SIMPLENG TULAD MO

4.9K 62 2
                                    

Ikaw ay isang mabuting dalaga,
Isang dalaga na kahali-halina.
Sa taglay mong ganda,
Maraming lalaki ang nagtatangkang lapitan ka.
Nang una kitang makita,
Napako agad sayo ang aking mga mata.
Tanging sinisigaw ng puso ko'y lapitan ka,
Ngunit ako'y nahihiya,
Hindi ko naman magawa,
Pagkat ako sayo'y tinamaan ng bigla.
Araw-araw kang sinusubaybayan,
Tanging hiling ng aking mata ika'y palaging masilayan,
Walang tanging gusto kundi makasama kita kahit saglit lang.
Kaya sana kahit sa panaginip ko'y makapiling ka,
Panaginip na hindi ko na yata nanaising magising pa.
Dahil kung makakapiling kita gusto ko sana permanente na.
Yung hindi kona kakailanganing mag-alala kung aalis ka,
Hindi na ako matatakot kung sa iba ka man sasaya,
Wala akong karapatan dahil hawak ka ng iba.
Hindi ako ang nagmamay-ari sayo,
Wala akong karapatang utusan ka na samahan ako.
Pero kung sana may pagkakataon man sa oras na ito,
Nawa'y mapaunlakan mo ang tangi kong ginugusto,
Yun ay ang makapiling ka kahit segundo lang ng buhay ko.
Isang simpleng kahilingan lang ang ninanais ko mula sayo,
Huwag mo sanang tatanggihan dahil ito'y ikalulungkot ko.
Nais ko lang naman lumigaya,
Kaya humihiling ako kung sana pwede pa.
Sana'y maranasan kong mayakap ka,
Nais ko sanang makausap ka,
Nais ko sayong tabi ako tumatawa.
Gusto ko lang naman makapiling,
Ang dalagang palaging laman ng aking damdamin,
Babaeng gustong gusto kong mahalin,
Ngunit hindi maari dahil may iba pang umaangkin.
Simpleng pagpansin lang ang aking nanaisin,
Upang maligayahan naman itong puso't damdamin.
Nais ko lang makapiling ang taong aking gusto.
Ang taong gusto ko ay walang iba kundi ikaw.
Ikaw ang gusto kong makasama araw araw.
Yung mapapangiti kana lang sa umaga,
Dahil sa pagdilat ng aking mata,
Nais ko agad na ikaw ang makikita.
Isang simpleng tulad mong kay ganda,
Wala na akong hihilingin pa kung nasa akin kana,
Sapat kana upang mabuo ko ang salitang ligaya,
Wala ng sisilay na lungkot at hiya,
Ikararangal kopa na mahal kita mula sa libo libong madla.
Ikaw...
Ang simpleng tulad mo ang aking pinapangarap.
Ayoko ng magtago at magpanggap,
Kaya maari nabang tayo'y magpakatotoo.
Pinagtagpo na tayo at sana rin ay tinadhana,
Ipaglalaban muna kita bago subukang ipaubaya,
Huwag mo nga lang sana mabalewala,
Kung nanaisin kong makuha ka sa kanya.
Maayos na paraan ang isasagawa,
Paiibigin kita mula sa titig ng aking mata,
Umaasang sa pamamagitan nito,
Ay matupad na lahat ng inaasam ko.
Ikaw na ay magiging akin.
Pangarap ko sana'y dinggin.
Ang pinapangarap ko na sa habang buhay ay ikaw ang makasama.
Yun lang at wala ng iba pa.

SPOKEN POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon