SK 10:

6.3K 241 8
                                    




SK 10:

"Anyone who wants to answer?" tanong ng teacher. Yuri raised her hand. "You again? What happened to your classmates?" she heard grunts and complaints from her classmate, some even said pabibo raw siya masyado , some tagged her as teacher's pet. Wala pa nga siyang isang buwan sa school pero kilala na siya, the worst part, she was known as the new girl everyone hated. Ang kasalanan niya lamang naman ay mas nag-aaral siya ng mabuti. Kasalanan na pala iyon ngayon?

She thought that this school will be different and breathe of fresh air, pero nagkamali pala siya. Mula sa kanyang weired na roommate, walang pakealam kung nag-aaral siya o hindi, basta kapag gusto nitong magpatugtog ng musika ng malakas o kumanta ng malakas walang makapagbabawal. Ceres has her own world at mukhang takot naman ang ibang tao na pasukin ang mundo nito.

"Very good! If everyone will study as hard as your classmate Yuri then..." natabunan ang sasabihin ng kanilang Math teacher dahil sa pagtunog ng bell, nag-ingay ang mga estudyante upang hindi na marinig iyon. She doesn't look please either. Umalis na tuloy ito, nagliligpit siya ng kanyang mga gamit ng palibutan siya ng mga estudyante. They belong to the It girls in their school, sadly she was sectioned with them.

They start throwing ugly words at her, mabuti at sinaway sila ng kanilang president. She was thankful kahit nararamdaman niya na hindi rin siya gusto dito. She used to be the top one in their class, now that she's here; she's threatened that she will claim her spot.

Mas ikinaiinis siguro ang hindi nya pagpatol sa patustada ng mga kaklase, kahit ano kasing sabihin ng mga ito sa kanya ay hindi siya kumikibo. Mapapagod din ang mga ito.

That's what she thought.

"Saan nyo ako dadalhin?" papunta siya sa library ng hawakan siya sa magkabilang braso ng kanyang mga kaklase.

"It was about time to teach you a lesson." Si Nikky, that's her name, hindi niya maintindihan kung bakit sobrang laki ng galit nito sa kanya. "Let's go girls!" utos nito sa mga tatlo pang babaeng may hawak sa kanya, may nadaanan silang ibang kaeskwela ngunit patay malisya lamang ang mga ito sa nangyayari.

She feels so hopeless. Dinala siya ng mga ito sa abandonadong silid, madilim doon, puno ng mga sirang silya na pinapatong patong, tinulak siya doon dahilan para matumba siya sa mga silya.

"Oops, dahan dahan , kawawa ang prinsesa." Tudyo ng isa, dahan dahan siyang tumayo.

"Bakit ka ba kasi pumunta rito? May iniwasan ka ba sa dati mong school?" usisa pa ng mga ito. "According to my source, you were involved sa isang sex scandal. Yuck!" nagtawanan ang mga ito sa kani-kanilang mga akusasyon, wala siyang sinagot sa mga ito. ang tumatakbo lamang sa isip niya ay kung paano siya makakalabas ng ligtas. If this news reaches her parents, they will immediately pull out from this school. She can't tell if that's a good or bad thing, either way mayroon pa rin siyang tinatakasan.

"Ano bang gusto nyo? Wala naman akong ginagawa sa inyo?"

"Your presence dear, I hate it!" si Nikky.

"Hindi ko na iyon problema." Sagot niya na nagpainit sa ulo ni Nikky, umigkas ang palad nito at sinampal siya sa kanang pisngi. Tawa naman ng tawa ang mga kasama nito.

"Sabunutan mo na ng madala, akala mo kung sinong magaling, napakayabang!" sulsol ng isa. Sinabunutan nga siya ni Nikky, hinawakan niya rin ang buhok nito para gumanti kaya lamang ay pinagtulungan siya ng mga kasama nito.

"Ang ingay naman o, walang respesto sa natutulog!" reklamo ng isang boses, lahat sila napatigil para makita ang nagsalita, bumangon ito mula sa pagkakahiga, binitawan siya ni Nikky at ng mga kasama nito ng makilala kung sino ang taong kasama nila sa kwarto.

Si Ceres at mukhang hindi maganda ang mood nito dahil naabala sa pagtulog.

Mahigpit na bilin pa naman nito sa kanya na kapag tulog ito bawal abalahin, alam na alam niya dahil room mate niya ito.

Nakakunot noo itong tumingin sa kanya, alam niyang kakatwa ang kanyang histura.

"Aba, roommate ko talaga ang ginawa nyong laruan." Inihanda niya na ang sarili niya, katapusan niya na marahil kapag sumali si Ceres sa mga nambubully sa kanya.

"So-sorry Ceres." Nauutal na sabi ni Nikky, napaatras ito ng lumapit si Ceres, nagulat siya ng sampalin ito ni Ceres at napatumba sa sahig.

"Ang sarap, tagal na simula noong may nasampal ako." May amusement sa boses nito habang nakatingin sa kamay, bago ulit bumaling sa mga kasama ni Nikky. " lapit na kayong tatlo, hindi nyo magugustuhan kung ako ang lalapit sa inyo." Bagama't takot ay nagsilapit ang mga ito, at bawat isa ay nakatanggap ng sampal mula kay Ceres, lahat ay napatumba kasama ni Nikky, nang matapos ito ay saka bumaling sa kanya.

Mukhang kailangan niya ring lumapit para makatanggap ng isang malakas na sampal. Pero hindi iyon nangyari.

"Papaiwan ka pa ba dyan kasama ng mga walang kwentang tao? Sabihin mo lang?" kumilos na siya agad, sumunod na siya dito para umalis.

Ito ang unang beses na may tumayo para sa kanya, maliban sa kanyang namayapang kuya.





....

"I can sleep on the floor, don't worry." Sabi ni Derron pagkapasok nila sa loob ng kwarto, bagama't labas iyon sa ilong nito. napipilitan lang. "Magdududa sila kapag nanguha ako ng ibang room, so we have no choice but to sleep on the same room, don't you think?"

"Gusto mo bang mahiga sa floor?" tanong niya dito.

"Syempre hindi." Ngumisi pa ito ng nakakaloko. Malaki naman ang kama, hindi naman siguro masama kung mag-share sila. As if it didn't happen before na naging magkatabi sila sa isang higaan. Iyon lang naman ang nangyari, wala namang iba. Nauna na siyang gumamit ng banyo, dinala niya ang kanyang pamalit sa loob.

"I'm done."

"I'm next then." Si Derron, tinangay ang isang tuwalya saka pumasok sa banyo. Napabuntunghininga siya nga malalim, Derron's doing his best for their marriage to work, dapat ay ganoon din siya.

Nagsusuklay siya ng kanyang buhok sa harap ng salamin ng lumabas ito nang nakatapis lamang ng puting tuwalya. Hindi niya nasaway ang sarili dahil nakatingin siya sa repleksyon nito sa salamin, sa basa nitong dibdin, sa munting tulo ng tubig galing sa mamasa masa nitong buhok.

Napaiwas siya ng mata ng magtama ang kanilang mata. Nahuli ba nito.

"Sorry, di ako nakapagdala ng gamit sa loob."

"Okay lang." hindi niya alam kung bakit labis siyang kinakabahan, hindi niya rin alam kung bakit bumabalik ang mata niya sa ginagawa ni Derron, kumukuha ito ng pares ng damit sa maleta nito. May kanya kanya kasing party ang bride at groom bago ang kasal, kung ang iba ay pinipili na magpahinga bago ang kasal iba ang trip ng mga kaibigan ni Derron.

"Will you be all right with them? Huwag kang iinom ng higit sa kayo mo, call me if you need anything, all right." Katakot takot na bilin sa kanya ni Derron, hinihila na ito ng boys palayo pero nakakapit pa rin ito sa kanyang kamay. Natatawa na lamang siya dahil mukha itong bata.

"Okay lang ako." She assured

"Sure ka? Hindi naman kasi natin kailan na sumama, you know we can just stick together like glue." Hirit pa nito, pero buo na ang kanyang desisyon, she will stay with the girls.

"Pare, tara na hayaan mo muna ang asawa mo." Ingot ng isa, hindi kasi makapag-umpisa ng wala si Derron, tiyak niyang may babae doon, bahala sila.

"Wait, asshole!" sigaw nito sa humihila. Hindi niya alam kung anong pumasok sa isip niya, nakalabi kasi sa kanya si Derron kaya naman hinawakan niya ang mukha nito at hinalikan sa harap ng mga kaibigan nito. Nabigla ito sa una pero gumanti rin ng halik. They can hear his friends cheering. Nang matapos ang ginawang paghalik ay natawa siyang makita ang lipstick na napunta sa labi nito. Pinahid niya iyon.

"Go." Ngiti niya.

"Lagot ka sa akin mamaya, hahalikan kita buong magdamag." Hamon nito. She has no idea what's with that words but she can feel a different jolts of excitement.

Now her heart is torn, forming in two.

IR>

Satellite Kiss : EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon