"Alex!" Lumapit sa akin si Denise. "Kilala mo ba si Hanako Perez? Taga-Class 2-C kasi siya. Madami ka raw kakilala dun."

Nag-isip ako ng ilang segundo.Hanako Perez...

"Ah. Oo kilala ko siya. Bakit?"

Naalala ko na si Hanako. Palagi ko siyang nakikitang umiiyak sa playground. Hindi lingid sa kaalaman ng nakakarami ang problema niya sa klase. Siya ang pinagkakaisahan ng lahat. Naranasan na niya ata lahat ng klase ng pangbu-bully.Nakakaawa ngunit ... wala kaming magagawa.

"Nahulog niya kasi ang I.D niya. Eh wala ata siya ngayon. Pwedeng pakibigay na lang sa kanya?" Wikani Denise habang inaabot sa akin ang I.D ni Hanako.

"Sorry Denise pero hindi ko siya nakikita nang madalas eh. Baka nandiyan lang siya, hindi nag-aabsent yon."

"Sige, hahanapin ko na lang siya. Salamat, Alex!" Sabi niya habang papaalis.

Nakita ko namang sinamahan siya ni Ash sa paglabas niya. Umupo ako sa pwesto ko at tinignan ang mga taong nakapaligid sa akin.


Denise's POV


"Bakit ba kasi kailangan mong isauli yang I.D niya?" Sabi ni Ash na halatang naiirita.

Nakabulsa ang dalawa niyang kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon niya. Nakasabit na naman ang headphone niya sa leeg niya habang naglalakad.

"Alam mo, ayos lang naman kahit wag mo na kong samahan." Sabi ko sabay irap sa kanya.

Agad kong naramdaman ang paghawak niya sa kaliwa kong kamay. Tumingin ako sa kanya ngunit kasabay ng pagtingin ko ay tumingin siya sa ibang direksyon. Pilit kong inaalis ang pagkakahawak niya sa kamay ko ngunit ayaw niyang bitawan.

"Ano ba Ash. Bawal ang PDA dito." Bulong ko sa kanya.

"PDA na ba to?" Tumigil kami sa paglalakad at humarap sa isa't isa. "Ang alam ko, ito yung PDA e." Nanlaki ang mga mata ko nang biglaan niya akong hinalikan sa pisngi. Agad siya tumakbo palayo. Tumingala siya sa building ng high school kung san nakatanaw ang ibang estudyante na nakasaksi sa paghalik niya sa pisngi ko. "Tandaan nyo iyong nakita nyo! Isumbong nyo rin kami kung gusto nyo! Dahil, ako si Ash Flores ay baliw na--"

Agad akong tumakbo papalapit sa kanya at tinakpan ang bibig niya. Tumawa kami nang tumawa.

Hindi ko alam ngunit habang mas tumatagal, mas lalo siyang nagiging importante sa akin. Kayang-kaya niya akong pangitiin sa kahit anong paraan na gawin niya. Kayang-kaya niyang iparamdam sa akin na iimportante ako at totoo ang mga sinasabi niya.

"Iyon ang PDA. At kung mapapatawag man tayo sa OSA, gagawin ko uli yon." Kinindatan niya ako at muling hinakawan ang kamay ko. "Hahanapin pa natin yang Hanako na yan. Tara na nga, baby Denise." Hinatak niya ako.

"Gago ka talaga." Sabi ko sabay tawa.

"I love you too." Ngumuso siya sa akin at muling ngumiti.


Lilith's POV


"Ako na." Ngumiti na naman sa akin si Andy. Kinuha niya ang hawak kong tray kung san nakalagay ang mga pagkain ko ngayong lunch.

Natandaan ko na ngayon ang pangalan niya. Ilang beses din siyang nagpakilala kanina kasi nakakalimutan ko. Kahit kailan, mahina talaga ako sa pag-alala ng mga pangalan tanging si Griselda lang ang nakasama ko mula pagkabata. Pero ngayong wala na siya. Iniwan ko na siya. Dahil sabi sa akin ng nurse ko ay mas bubuti ako kung iaalis niya muna si Griselda sa kin.

Class 3-C Has A Secret | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon