Pare Ko

456 5 0
                                    

Bakit tayo nagkaganito?
Ang sabi mo'y tropa lamang tayo
Para na nga tayong magkapatid
Dahil pinagbiyak ang bituka natin

Hindi ko inakala na hahantong tayo sa ganito
Hindi ako makapaniwala sa ginawa mo
Ang akala ko'y babae ang trip mo
Pero bakit bigla yatang nagbago?

Pare, liwanagan mo ako
Kailan nagsimula ito?
Kailan mo binigyan ng malisya ang pag-akbay ko sa'yo?
Kailan mo binigyan ng malisya ang paggulo ko ng buhok mo?

Sabihin mo sa harap ko
Kung ano ba ako para sa'yo
Dahil ang utak ko ay gulong-gulo
At ang puso ko ay litong-lito
Baka pag sinabi mo ang totoo
Maliwanagan na ang buhay ko

Lasing tayo noon pare pero naalala ko
Hinawi mo ang buhok ko
Tinitigan mo ako ng husto
Ramdam na ramdam ko ang pintig ng puso ko
Ikaw ay lumapit at hinalikan ako

Hindi ko alam pero hinayaan kita
Dinama ko ang labi mo
Dinama ko ang pagkahawak mo sa mukha ko
Higit sa lahat, ginusto ko ito

Kinaumagahan, binati mo ako
Na para bang walang nangyari
Umiwas ako ng tingin
At napatulala sa hangin

Hindi ko magawang titigan ka sa iyong mapupungay na mga mata
Hindi ko magawang harapin ka pagkatapos ng nangyari
Pero bakit sa iyo ay parang wala lang?
Bakit mo ito binalewala?

Ngunit sa iilang araw, hindi na kita mahagilap
Madalang na lamang tayong nag-uusap
Napagtanto ko ako'y iyong iniiwasan
Hindi ko alam kung ano ang dapat maramdaman

Akala ko parang wala lang sa iyo ang nangyari
Akala ko dala lang iyon ng bugso ng iyong damdamin
Pero sa ipinapakita at ikinikilos mo
Mayroon ka nga ba talagang nararamdaman para sa akin?

Gusto kong ibalik ang dating tayo
Iyong puro biro at asaran
Ngunit alam kong hindi na mangyayari ito
Dahil ang puso ko'y bigla bigla na lamang kumakabog sa presensya mo
Na dati'y hindi naman ganito

Pare, nag-sink in lahat sa utak ko
Kaya pinuntahan kita sa inyo
Gusto kong pag-usapan natin 'to
Kung ano ang meron tayo

Ngunit nadatnan ko ay ang walang laman mong kwarto
Sabi ng mama mo, nilisan mo raw ang baryo
Nanlumo ako at napaluhod
Bakit sinekreto mo ang pag-alis mo?

Ilang araw at ilang gabi
Hindi ako makatulog nang maayos kakaintay sa iyo
Hanggang sa umabot na ng ilang taon
At natapos na ang aking paghihintay

Pare, ikaw ay bumalik na sa baryo
Ngunit hindi na ikaw ang dating kilala ko
Ibang-iba na ang anyo mo
Kumpara nung mga araw na ikaw ay tomboy pa

Nagbalik ka na sa pagiging tunay na babae mo
Isang malumanay na dalaga ang nakikita ko sa iyo
Isang dalaga na minsan ay naging pare ko

Dahan-dahan akong lumapit sa iyo
Ikaw ay nabigla nang makita ako
Ngumiti ka at kumabog ang puso ko ng husto
Kinuha ko ang kamay mo at nagsalita,
"Puwede ba nating simulan ang ating nakaraan?"

Tinitigan kita ng husto ngunit unti-unti kang naglaho
Ang luha sa mga mata ko ay patuloy na umaagos
Naninikip ang dibdib ko at hindi ako makahinga
Bigla akong napabalikwas ng bangon

Napatitig ako sa puntod mo
Ang aking mata ay nanlalabo dahil sa baldeng baldeng luha
Nang maalalang matagal mo nang nilisan ang mundong ito

Kung sana hindi mo nilisan ang baryo
Hindi ka sana nakasama sa aksidente sa eroplano

Nandito ka pa sana sa aking piling, pare ko

Written PoetryWhere stories live. Discover now