The Closure Rain Gave Me [One Shot]

1.5K 50 31

First time kong magdededic sa isang writer dito sa wattpad. Hehe kasi naman eh nababasa ko yung sa news feed ko at finafollow ko siya sa twitter at naalala ko lang siya kasi umuulan at parang tungkol sa ulan nga ito. Hello po Ms. Pilosopotasya or Ms Rayne isa ka sa mga idol ko. Ang ganda kaya ng AFGITMOLFM mo po at maka-Nate ako! Dati pa pero parang nagbago ako ngayon dito sa wattpad eh naging maka-Art ako haha. Nagbago ata taste ko eh haha. Pero po ang gaganda po talaga ng gawa mo po yung mga short story mo po, ginawa ko yung Fifteen days feeling ko gumana kaso hindi ko po alam nasa Seoul kasi yung naging wallpaper ko eh haha. Anyway I really love your works kaya good luck po sa inyo at I’ll keep on supporting you po! :D

___________________________________________________________________________

I hate rain.

But

I hate you most.

Pagkalabas ko ng building ng aking tinitirhan nilabas ko agad ang aking pulang payong at binuksan ito, umuulan na naman, naiinis ako pag tag-ulan na naman o kaya kahit hindi tag-ulan at umuulan dahil napakasakit lang ng mga alala tuwing umuulan.

Tanda mo pa ba? You left me in the middle of the road-soaking wet. You left without even explaining things. Basta basta mo nalang akong iniwan hindi lang sa ulan kundi sa aking buhay.

Saan ba ako nagkulang at iniwanan mo nalang ako ng ganun ganun lang, na para bang napakawalang-kwenta kong tao, na ni minsan hindi ako naging importante sayo. Minahal kita ng sobra sobra pero iniwanan mo lang ako sa huli.

Naglakad na ako papunta sa waiting shed habang ako ay naglalakad papunta sa waiting shed naalala ko na naman ang araw kung kalian mo ako iniwanan na umiiyak sa daan kung saan walang masyadong nadaan na sasakyan, napakalakas ng ulan noon, ni hindi mo man ako hinadtid sa bahay. Talaga bang wala akong halaga sayo?

5 years ago….

It was our first year anniversary, hindi ko lubos akalain na aabot tayo ng isang taon dahil sobrang magkaiba tayo. Simple lang ako habang ikaw naman ay sikat dahil na din member ka sa drama guild at lagi lang nagiging bida. Sikat ka at ako ay isang hamak na manunuod lamang. Pero kahit na magkaiba tayo biruin mo umabot tayo ng isang taon.

I’ll be honest these past few months naging cold ka sa akin, you even cancelled our date for our 10th monthsary dahil sabi mo busy ka para sa upcoming play niyo, ok lang sa akin kasi passion mo ang acting diba? At masaya ka kapag nasa entablado ka. Nung 11th monthsary naman natin hindi ka nga nag-cancel pero you stood me up. Ni walang pasabi na hindi ka darating, walong oras akong naghintay sayo sa tapat ng pinto ng mall, umaasang darating ka. Pero hindi ka dumating kasabay ko pa ngang umalis ng mall ang ibang security guard at mga employee ng mall.

Kinabukasan naman hindi ka nag sorry dahil dun, dahil I lied saying that hindi din ako nakapunta dahil nakalimutan ko nagalit ka pa sa akin dahil sabi mo “Paano pala kung pumunta ako edi mukhang tanga lang ako dun?” galit mong sinabi sa akin yan. Sa loob loob ko nasasaktan ako kasi ni hindi mo man ata nabasa yung next ko sayo kahapon na excited na akong makita ka. Ilang beses din akong nagtangkang tawagan ka pero naka-off ata ang phone mo.

Lagi din akong nagtetext sayo pero hindi ka nagrereply, tumatawag ako pero magagalit ka kapag sinagot mo kasi nga busy ka diba? Ou aaminin ko medyo nawalan na ako ng pagasa dahil ilang buwan ka na bang ganyan? Hindi ko alam kung dapat pa ba akong kumapit kahit alam kong wala na akong kakapitan.

Pero nag bago ang lahat ng pananaw ko dahil tumawag ka sa akin at sabi mo babawi ka na ulit. Niyaya mo akong magdate hindi ko alam kung alam mong anniversary natin o hindi pero masaya ako. Dahil niyaya mo na akong magdate ulit. Kahit pa may bagyo nun alam ko naman na paalis na ang bagyong Ondoy noon. At medyo maaraw na din kaya pumayag ako.

The Closure Rain Gave Me [One Shot]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!