3

879 41 0
                                    

LAHAT YATA ng mga taong madaanan ni Twynsta ay napapalingon sa kanya; naisip tuloy niya kung may dumi ba sa mukha? Pero sa huli ay napagtanto niya na ang bilbil niya ang salarin—oo, ang malaking bilbil niya na kaagaw-agaw ng atensyon ng mga tao.

Marahil ay naa-amaze ang mga ito na makakita ng balyenang naglalakad. Ayaw niyang ibaba ang kanyang confidence, kaso gano'n ang nababasa niya sa mga mata ng mga taong nadadaanan niya. Malaki nga kasi talaga siya, para na yata siyang si Ruby Rodriguez; mabuti at mas mahaba ang buhok niya, mas maputi siya at mas maganda ang mukha niya, kaya kahit papaano ay nababawasan ang insecurities niya. Napailing na lang siya ng lihim.

Napakalaki ng school nila; maganda, maluwang at isa 'yon sa may pinaka-madaming populasyon ng mga estudyante. Ang Panpacific University ay isa sa pinakakilalang private school sa bansa. Hindi sila mayaman para makapag-aral siya doon, ngunit dahil nakapasa siya ng scholarship program ay libre ang lahat ng tuition at miscellaneous fees niya.

Habang naglalakad siya patungo sa designated classroom niya ay marami siyang nadadaanan na mga sweet na sweet na magkakasintahang nakaupo sa mga benches, may mga magkaka-barkada din na malakas ang tawanan. Naisip niya, magkakaroon din kaya siya ng mga friends dito sa school? O baka mas mauna pa siyang magkaroon ng bashers?

"Look at her! Grabeng laki niya! Siguro kung ako siya, mahihiya na akong lumabas ng bahay dahil alam kong marami rin namang mang-aaalipusta sa akin." Narinig ni Twynsta na sabi ng isang babaeng nadaanan niya.

"Oo nga, may damit pa bang magkakasya para sa kanya?"

"Ang tanong, may love life ba siya? Kawawa naman ang boyfriend niyan kung sakali, mapapasubo ang bulsa."

"Ano ka ba girl, swerte ang boyfriend niyan—may unan na may kama pa at may Baymax pa." saka sabay-sabay na nagkatawanan ang nalingunan niyang tatlong mga babaeng nag-uusap-usap tungkol sa kanya. Kinalma niya ang kanyang sarili at napailing na lang.

Pagkadating niya sa classroom ay naglingunan agad sa kanya ang mga kaklase niya at agad na umayos ng upo—mukhang ipinalagay yata ng mga ito na siya ang teacher, kaya mabilis na siyang naghanap nang mauupuan sa first row—kung maaari ay ayaw kasi niyang umupo sa last row dahil may pagka-near sighted siya, kaya lang dahil 'Ranillo' ang apelido niya, kapag naka-alphabetical ang seat arrangements nila, mapipilitan talaga siyang sa dulo maupo.

Pero dahil wala pa naman silang seat plan, sa harapan muna siya naupo. Ang kaso hindi siya magkasya sa monobloc na may armrest at nangangamba din siyang baka bigla na lang 'yong bumigay, mas nakakahiya 'yon. Napakagat siya sa ibabang labi niya, saan na siya pupuwesto ngayon? Napalingon siya sa mga kaklase niya, nakita niyang nakatingin din ang mga ito sa kanya at nagtatawanan.

Saan na siya uupo ngayon? Nagulat siya nang bigla siyang kinalabit ng isang lalaki at isinenyas nito na sa likuran ay may upuan na walang armrest at may sariling table na, ayaw man sana niyang maupo sa likuran ay napilitan na lang din siya dahil mukhang doon lang siya kasya sa upuang 'yon, ngumiti siyang nagpasalamat sa lalaki—kahit pala papaano ay may mabait pa ring tao.

Naitanong tuloy niya sa sarili niya, bakit ba may mga taong sadyang malulupit sa kapwa nila? Bakit nila kailangang manlait para may pagtawanan? Hindi ba nila iniisip na masasaktan ang taong nilalait at binu-bully nila? Oo, mataba siya—pero tao pa rin naman siya at walang nakakahawang sakit. Ano'ng tingin ng mga ito sa kanya—ibang nilalang?

Tahimik na lamang siyang naupo sa pinakadulong upuan at nag-observe nang nagaganap sa loob ng kanilang classroom. Maiingay, nagkakatawanan at makukulit ang mga kaklase niya; siguro ay 'yong iba magkakakilala na o siguro ay nagkasundo lang din agad 'yong iba, gusto rin niyang makipagkaibigan, kaso hindi niya alam kung gusto din ba siyang maging kaibigan.

Diary of a Fat Girl named Twynsta (COMPLETED)Where stories live. Discover now