I almost sighed heavily. Kung hindi ko lang naisip na nakakainsulto ito sa pumasok ay itutuloy ko na sana.

Kinuha ni Rhyna ang braso ko. Nakatingin siya sa taong kapapasok lang habang hindi nagpapahalatang bumulong sa akin. "Ikaw na bahala diyan. He's yours, anyway," she teased.

Siniko ko siya. The man, who got all the attention of some of the customers and staff of the bookstore, walked towards me.

Bumuntong hininga ako. Ngumiti siya at nagpakita ang maliit na dimple niya sa tabi ng mga labi. May naalala ako ngunit bago pa iyon tuluyang matanto ng isip ko ay nasa harap ko na siya.

"Good morning, sir. Do you have anything you like?" tanong ko.

Nakatungo sa akin si Kavan. Sobrang tangkad niya na halos tingilain ko na siya. I think his height is more than six foot. Umabot lamang ako sa baba niya.

"You, Elaine," utas niya. There was humor in his mischievous eyes.

I rolled my eyes. Hinarap ko ang mga librong nasa bookshelf. "Wala pa kaming bagong dating na mga libro. You know the drill. You need to request a book, we will order it for you, then we will let you know once it arrives. The book will be reserved for you," I repeated the procedures that we do if a customer is trying to find a book that we don't have.

Narinig ko ang ngisi niya. Napakapilyo niya talaga. The first time I met him, formally, was at my mother's birthday party. It happened two months ago. Naganap iyon sa aming apartment. It was just a small gathering with some of my mother's friends. Wala pa akong kaibigan dahil kasisimula lang ng taon ko noon sa bago kong school kaya wala akong naimbita kundi si Rhyna.

My mom invited the family where she works. Hindi ko lubos akalain na ang lalaking suki sa pinagtatrabahuan kong bookstore ay anak ng mga amo ni mommy.

Kavan looked really serious at the time. Hindi mo iisiping lumapit sa kaniya dahil sa ekspresyon at mga tingin na binibigay niya sa mga tao. His mother told us that he was just doesn't socialize with people that he doesn't know. Kaya naman ganoon ang pakitungo niya sa amin.

Rhyna and I were very curious about him lalo na nang malaman naming na may dugong Pinoy siya. His mother was half Filipino. At dahil lumaki sa Pilipinas ang kaniyang ina ay marunong itong mag tagalog at kagaya niya ay nakakapagsalita rin siya nito.

"Pinoy rin," bulong ko kay Rhyna. "You know what, nung bata ako, wala akong nakilala ni isang Pinoy rito. Kaya nga wala akong kaibigan noon," sabi ko kay Rhyna.

Kumunot ng kaunti ang noo niya, siguro ay iniintindi ang sinabi ko. "You didn't have friends the first time you went here? Uh, that's why," she sighed.

Alam ko ang tinutukoy niya. I didn't mind.

Sobrang kulit ni Rhyna nang gabing iyon. "We should talk to him!" sigaw niya sa aking tainga.

Maingay sa loob ng apartment dahil nagkakatuwaan na ang mga taong dumalo. My dad included alcohol at the party. Hindi naman ako pinagbawalan uminom ni mommy pero ako na ang tumanggi sa tuwing binibigyan ako ng kanilang mga kaibigan. The people here are open to these kind of things. Rhyna was one of them. Kaya nga ang kulit kulit niya.

"Ikaw na lang!" I yelled to her. Para kaming nasa party ng mga teenagers. Hindi ko akalaing ganito rin ka-wild ang matatanda. I thought it was just going to be an intimate dinner.

"Hina mo!" ani Rhyna sa mga salitang naituro ko na sa kaniya noon kapag binibiro ko siya.

Ngumuso lamang ako. Tumingin ako kay Kavan. Kilala niya kami. Ngunit hindi naman siya lumalapit sa amin upang makipag-usap. Ganyan rin naman ang ugali niya kapag bumibili ng libro sa bookstore namin. Walang pagbabago. Noon ang akala ko ay talagang matipid lang siya magsalita dahil bibili lang naman siya ng libro. Ngunit ngayon ay talagang wala yata siyang balak na makihalubilo kahit na kanino.

Could Have Been Better (Crush Series #2)Onde histórias criam vida. Descubra agora