SK 15:

6.3K 197 7
                                    

3/11/2018

BM: CRAZY BY AEROSMITH --this song inspire me to write this story...


...

SK 15:

Napahawak siya sa kanyang mukha. Kanina pa kasi nakatingin ang kanyang mommy. It's odd.

"Bakit po?" hinawakan nito ang kanyang mga kamay, her mother smile sincerely at her.

"I'm just so happy for you anak, ngayon lamang kita nakitang ganito kasaya. Derron must be taking good care of you." Napangiti siya, she nodded, hindi naman niya kailangang ikwento pa ang paraan ng pag-aalaga ni Derron sa kanya. It's just between her and her pervert husband. Kung noong dati ay behave ito ngayon ay all out na, basta daw gagawin nila ang lahat ng fantasies nito. She asked him once kung hindi ba nito nagawa sa mga babae nito ang mga fantasy, umiling lamang ito at hindi nagkwento pa. Siguro para hindi lamang siya masaktan, but it's okay, that's his past. Hindi rin naman ito nagpapakwento sa kanya.

"His mother is just so happy that he's back on track, seyosong seryoso na sa business, ang kulang na lamang talaga sa inyo ay anak." Napalunok siya, siya namang pagpasok ng nakangitining mommy ni Derron. Tumayo siya para salubungin ito.

"I'm curious too, kailan kami magkaka-apo?"bakit nasa hot seat siya bigla? Sabay nagtawanan ang dalawa, tuwang tuwa sa kanyang pagkapahiya. It's good to see that they got along so well. Arranged marriage isn't that bad at all.

Sa labas na sila nagdesisyon na mag-lunch, Derron will join them , may inaayos lamang ito kaya naman nauna na sila. Sa Thailand Restaurant napili ng mommy nila na kumain, she ordered for her husband as well, habang hinihintay ang kanilang order ay nag excuse siya muna para mag bathroom.

She almost tripped mabuti na lamang at nasalo siya ng isang lalake. She straightened immediately after realizing their awkward position. "Sorry and thank you."

"It's all right, be careful next time. You never know what will happen the next time that you will fall." The man has deep baritone voice, a body built like Derron but inches taller.

"Pasensya na ulit. " she said to excuse herself.

"Wait." Hinawakan siya nito sa braso, mabilis niya namang iwinaksi iyon. Hindi siya sanay na hinahawakan ng iba.

"I'm sorry, I didn't mean too. You just drop something." Yumuko ito para pulitin ang kumikinang na bagay sa lapag. It was her bracelet. It's Derron's gift.

"Salamat." She took it immediately, magagalit si Derron kapag nawala ito, gusto noon kapag may ibinibigay, ginagamit o dapat isusuot niya. She just realized that he loves giving her present, siya naman sa kabilang banda ay hirap na hirap sa kakaisp ng ireregalo.

"I'm Regal by the way." Pahabol nito.

"Thank you Regal." Muli siyang tumalikod, pero muli itong nagsalita.

"Don't you feel like it's necessary for you to give me your name?" Unwillingly, nilingon niya ito. Hindi niya gusto ang kahanginan nito sa katawan. Derron's the same but she doesn't like this one.

"I don't think it's necessary. We will never meet again." She said dismissing him.

"How can you be so sure? Life a box of chocolate, you never know what you'll gonna get." Sabi nito, kinopya pa ang linya sa isang kilalang English movie. Hindi na siya lumingon pa, she went to the bathroom and do her thing. For some reason nag-aalagan siyang lumabas dahil baka makita niya pa ito, pero salamat dahil wala na ito paglabas niya.

She felt relieved when she saw Derron in their table, nang makiat siya nito ay tumayo ito agad para mabilis na humalik sa kanya. Dahilan para tuksuhin sila ng kanilang mga ina.

"Look at them, so sweet, hindi mapaghiwalay." Sabi ng mommy niya.

"We asked Derron the same question that you failed to answer, sabi niya on the way na raw." Natatawang sabi ng mommy nito, naguguluhan siyang nakatingin kay Derron, nilapit nito ang upuan sa kanya para mapalupot nito ang kamay sa kanyang beywang.

