Chapter 42:

13 11 1
                                    

Chapter 42:

Celestine's P.O.V

Kinabukasan...

(Sa school)

Maagang nag-dismissed yung prof namin kaya naman nauna kami ni Tristan sa parking lot. Wala pa kasi yung iba, even si Nathan. Almost half hour pa kasi bago yung talagang dismissal.

"Celest saglit lang ah. Nagugutom na kasi talaga ako kanina pa. Bibili lang ako sa canteen. May ipapasabay ka ba?" Sabi sa akin ni Tristan.

"Ah sige. Paki-bilihan mo na lang ako ng choco mousse." Nakangiti kong sagot sa kanya.

"Roger that." Sabi niya with matching saludo pa tapos umalis na nga siya.

Wala naman akong magawa kaya magce-cellphone na lang sana ako. Kaya lang bubuksan ko pa lang yung fb app sa cellphone ko, ng biglang may unknown number na tumatawag.

"Hello?" Sabi ko sa kabilang linya.

(Ito ba si Celestine Fuentabella?) Tanong ng lalaki sa kabilang linya.

"Yes po. Ako nga po si Celestine. Sino po sila?" Tanong ko.

(Si Mr. Lucio Vergara ito. Father ni Andrei. Pwede ba tayong mag-usap?) Tanong ng papa ni Nathan.

Pipilosopohin ko sana siya kaya lang papa nga pala siya ni Nathan. Ayoko namang lalo pang ma'bad-shot sa kanya.

"Sure po." Magalang kong sagot.

(Great. Magkita tayo ngayon sa may Starbucks malapit sa school niyo.) Sabi niya naman tapos ay binaba niya na yung tawag.

So ayun nga, umalis na nga kaagad ako at nagpunta na sa lugar na sinasabi niya.

(Sa starbucks)

Nakita ko naman agad yung papa ni Nathan na nakaupo doon sa pinakalikod na part kaya pumunta na ako dun.

"Uhm, sir." Nag-aalangang tawag ko sa papa ni Nathan.

"Oh ija. Take a seat." Pag-aya niya sa akin.

Umupo naman ako sa upuan katapat niya.

"Gusto mo bang um-order muna?" Tanong niya sa akin.

Nakangiti siya sa akin pero ewan ko ba. Hindi ako komportable.

"Ah hindi na po. Thanks but no thanks sir. Ano po bang pag-uusapan natin?" Tanong ko sa kanya.

Hindi kasi talaga ako mapakali at gusto ko na lang talagang matapos itong usapan na ito.

"Osya, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa ija. Hindi kita gusto para sa anak ko. Hindi ako payag na magkaroon siya ng karelasyon dahil kakailanganin ko siya sa kompanya namin. Gaya nga nang sabi ko noon, magiging sagabal ka lang." Seryoso niyang sabi sa akin.

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Hindi niya ba talaga kami titigilan ni Nathan.

"Naiintindihan ko naman po iyon. At hindi naman po ako magiging sagabal sa pagpapatakbo ng anak niyo sa kompanya niyo. I'll support him sa magiging trabaho niya in the future kaya hindi niyo na po kailangang paghiwalayin pa kami." Paliwanag ko sa papa ni Nathan.

"Hindi ko pinalaki at binuhay ang anak ko para lang mapunta sa kung sinong babae. Malay ko ba kung saang lupalop ka nanggaling. Malay ko ba kung isa ka lang sa mga pakawalang babae dyan. Hindi ko naman gugustuhin yun para sa anak ko. Pinalaki at binuhay ko ang anak ko para sundan ang mga yapak ko. Para pangalagaan ang kompanyang itinayo ko. At magiging hadlang ka lamang sa mga pangarap ko na iyon para sa anak ko." Seryoso niyang sabi sa akin na para bang wala lang.

A Twist In My Story (Completed) Where stories live. Discover now