PAULIT ULIT KITANG MAMAHALIN

2K 16 1
                                    

Ikaunang beses ay hindi kona sasayangin,
Wala na akong panahon na ika'y lokohin,
Dahil mahal ikaw lang ang nagniningning sa aking paningin.
Mistula kang bituin,
Na nais kong sungkutin,
Para matagal kong makapiling,
At hindi na lumayo pa sa akin.

Ilalaan sayo lahat ng oras at atensyon,
Hindi hahayaang makaramdam ka ng tensyon,
Hindi magagawang sayangin ang pagkakataon,
Lahat ng iyong nais ay ibibigay agad ngayon.

Siguro ganon kita kamahal,
Kahit na hindi pa tayo labis na nagtatagal,
Lahat ng pera ay magagawa kong isugal,
Itatakwil lahat ng sagabal,
Para lang ako ang panalo na itatanghal.

Hahamakin ang lahat,
Upang sa pagmamahal mo ay maging karapat-dapat.
Aayusin ang sarili at sisikaping maging sapat,
Para mapatunayang ako sayo'y nararapat.

Ganon na yata ako sayo kabaliw,
O aking giliw...
Ako'y nalulunod na sa iyong pagtingin,
Sa labis mong pagkalinga at pagmamahal sa akin,
Ito ang nagpapatubo sa punla kong itinanim.

Ayoko na sa iba,
Ikaw lang ang gusto ko sinta.
Hindi kona hahayaang ika'y mawala,
Dahil natatanaw kona ang hinaharap kasama ka.
Plano para sa atin ay isinasagawa kona,
Upang masigurado na habang buhay tayo sasaya,
Habang buhay makakadama ng ligaya.
Ngunit kung may balakid man sa ating pagsasama,
Ito agad ay aking aayusin na.
Hindi ko hahayaang mapagod ka aking prinsesa,
Dahil hanggang sa hinaharap mamahalin pa kita.

Sana'y hindi ako mapagod na ika'y paglingkuran,
Upang mapunan ko lahat ng iyong kailangan.
Hindi kita hahayaang malunod sa kalungkutan.
Ako ang magsisilbi mong salbabida,
Para kahit nasa panganib ka,
Magagawa kong maligtas ka sa tuwina.

Tanging nais ko lang ako'y iyong pahalagahan,
Huwag mo sana balewalain lahat ng aking pinaghirapan,
Dahil lahat ng ito'y ikaw ang dahilan.
Pagmamahal ko sayo ang matinding dahilan.

Iniaalay ko sayo ang aking puso't kaluluwa,
Handang iwan lahat basta't makapiling ka.
Hindi iindahin ang pagod na nadarama,
Lalo na kapag nasisilayan ang iyong itsura,
Ito ang nagbibigay dahilan sa akin upang lumaban pa.
Hindi kita hahayaang mapunta sa iba,
Dahil hanggang sa mahal natin ang isa't isa,
Walang sinoman ang makakatibag sa haliging itinayo nating dalawa.

Iaalay natin sa isa't isa ang buong katapatan,
Hindi susuko mula sa mga kalaban,
Yan ang pangako na matagal na nating sinumpaan.

Aking sinta sana magawa mo akong unawain,
Sana hirap ay magawa pa nating tiisin,
Dahil hanggang kaya pa natin,
At wala tayong nasasaktan na damdamin,
Ipagpapatuloy parin ang relasyon natin.

Paulit ulit parin kitang mamahalin,
Hindi ako magsasawang ika'y paibigin.
Hanggang sa dulo ng walang hanggang natin,
Ikaw at ikaw parin ang tangi kong pipiliin.

SPOKEN POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon