19

897 34 0
                                    


"MAY BATTLE of the band daw sa Saturday, excited na ako makapanood n'on."

"Ay kahit hindi ako payagan ng papa ko, magpupumilit talaga ako, ngayon na lang kaya ako makakapanood nang gano'n."

"May inaabangan akong banda e, 'yong the spongebob band, kinikilig na ako, sobra!"

"Ikaw Twynie, pupunta ka ba?"

Agad namang bumaling si Twynie sa mga kaklase niyang nakatingin pala sa kanya. Una, she was shocked dahil included pala siya sa usapan, pangalawa, friends na ba sila ng mga classmates niya? Well, lately ay hindi naman na siya binu-bully ng mga ito, baka in some ways, naisip din ng mga ito na masama talaga mam-bully ng kapwa, kaya tumino na.

"Hindi ko pa alam, e." sagot niya sa mga ito, saka siya tipid na ngumiti.

"Sabihan mo lang kami kung pupunta ka, para sabay-sabay na tayong magpunta sa school gym ha, para mas maaga, mas maganda." Sabi ng isang kaklase niya.

"Oo. Salamat." Nakangiting sabi niya. Saka uli naging abala ang mga ito sa pag-uusap. Napabuga siya ng hangin.

Apat na araw na simula nang huling makita at makausap niya si Yasser—sa hospital pa 'yon noon—hindi na niya ito nakikita sa school o hindi na ito nagte-text o tawag sa kanya para i-remind siya sa diet and exercise niya, gayunpaman, nasanay na rin ang katawan niya sa morning jogging at more veggies kapag kainan. Nang magtimbang siya last time, nabawasan na ang timbang niya ng seven kilos, so far, so good.

Pero hindi talaga niya maiwasang malungkot sa tuwing naaalala niya si Yasser. At ang balita niya kay Arix, nakita daw nito sina Yasser at Hyoscine na lumabas two nights ago, siguro ay para mag-dinner, na-discharge na ang pinsan niya three days ago at maayos na ang kalagayan nito, mukhang bumalik na uli ang sigla nito—sino ba naman ang hindi, nagamot na ang puso nito ng lalaking gusto nito—si Yasser, siya kaya, sino'ng gagamot sa kanya?

Muli siyang napabuga ng hangin. Nakakalungkot lang dahil hindi man lang ipinagpilitan ni Yasser ang sarili nito sa kanya o ipinaglaban ang nararamdaman nito para sa kanya, kung gano'n ay talagang nadala lang ito sa alaala nila no'ng mga kabataan nila at hindi talaga siya ang totoong itinitibok ng puso nito.

Kunsabagay na kay Hyoscine nga naman ang katangian ng isang girlfriend material, basta mag-aral lang ito at matutong magluto. Hindi pa nagpupunta si Hyoscine sa bahay nila o siya sa bahay nito, ang awkward lang kasi, kaya nagpapalipas muna siya ng oras hanggang sa tuluyan nang maghilom ang sugat sa puso niya.

Ang boring pala ng buhay niya kapag wala si Yasser sa paligid. Ang guwapong lalaki na seryoso ngunit mas madalas makulit at masayahin. Ang ayaw na ayaw kay Justin Bieber pero kapag kasama siya ay napapakanta ng Justin Bieber dahil favorite niya, ang mga mata nitong laging sa kanya lang nakatingin despite of pretty girls around him, his hugs and kisses on her forehead and healthy living advices. She really had missed him so much!

Missing him makes it harder to fall asleep at night. Kumusta na kaya ito? Kumusta na kaya ito at si Hyoscine? Kung masaya ang mga ito, ibig sabihin ay tama siya nang ginawa. So, okay lang masaktan at ma-miss ito dahil nakatulong siyang makabuo ng isang tunay na pag-ibig. Na-realize din siguro ni Yasser na mas bagay ito sa pinsan niya at mas maganda kasama si Hyoscine kaysa sa kanya. Masakit pero real talk!

At kung meron siyang napatunayan sa sarili niya dahil sa nangyari sa buhay niya—'yon ay pagiging mapagparaya para sa kaligayahan ng iba, hindi niya kayang maging selfish para sa kanyang sarili, mas gusto niyang siya ang nasasaktan kaysa makita ang isang mahal sa buhay na nasasaktan dahil sa kanya. Ayaw niyang tawaging ka-martyr-an 'yon, mas gusto niya 'yong tawaging unselfishness.

Diary of a Fat Girl named Twynsta (COMPLETED)Where stories live. Discover now