Mahal, Maghihintay Ako

1K 9 1
                                    

Mahal ko, aminado ako
Na sa bawat pagpatak ng pasko
Hiling mo na siya ang kasama mong

Buksan ang mga regalo sa tapat ng pinalamutiang puno

Kahalikan sa ilalim ng mistletoe

At kasamang magbilang paatras ng sampu para abangan ang pagpatak ng relo

Tik.

Tok.


Tik.


Tok.

Ngunit mahal, hindi ba oras na para mahalin mo ako?
Bakit ganun, ako naman ang parating nasa tabi mo
Pero bakit siya ang parating laman ng isip at puso mo

Mahal, kailan ako magiging sapat?
Kailan dadating ang araw na ako naman ang maghahari sa puso mo?
Dahil sa totoo lang, napapagod na ako

Napapagod na akong marinig ang mga "I love you" mo
Dahil kapag tinitignan ko ang mga mata mo habang binibitawan ang mga katagang iyon
Nakikita ko ang kaunting kislap at kirot sa iyong mata

Mahal, aminado ako
Na mas gusto mong isigaw at iparamdam ang mga katagang iyon sa kanya

Habang tinititigan kita,
Pansin ko ang panghihinayang sa iyong mukha
Tila ba'y inaalala mo ang inyong pinagdaanan
Tila ba'y binabalikan mo ang inyong nakaraan

Bakit ganun mahal?
Mas ninanais mo ang nakaraan niyong dalawa
Kaysa sa present at sa future nating dalawa

Kailan ka ba makakawala sa hawla ng imahinasyon mong magkakaroon pa ng tsansang mabalikan mo siya?

Mahal, gusto kong isigaw
Sa harap mo mismo
Na wala na kayo
At meron nang tayo

Nais kong ipamukha sa iyo
Na ako na ang nandito para sa iyo
Nais kong sabihin sa iyo
Na tumigil na sa kaka-ilusyon mo

Mahal, tapos na kayo
Ngunit ang kaarawan niya
At ang anniversary niyong dalawa
Ay tandang-tanda mo pa

Hindi ba't dapat na iyang binabaon sa limot?

Kumikirot ang puso ko
masilayan kang humahagulhol
Habang nakatitig sa litrato ninyong dalawa
Tila'y sinasaksak ang damdamin ko
Na masilayan ang katotohanan
Kailanman ay hindi nagbago ang pagtingin mo sa kanya

Napuno na niya lahat lahat
Ng espasyo sa puso mo
Hindi man lang siya nagtira
Kahit kaunting espasyo para sa akin

Gusto ko pa sanang sumigaw
Kasya pa! Kasya pa!

Ngunit kung pampasahero itong dyip,
Siguradong titignan lang ako ng lahat Na para bang ako'y isang tanga
Isang taong hibang na hibang
Dahil pilit pinagsisiksikan ang sarili
Kahit aminado akong puno na

Kailan mo kaya ihihinto ang dyip
Para pababain siya?
Dahil sa totoo lang
Ang tagal na niyang nandiyan
At wala naman kayong lugar
Na inyong mahahantungan

Kung ako ang laman niyan,
Siguradong sigurado, mahal,
Matagal na tayong may napuntahan

Ngunit mahal, aminado ka ba?
Na sa kabila ng iyong inaasta
Na kahit siya pa rin ang nag-iisang babae sa buhay mo
Na kahit rebound lang ako sa nasusugatan mong puso

Written PoetryWhere stories live. Discover now