"Sa wakas! Mabuti naman!" Sabay-sabay na sabi ng barkada tapos ay nag-group hug sila. Except sa amin ni Nathan na nakatayo lang sa gilid.

"Buti naman at bumalik na kayo dito." Sabi ko kay Nathan.

"Ayoko nga sana. Nagpumilit lang si Celest." Diretso niyang sagot. Napaka-lamig pa din nya.

Hindi ko naman na siya kinausap dahil alam kong ayaw niyang makipag-usap. Kaya nanahimik na lang ako.

"Sakto, nag-aalmusal pa lang kami, kain tayo." Pag-aaya ni Marco sa kanila.

"Oo nga. Madami pang pagkain." Sabi naman ni Gelay.

"Ako nagluto niyan." Proud na sabi ni Tristan.

"Ikaw? Seriously?" Natatawa at hindi makapaniwalang tanong ni Celest kay Tristan.

"Oo nga. Grabe ka naman sa akin. Nag-aral kaya ako magluto nung wala ka para palitan kami nila Venice sa pagluluto." Paliwanag ni Tristan na may halong drama.

"Haha ok. Good for you." Sabi ni Celest sa kaniya with matching tap pa sa balikat.

"Kaya lang kakakain lang kasi talaga namin kaya busog pa kami." Dagdag pa ni Celest.

"Ganun ba. Sige, saglit lang. Tapusin lang namin 'to tapos sabay-sabay na tayong pumasok." Sabi naman ni Kurt at Marco.

"Ilagay niyo na muna yang gamit niyo dun sa kwarto. Wala namang nagbago sa ayos. Ganun pa din." Sabi ko sa kanila.

"Yehey! Makakasama na ulit kita sa kwarto." Masayang sabi ni Venice.

"Doon na lang kami ni Celest sa guestroom." Simpleng sabi ni Nathan.

Tututol pa sana si Celest pero naka-poker face lang si Nathan kaya pumayag na din siya.

"Sorry Venice. Doon na lang kami ni Nathan sa guestroom ah." Medyo malungkot na sabi ni Celest.

"Ok lang. At least nasa iisang bahay pa rin naman tayo." Sabi na lang ni Venice.

Tapos ay nagpunta na nga sila Celest at Nathan sa guestroom at nag-ayos na doon ng gamit nila.

Masaya ko na magkaka-sama na naman ulit kami.

Celestine's P.O.V

Kinabukasan...

Sabay kaming nagpunta ni Nathan sa kusina at naabutan namin doon si Drake.

"Good morning Celest. Pinaghanda kita ng strawberry milkshake. Favorite mo yan diba?" Sabi ni Drake sabay abot sa akin ng strawberry milkshake na ginawa niya.

"Really? Thank you Drake!" Masayang sabi ko.

Maya-maya dumating na din yung barkada kaya kumain na kami.

Habang kumakain, naiilang ako dahil nakatitig si Drake sa akin. Problema nito?

"Anong tinitingin-tingin mo kay Celest?" Inis na tanong ni Nathan kay Drake.

"Ha? Hindi. Wala." Sagot naman ni Drake.

Nung kukuha ako ng ulam, saktong nagkasabay kami ni Drake kaya nahawakan niya yung kamay ko.

Tapos nakatingin lang siya sa akin.

"D-Drake, yung kamay ko." Sabi ko naman kay Drake.

"Baka naman pwede mo nang bitiwan yung kamay ng girlfriend ko?" Poker face na tanong ni Nathan pero halatang galit na siya.

Kaya naman inalis na ni Drake yung pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Sorry." Sabi na lang ni Drake.

A Twist In My Story (Completed) Where stories live. Discover now