"They asked about the baby, sabi ko on the way na, kasi imposibleng wala, we're working hard day and night, before and after bed." Kinurot niya ito sa tagiliran. Nakakainis pero kapag napikon naman siya , siya ang magiging talo. Derron's just love to tease her, pero sweet naman ito, he gave her flowers often, nag dadate din sila after office hours. So many things happened after that night.

"Alam mo hindi pa ako naakapunta sa amusement park." Derron said one Saturday morning.

"Really? Eversince?"

"Oo, let's go to Disneyland, tignan natin kung iyon nga ang happiest place on earth." Alok nito, that's a good idea, pero for now gusto niya munang masubukan nito ang local.

"If you want we can go today sa Enchanted Kingdom?" she suggested.

"Are you asking me on a date?" panunukso nito na sinasamahan pa ng pagtusok tusok sa kanyang tagiliran. Dahil nakikilita siya ay lumalayo siya dito.

"Stop it!" kahit anong saway niya ay hindi naman ito tumitigil, patuloy ito sa pagkiliti sa kanya, sa huli ay nakapatong na ito sa kanyang ibabaw, with a mischievious grin written in his face. " Derron, grabe ka ha, wala kang tigil."

"Sige na, ang tagal kaya kitang pinapantasya ngayon lang naisakatuparan."

"What?" natatawa niyang tanong dito, kung ano ano na naman kasi ang sinasabi.

"Ang sabi ko, matagal na kitang crush, hindi mo nga ako pinapansin noon eh." Nakangusong sabi nito.

"Kailan iyon?"

"Pa-iskor muna, tapos ikukuwento ko." Wala na siyang magawa nang mahubad nito ang kanyang cotton short kasunod ang kanyang panty. Kung dati , kapag nasa bahay at weekend ay balot na balot siya, ngayon, halos hindi na siya makapagdamit, dahil lagi na lamang pinagdidiskitahan ni Derron. Laging tinatanggal nito.

So much for having a very insatiable and pervert husband.

....

Ceres is wearing a dress, and a cowboy hat, siya naman sa kabilang banda ay suot ang suit na binigay nito. May shades pa nga itong kapartner. It's eigth in the evening.

"Where to?" she drived for more than an hour. Narating nila ang isang hindi pamilyar na lugar, bars everywhere, it was like a sinful town. Women and men making out in the streets. Paano nalaman ni Ceres ang ganitong lugar?

Hinila niya ito. They can still leave, may oras pa sila.

"Ceres, it's dangerous here." Bulong niya dito.

"It's all right, I know some people here, hindi tayo mapapahamak." Sabi nito, kahit natatakot ay hindi naman niya kayang iwan si Ceres. Sa bawat paglalakad ni Ceres ay nakakarinig siya ng pagsipol at pagtawag ng mga lalake. They can't blame them, Ceres is sexy and beautiful, her smile can take someone's breath away. She massively change after high school, some things change her. Ang hindi lamang nagbago ay ang pagkakaibigan nila, silly it may seems but she's the one who wants them to change, to progress into something deeper. Apparently, Ceres can't give her that.

Pumasok sila sa isang bar. Ang napansin niya agad ay ang dalawang babaeng nagsasayaw sa stage, sa pole to be exact. The hungry men cheers in their respective table.

"What are we doing here Ceres?"

"Relax." Nakipag-apir ito sa bartender saka siya hinila paupo sa mesa na nasa harap ng stage. May naiserve na agad sa kanilang drinks pagka-upo, tinungga naman ang agad ni Ceres ang malamig na beer na nasa baso.

"At 20, I want to be a wild dancer." She told her, tinanggal nito ang sombrero saka sinuot sa kanya, malandi itong umakyat sa stage at sumayaw sa maharot na musika, ginaya nito ang mga dancer na nagsasayaw sa pole kanina lang.

It's not that exciting and good if Ceres isn't staring at her while dancing, pero napapangiti na lamang din siya sa kalokohan nito dahil pakiramdam niya siya lamang ang sinasayawan nito at hindi nito nakikita o napapansin ang mga kalalakihan na sumisipol para sa atensyon nito.

If only they weren't on the same gender. Things won't be this complicated. 


Satellite Kiss : EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon