20

30.1K 895 24
                                    

Chapter 20:

Patria's POV:

"That's why I'm going to talk to him, because he's the photographer" sabi ni Orion at pakiramdam niya, nasa sahig na ang mga mata at panga niya dahil sa sobrang pagkabigla.

"T-tek-teka! Anong sabi mo!" Natatarantang gagad niya.

"What? He's a photographer" sabi lang nito at ewan niya pero parang hindi nito pinapansin ang pagkataranta niya.

"A-aatras na ako" sabi niya dito.

Hindi pwedeng magkasama sila ni Pollux, iniiwasan nga niya ito di'ba?

Hindi siya makakapagconcentrate sa shop niya para makaipon.

Ang masayahin na mukha ni Orion ay biglang nag iba nung tumingin ito sa kanya, naging sobrang seryoso iyon.

"Give me a reason why" sabi nito sa seryosong boses.

"K-kasi ano uhm s-si ano--"

"Awkward with my brother? " diretsang tanong nito.

Natahimik naman siya.

"H-hindi ah" Kaila niya.

Tapos ang kaninang seryosong mukha nito ay bumalik sa pagiging masayahin.

"Well, if you're really not, then accept it" sabi nito.

Napatitig siya dito.

"Bakit mo 'to ginagawa?" Takang tanong niya.

Natigilan naman ito tapos ay bumuntong hininga.

"I need to prove myself to our Dad, that's all" sabi nito napakurap naman siya.

Ibig sabihin ba..

Ipinilig niya ang ulo, personal na nitong issue iyon sa buhay, hindi siya dapat nakikisali.

"Okay.." Mahinang sabi niya, gusto niyang makaipon at the same time ay lihim niyang matutulungan ito, ewan niya pero hindi naman awa ang nararamdaman niya dito, parang ..parang iyong batang paslit na gustong ipakita na magaling ito?

Pero ang kabayaran niyon, lagi silang magkasama ni Pollux.

Kaya ba niya?

Kung photographer ito, magtitigan sila buong maghapon?

Anong gagawin niya?

Ano?

Ano nga ba?

Be professional?

Be patay malisya?

Maiisnab ba niya ang gwapong mukha ni Pollt na lalong naging gwapo dahil sa bagong itsura nito?

"Earth to Patria" para siyang nagising lalo na nung pinisil nito ang pisngi niya.

Agad niyang inalis iyon.

"Huwag kang feeling close, at paano mo nalaman ang pangalan ko?" Sabi niya dito, hindi pa niya iyon sinabi dito.

"Oh right, Pollux told us about you like every chance he had, so even when I just met you personally I already know you" kwento nito na siyang ikinapula niya

Siya? Ikinukwento ni Pollux?

Sa buong pamilya nito?

"Anyways, I have to go since I will be polishing the draft of the said proposal, so I will be talking to you soon again, I'll leave since I have many daggers in my back already, at baka hindi na ako makauwi ng buhay" sabi ni Orion at saka ito tumawa, hindi naman niya ito nagets.

Perfect Imperfections: Pollux (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon