Yuri's not hard to please, lalong hindi rin ito mahirap mahalin. Hindi ito mahigpit, siya pa nga ang siyang nagrereklamo kung bakit napakaluwag nito. Kung pwede ngang maging possessive sa kanyang asawa, kaya lamang baka lumayo ito sa kanya. Baka ito ang tipo na hindi kailangang hawakan ng mahigpit, tutal nararamdaman niya naman araw-araw ang pagbubukas ng puso nito para sa kanya. Kung noon pahirapan na landiin ito, ngayon hindi na siya pinagpapawisan, tinginan lamang alam na nito kung ano ang kanyang gusto. Hindi na nila kailangang magpanggap sa harap ng kanilang mga magulang, then another blessing came, after years of being together Yuri got pregnant. Mabubuo na ang kanilang pamilya, without realizing that was his longtime dream.

Pero ang pagsubok nga naman, kapag alam mong perfect na ang lahat at wala ng problema , susuntukin ka ng katotohan. Yuri's first love came, the person in her heart before him. Iyon ay kung napalitan niya nga ba iyon sa puso ng kanyang asawa. They've been together since high school, sila ni Yuri ay wala pang isang taon na magkasundo, minus their marriage years na hindi naman naging progresibo. Ceres paid his wife a visit, iyon ang araw na biglang napaanak ang kanyang asawa. Hindi siya nagtanong kay Yuri, nalaman niya iyon sa kanilang mga kasambahay. Gusto niyang si Yuri mismo ang magsabi nito sa kanya, natatakot siya na hindi maging pabor sa kanilang mag-ama ang maging sagot nito. Ceres went to the hospital; he caught him looking at their son. Kinompronta niya ito.

"He got Yuri's eyes, ang lahat sa'yo na." komento nito sa kanya.

"Leave us alone, masaya na kami. Bakit kailangan mo pang manggulo?" sumbat niya rito.

"Hindi ako nanggugulo. Babawiin ko lang ang sa akin, kahit kamukha mo ang bata, pwede ko siyang ariin na sa akin." Mayabang na sabi nito, sa di kalayuan ay natanaw niya ang isang matangkad na lalake. Hindi niya alam kung ano ang relasyon nito kay Ceres, bodyguard or something? Pero nakita niya na ito dati. Wala lamang siyang concrete evidence na mag-lilink dito at sa kanyang aksidente. Hindi niya na ipinaalam kay Yuri dahil baka mag-alala lamang ito.

"Sinong may sabi sa'yong ibibigay ko ang anak ko? I will kill you before you can take my son away from me." He said glaring at her. Hindi niya talaga kahit kailan nagustuhan ang ugali nito. Hindi niya alam kung ano ang nakita ni Yuri dito.

"Then just Yuri then." Sabi nito, matapang na nanghahamon sa kanya.

"Nor my wife."

"Talaga? You can't keep someone who's just pretending that she loves you. Love isn't like that."

"If you really love her, hindi mo na siya dapat ginugulo siya ngayon." He fired back.

Humarap ito sa kanya at sinampal ang kanyang pisngi, iisa pa sana ito pero may pares na ng kamay na pumigil dito.

"Stop it Ceres. " Pigil nito. Nagkatinginan sila ng lalaking kasama nito, he can tell by the looks in his eyes, he's in love with this crazy woman. Pero bakit pumapayag ito sa kabaliwan ng babae? Siguro nga ganoon ito magmahal, pero hindi siya, hindi siya magpaparaya. Yuri belong in his arms.

"Bitawan mo ako!" waksi ni Ceres sa braso ng kasama."Iiwan ka rin niya! Babalik din siya sa akin!" hamon nito bago nahila palayo.

He will fight, pero iba pala kapag ang pinaglalaban mo na ang sumuko, ganoon lamang, walang paliwanag, iiwan siya, iiwan silang mag-ama? Marami siyang tanong pero ang taong makakasagot ay sumakay na sa kotse palayo sa kanya. Nagtagumpay si Ceres.

"I'll send you the plate number. No nasa akin ang passport nya, she can't leave the country. Just make sure kung nasaan siya!" tumawag agad siya sa kanyang kaibigan pagkapasok niya sa loob ng bahay, he went to his room to change, nakapambahay lamang siya at medyo malayo rin ang natakbo niya sa paghabol kay Yuri. Sinigawan niya ang mga kasambahay at ang driver sa baba, pagkapasok sa silid ay binalibag niya ang mga gamit. Sinuntok niya rin ang vanity mirror ni Yuri. Sobrang sakit lamang na kayang kaya nitong iwanan siya.

"Sir, okay lang po ba kayo?" tawag ng kasambahay sa labas. He yelled. How can he be okay? Iniwan siya ng kanyang asawa. Iniyak niya ang kanyang frustrations, nakasabunot siya sa kanyang buhok, hindi niya alam kung gaano siya katagal sa nasabing posisyon. He still have Dylan, kung kailangan gamitin niya si Dylan para mapabalik si Yuri ay gagawin niya. Mabilis siyang tumayo para puntahan ang silid ng kanilang anak.

Pero laking gulat niya ng madatnan si Yuri doon , nakahiga habang nagpapa breastfeed sa kanilang anak na si Dylan. Kinusot niyang muli ang kanyang mga mata , baka niloloko lamang siya ng kanyang paningin.

"Sorry sir, natatakot po kasi kaming pumasok sa silid nyo ni ma'am para sabihin na dumating siya. Umiiyak po kasi si Dylan kaya dito na siya tumuloy, ayan po nakatulog silang parehas. Sorry po sir." Hingi ng paumanhin nito.

"Iwan nyo na kami." Sinarado nito ang pinto, siya naman ay dahan-dahang lumapit sa pwesto ng kanyang mag-ina, tumabi siya sa gilid ni Yuri. Hindi siya makapaniwalang nandito ito, pero hindi niya lamang kailangan ng presenya nito, kailangan niya ng seguridad , kailangan niya malaman mula sa labi nito na hindi ito aalis. Hindi siya mapapanatag kapag hindi iyon nangyari.

Hinaplos niya ang mukha nito, naging dahilan iyon para magising ito.

"Derron." Tinaas nito ang kamay para pahirin ang kanyang luha. He's such a pussy, mas madrama pa siya kaysa rito.

"I thought you're leaving us." Hinawakan niya ang mga kamay nito.

"Sorry If you think that way. Ikaw at si Dylan na ang buhay ko. Ceres was my past, pero ayaw ko ng makulong sa nakaraan na puro kalungkutan. I want my life to be with you and Dylan. Pasensya kanina, I feel like I need to talk to her and ask for her forgiveness. Pinaasa ko siya pero alam ko namang hindi na rin ako ang kailangan niya, mayroong mas karapat-dapat para sa kanya. Hindi niya lamang iyon makita ngayon but I am hoping someday she will. Just like what happen to us, I love you Derron." Hinalikan niya ito sa labi.

"Iyan lang ang gusto kong marinig, hindi ko alam ang gagawin ko kapag iniwan mo ako. Inabala ko na ang mga kaibigan ko para hanapin kong saan ka magtatago. Hindi ako titigil hangga't hindi ka maibabalik sa tabi ko. I'm glad that I don't need to go that far."

"Hindi ko kayo iiwan ni Dylan. Mahal na mahal ko kayo." He kisses her once again, with passion and love. Sisiguraduhin niya araw –araw na walang ibang hahanapin si Yuri kung hindi ang pagmamahal niya at ang labi niya lamang. Binuhat niya ang asawa at hinalikan ng buong pagmamahal.

It might be a rough start for them, lahat naman ng tao may multo sa buhay, may gustong takasan, pero may pagkakataon tayo para lampasan ang mga multo na iyon at talunin. At times, you can do it alone, pero madalas masarap ang mayroong kasama, yung magbibigay ng ilaw sa daraanan mo, hahawak sa iyong kamay kapag madilim, kakarga sa'yo kapag pagod ka na. 

Satellite Kiss : EscapeWhere stories live. Discover now