CHAPER EIGHTEEN

14.2K 198 7
                                    


THIRD PERSON POV


LULAN ng isang puting van ang ang buong pamilya ni Kevin.Kararating lang nila ng Pilipinas kahit labag sa loob ni Kevin ang bumalik dito ay hindi niya kayang hindi ang gusto ng anak niyang si Agnes. Itinuring niya ang batang anak ni Jax at Paris na kanya, lahat ng meron si Paris ngayon at ang anak nito na si Agnes ay kanya na.


Matagal niyang plinano ang lahat ng ito.At ngayon ang kahinaan ng isang Ajax Montereal ay na sa kanya, at hindi lang isa kundi dalawa pa.Simula noong college pa silang dalawa ni Jax ay may gusto na ito sa girlfriend niyang si Paris.Ilang taon din siyang nagtiis sa lahat ng mga kahihiyan na ginawa ni Jax sa pamilya niya ng malaman ni Jax na may gusto si Kevin noon kay Paris.


Laging natatatlo si Kevin kay Jax pero ngayon makukuha na niya ang trophy na pinaka iniingatan ni Jax.Tumingin siya kay Paris habang pinapatulog sa dibdib nito si Agnes.Sumulyap siya ulit sa mukha nito pababa sa makinis nitong leeg at braso.Kahit may isa na itong anak ay hindi pa rin kumukupas ang kagandahan nito.


Lalo na ang hubog ng katawan nito ,na kahit minsan sa buong pag sasama nila ay hindi niya man lang na angkin.At hanggang tingin lang siya dito.Hindi niya maiwasang mainis dahil napaka swerte ni Jax sa kanya at na angkin niya ito samantalang siya ay hindi niya man lang mahawakan kahit saang parte ng katawan si Paris.

Hanggang halik lang silang dalawa ni  Paris at pag alam niyang lumalalim na ang ginagawa niyang pag halik ay pinpigilan siya nito.Kahit sobrang galit na siya sa loob loob niya ay hindi niya ito ipinakita.Dahil ayaw niyang iwan siya ng babaeng bumabaliw sa kanya.


Muli niyang tinuon ang paningin niya sa daan."Gusto niyo ba kumain muna tayo sa isang restaurant bago tayo pumunta sa bahay?"tanong niya kay Paris habang nasa daan pa rin ang tingin.


Nakita niyang lumingon ito sa likuran."Ikaw Ara gusto mo ba kumain muna tayo sa reataurant?"tanong ni Paris.

Ngumiti ito at nilapag ang cellphone na hawak sa upoan."Yes po mommy"nakangiting tugon nito sa kanya.Bumaba sila sa isang mamahaling restaurant.Na unang bumaba ang si Paris karga karga si Agnes na natutulog sa balikat niya.


"Ako na ang mag kakarga kay Agnes para hindi ka mahirapan."sabi ni Kevin dito at kinuha sa bisig ni Paris ang bata.Kinuha na niya ang hand bag sa loob ng shotgun seat at pinag buksan ng pinto si Aira.


Pumasok sila sa loob at sinalubong sila ng isang waitress."Dinning po or Private dinning?"tanong ng waitress kay Kevin.

"I want private dinning for us"tipid at masungit nitong sagot.Halata kasing nag papacute ang babaeng wiatress kanina dito.Mabilis na tumalima ang waitress at dinala sila sa isang VIP dinning room.

Sa kabilang banda.

Isang lalaking naka corporate attire ang naka upo sa loob ng isang black van sa labas ng isang restaurant kung saan ay kasalukuyang kumakain ang kanyang asawa kasama ang walanghiyang lalaking may pakana ng lahat ng ito.


Dalawang taon na ang nakakalipas simula ng patayin niya si Lara , namalaman niya kasi ang tunay na pakay nito sa kanya.At na banggit nito na kailangan ay iligtas si Paris mula kay Kevin na isang baliw.

Nalaman niya din ang tungkol sa tunay na pagkatao nito.Pinatay niya mismo ang asawa niya sa harap ng anak nila na si Aira.Tatlong taon pa daw ang bata noon at wala pa gaano itong alam sa mga nangyayare.Kaya minabuti daw ni Lara na ilayo ang sariling pamangkin sa pinsan niyang si Kevin.

Ajax Montereal  ESCAPE SERIES ONE : [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now