CHAPTER SEVENTEEN

13K 209 2
                                    


PARIS


THREE years had pass simula ng magbago ang ikot ng mundo ko.Akala ko nun mawawala ang anak ko, ang kaisa-isang regalo sa akin ni Jax.Three years ago simula ng ma-incubate ang baby ko dahil kulang siya ng dalawang buwan.Naging ma-ilap na ako kay Kevin simula noon, nag sasama pa din kami sa iisang bahay at ginagampanan ko pa din ang pagiging mommy ko kay Aira.


Masaya ako at naging mag kasundo ang anak ko at ang Ate Aira niya.At tinuring niya din na tunay na kapatid si  Agnes, kahit hindi ko naman anak si Aira.At si Kevin naman ay hindi niya din tinuring na iba si Agnes sa kanya, malapit naman silang dalawa ni Agnes.Kaya masaya ako lalo na kapag na le-late ako ng uwi sa bahay dahil sa trabaho ko.


Tuwing uuwi ako nakikita ko silang tatlo na natutulog sa living room habang naka sabit ang kumot sa magkabilang parte ng sofa.Gaya ngayon naabutan ko na naman silang natutulog sa living room.


Pinatong ko ang bag ko sa coffee table.Hinubad ko ang jacket ko at tumabi kay Kevin at niyakap siya.Kahit na nagawa niyang ipahamak noon ang anak ko,ay tinanggap niya pa din kaming mag ina kahit sagad hanggang buto ang galit ko sa kanya noon.Pero nag bago yun ng makita ko ang pantay na pagmamahal niya sa anak niya at anak ko.


"Paris"tawag niya dahan dahan kung inangat ang ulo ko para makita siya."Kumain ka na ba?"tanong niya tumango ako at niyakap siya ng mahigpit.Ilang sandali pa ay nag salita ulit siya."Hindi ka na ba galit sa akin?"tanong niya.


"Sapat na ang pagmamahal mo sa anak ko para patawarin kita.Maraming salamat sa pagiging ama sa kanya, kahit kelan hindi mo siya tinuring na iba sayo."sabi ko at sumiksik sa dibdib niya.Niyakap niya ako pabalik at hinalikan ang ulo ko.

__


"Mom-my! my!my!"tawag sa akin ni Agnes habang kinakain ang kamay niya.

"Agnes don't eat your hand it's dirty.."saway naman ni Aira sa kanya at pinunasan ang kama ni Agnes na puno na ng laway.

Nandito kami ngayon sa garden nag pi-picnic kaming tatlo wala kasi si Kevin may urgent meeting daw sa company niya."Ara hayaan mo na si agnes baby pa naman siya e"sabi ko habang pinapakain silang dalawa ng favorite nilang ice cream cake.


Nakita kug sumimangot ang mukha ni Aira."But mommy look at Agnes she dirty na"sabi niya habang tinu-turo si Agnes.Nakita ko kung paano niya lamtakan ang isang slice ng cake na nasa kamay niya.Natawa ako ng bumilog ang mga mata niya habang nakatingin sa amin ni Aira.


"Paris!Paris!!"sigaw ni Kevin mula sa loob ng bahay.Mabilis akong tumayo mula sa pag kakaupo at pinunasan ang mukha ni Agnes."Paris!"patuloy pa din sa pag sigaw si Kevin.


Ano naman kaya ang prblema niya.Kita ko ang masamang tingin na pinu-pukol sa akin ni Kevin."Sabihin mo , ano to? Nag renew ka ng passport at nag book ng flight papuntang Pilipinas.Akala ko ba mag s-stay na tayo dito sa State?"galit na sigaw niya.

Tumingin ako sa passport na hawak niya."Vin! wag sa harap ng mga bata."inis na sabi ko at tumingin sa dalawang bata.Nakita ko si Aira na tina-takpan ang tenga ni Agnes.Mabilis niyang hinila ang braso ko at kinaladkad papunta sa living room.

Ajax Montereal  ESCAPE SERIES ONE : [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now