahil parang naisahan siya nito.

"Ahm oo, n-nakalimutan kong sabihin sa inyo na may business partner na ako at--"

"Co-owner" sabi nito at nagtama ang mata nila nung ibinaling nito ang tingin sa kanya, pakiramdam niya biglang sumirko ang puso niya dahil nung sinabi nito iyon parang may...may iba?

Imagination mo naman, Patria. Saway niya sa sarili.

Hindi niya alam kung totoo ang sinabi nitong rason kung bakit ito nandito.

"I'm the one who's owning..this place and everything around inside this farm..is mine " sabi nito at hindi nito inaalis ang tingin sa kanya, dahilan para lalo niyang pagalitan ang sarili dahil biglang namula ang mukha niya.

Iniwas niya ang tingin dito.

"A-ang pangalan niya ay Pollux Karlsen at lagi niyo na siyang m-makikita dito" sabi niya habang kandautal na ipinapakilala ito.

Napasinghap siya nung biglang naramdaman niyang may humawak sa likod ng wheelchair niya.

"Let's talk" narinig niyang sabi ni Pollux na itinutulak na pala nito ang wheelchair niya!

"T-teka lang--" sabi niya at tinignan ang mga tao sa paligid na takang taka sa inasal ni Pollux sa harap nila.

Nanlaki an mata niya nung inikot na ni Pollux ang wheelchair niya.

"...m-may pag uusapan lang kami sa patakaran dito kaya, ano Kevin, papili na lang ng mga kailangang i-deliver" bilin niya sa sa mga ito pero hindi niya alam kung narinig ng mga ito dahil nakakalayo na silang dalawa ni Pollux.

Perfect Imperfections: Pollux (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon