Section F? What does Section F even mean? Isn't their sections based on numbers? Katulad ng kayla Kuya, they're part of Section 1. Ang gulo naman nang bruhang to.

"Bakit po, Section F?" Tanong ko, I was really trying to hide the annoyance in my voice

Actually tina-try kong maging magalang because if not, I might explode. Pag hindi kasi ako nakapagtimpi, baka hindi ko mapigilan yung sarili ko at baka maahitan ko yung kilay niya.

"Kasi bagsak ka. Dun namin ina-assign yung mga taong may failure sa grades." Sagot niya

So is she implying that I'm just a failure to them? Bastos tong babaeng to ah. Hindi ko lang siya aahitan ng kilay dahil konti na lang, baka magilitan ko siya nang leeg. Inirapan ko na lang siya bago ko siya talikuran.

Pumunta ako sa bench kung saan nakaupo si Z tsaka si Kuya Javier, they seem to be pre-occupied with each other's presence. Nung nakalapit ako sa kanila napatingin sa akin si Z, binigyan niya naman ako nang isang maliit na ngiti.

"Anong section mo?" Tanong ni Z

I bet that she's also part of Section 1 like Kuya Javier, she's as smart as him. Hindi ko talaga alam kung saan nila nakukuha yung katalinuhan nila. Ako lang yata yung hindi nabiyayaan ng utak e.

"Section F!" Pasigaw na sagot ko, sinubukan kong sagutin siya nang mahinhin kaso badtrip talaga ako ngayon

Isipin niyo naman kasi to. Bakit may ganong section dito? Like is it supposed to exist? Parang nagkikipaglokohan lang ako dito sa school na to e. Kung sino man gumawa nung section na to, sarap mong gilitan sa leeg.

"Ikaw?" Tanong ko

"Section 1, 3rd year." Sagot niya

Magkaklase pa sila ni Kuya! Pag nalaman ko talagang naging sila dahil lang sa palagi silang magkasama sa iisang classroom magwawala ako! Paano pag walang gwapo dun sa classroom namin edi nganga ako? Bawal yun!

Nakakairita kasi talaga e, napakadaya kung alam ko lang ganito yung kahahatungan ko edi sana hindi na ko natulog sa klase ano?! Bwisit ako ah yung maganda kong mukha nasestress.

"Alam mo Ziah, ang panget mo na nga nakabusangot ka pa. Edi mas lalo kang pumanget." Sabi ni Kuya

Aba! Isa pa tong panira sa araw ko ah. Kala niya nakakatuwa siya! Baka batuhin ko siya ng bag dyan.

"Kung panget ako, panget ka rin!" Pagsigaw kong sabi

Oo alam kong maingay ako pero wala silang pake kasalanan naman nila kung bakit ako bad mood. Kailangan talaga ihiwalay ako sa mga kaibigan ko?

Padabog akong naglakad papunta sa parking lot ng school. Si Kuya kasi ang driver namin ngayon. Nung sinubukan kong buksan ang handle ng pinto, hindi ko ito nabuksan.

"Nangaasar ka ba talaga! Buksan mo nga." Sabi ko bago ko siya inirapan

Noong nakita kong pinindot niya na yung botton dun sa susi ng kotse, padabog akong pumasok sa loob at padabog ko ring sinarado yung pinto.

"Alam mo kung galit na galit ka sa naging section mo, pwede bang wag mong idamay kotse ko." Sabi ni Kuya nung nakapasok na sila sa kotse

I'm a spoiled brat at minsan kapag hindi ko nakukuha ang gusto ko magwawala ako and now ayoko sa section kung saan ako nalagay, bakit?

Dahil wala akong kilala dun at ayoko nang magpakilala dahil nakakatamad, nakakahiya ding tumayo sa harap ng mga kaklase mo na hindi mo kaclose.

Bahala sila pag dating ko dun sa classroom uupo na lang ako, pag wala talagang gwapo sa classroom nako magwawala ako!

Hindi na nga nakakatuwa na iba yung section ko tapos malalaman mo pang walang gwapo. Anong klaseng kamalasan ang meron ka diba?

Nagdrive na si Kuya papuntang national bookstore na malapit sa bahay namin. Malayo pa talaga yung bahay namin pero kinuhanan kami nila daddy ng mas malapit na bahay sa school para madali kaming makakapasok.

~ TIME SKIP: NATIONAL BOOKSTORE ~

Pumasok na kami sa national at naghiwa-hiwalay. May sari-sarili kaming basket kaya sari-sarili na rin ng bili ng school supplies, bumili ako ng mga sampung notebook tapos pad paper.

Nakakita din ako ng cute na pencil case kaya nilagay ko na rin siya dun sa basket, syempre kumuha ako ng maraming ballpen dahil alam ko in the end of the school year wala na yan.

Kung ano ano na lang nilalagay ko sa basket, sabi kasi namin pagtapos na kami hintayan na lang daw sa may cashier and tumingin ako dun wala pa sila so nagikot ikot muna ako.

Pumunta ako dun sa may books. Nakita ko yung isa kong favorite na book and guess what kung sinuswerte ka nga naman may isa pa!

——— TO BE CONTINUED ———
hi!
i hope that you enjoyed reading this chapter! You can also request story titles by sending a dm!

thanks,
X

Section F ( BOOK 1, COMPLETED)Where stories live. Discover now