Chapter 10

13 1 0
                                    

Sara's POV

Hindi ko inaasahan na magiging napaka-busy ko ngayon. Kabi-kabilaan kasi ang biglaang meeting ni Boss. Kaya ako bilang secretary niya ay napapasabit ako sa kabusyhan niya.

Haay. Nakakapagod ang araw na ito. Iniunat ko ang aking braso at humikab pa. It's already pass 8 pm at eto ako nandito pa sa table ko habang tinatapos ang paper works na ipapasa ko kay boss. Nang matapos ko ito ay dali-dali na aking tumayo at pumasok sa loob ng office ni boss.

Ayun nanaman siya, sobrang tutok sa laptop niya. Ngayon ko lang napansin na sobra pala siyang tutok sa trabaho niya at napaka metikuloso niya pagdating sa trabaho. But the whole day na hectic kami he always manage to talk to me. Now I know he's not actually the masungit type. Mr. Palabiro kaya ang boss ko. Kahit puno ng trabaho nagagawa pang magyabang. Tss. And take note siya yung nagyayabang na seryoso magsalita. Not like those yabang na pati way ng pananalita nila ay puro yabang. For him he says it seriously.

"Boss JK. Ito na yung last na folders." Sabi ko at ibinaba ang folders sa lamesa niya. Nag-angat siya ng tingin sa akin at kumunot-noo nanaman.  Hindi na ba talaga mawawala ang kunot-noong yan?

Hinawakan ko ang noo niya at itinuwid ito. "Boss, bawasan mo nga yang kaka-kunot noo mo. Maaga kang magkaka-wrinkles niyan." Sabi ko habang hawak ang noo niyang kunot.

"Tss." Hinawakan niya ang kamay ko at ibinaba iyon.

"Have you eaten dinner?" Tanong niya. Tumango naman ako. Kanina pa ako kumain noh. Hindi yata makakalagpas sa akin ang 6pm dinner noh. Sakto kasi lagi akong gutom ng ganung oras kaya 6pm ako kumakain ng hapunan. Walang busy busy sakin kapag pagkain ang usapan.

"Yes boss. At exactly 6pm." Sagot ko. "Ikaw boss kumain kana?" Tanong ko pa. I was just curious, malay ko bang hindi pa kumakain ito?

"Not yet.." Sagot niya. Nagawa kong pitikin ang kanyang noo. At mukhang nagulat naman siya sa ginawa ko. Pero ngumisi lang ako sa kanya.

"Hindi ka dapat nagpapalipas ng gutom boss." Pangaral ko at with hand gestures pa yan.

"It's just 8:20 Ms. Kapayapaan. This was my dinner time." Seryoso nanaman niyang sabi. Medyo nakaramdam ako ng hiya dahil dun. Oo nga pala pang-probinsyang kain kasi ako eh kaya maaga.

"Hehe. Sige boss kain ka na muna." Sabi ko. Tumayo na siya sa table niya at tumabi sa akin.

"Do you want to eat again?" Tanong niya.

"No boss. Hindi na kasi ako kumakain ng ganitong oras." Sabi ko. Kasi kapag kumakain ako ng ganitong oras nahihirapan akong matulog. Ewan ko ba siguro ay nasanay na ako sa 6pm na kain.

"Okay.." Sabi niya. Maglalakad na ako papunta sa pinto ng biglang bumukas ito. Pumasok dito yung gf ni boss JK. Yung sinampal ako?

Nang makita niya ako ay halatang nagulat siya pero napalitan rin ito kaagad ng galit. Mabilis ang pangyayari kaya muntikan na niya ako masampal nanaman. "Levi." Malamig na tawag ni Boss na nagpatigil sa kanya.

Humarap siya kay boss at nakita ko yung lungkot sa mata niya. Pero agad rin itong nawala at napalitan ng galit. Kahit saglit lang iyon alam kong puno ng sakit ang nararamdaman niya.

Napatitig ako sa kanya.. Hinihintay kong lumabas muli ang emosyong iyon pero nabigo ako. "I waited for you." Mariin na wika ni Ms.Levi.  Kita ko naman ang pagbabago ng ekspresyon ni boss. Para bang may naalala siya bigla.

Million Reasons (ON HOLD)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