AYOKO NA

4.3K 62 4
                                    

Iyan ang salitang nais kong sabihin,
Sapagkat nakakapagod pala na ikaw ay mahalin.
Tanging layunin mo lang pala ako'y linlangin.
Nais mo lang ako gamitin.
Siguro nga ikaw ay hindi para sa akin,
Kaya mabuti pa siguro kalokohan na ito'y atin nang tapusin.
Nagsawa na akong umasa,
Umasa na baka sakaling posibleng maging tayong dalawa.
Pero ang totoo wala naman palang tyansa,
Sana sinabi mo nalang nong una,
Baka sakaling natakpan kopa ang aking nadarama,
Hindi na sana ikaw ang nagustuhan ko sinta.
Nagkamali pala ako ng taong inasahan,
Isang katulad mo pala ang gusto akong saktan.
Sana nung una palang ito'y akin ng napaghandaan,
Baka sakaling hindi na humantong sa kasukdulan,
Damdamin ko sana'y hindi naapakan.
Hindi na dapat kita pinahalagahan,
Hindi na pala dapat kita iningatan,
Dahil layunin mo lang pala akong paglaruan.
Nais ko lang sabihin na tao ako hindi laruan,
Hindi ako robot kaya maaari akong masaktan.
Tapos na akong maging sunod-sunuran,
Lalo na sa taong hindi naman iniintindi ang aking kapakanan,
Palagi pang isinusumbat ang aking kahinaan.
Kung magagawa ko lang kontrolin ang iyong isipan,
Siguro makikita morin ang tunay kong kahalagahan.
Maaari mo rin akong pagkunan,
Ng salitang kasiyahan.
Nakakapagtaka nga lang...
Wala naman akong tanging iniisip kundi ang iyong kaayusan,
Lahat pala ng paghihirap ko sayo'y parang wala lang.
Nakakapagod ka namang pakisamahan,
Siguro nga panahon na para magpaalam.
Baka sakaling sa ganitong kaganapan,
Maramdaman mo na ika'y kulang,
Dahil sa buhay mo hindi na ako kabilang.
Sobrang sakit nga lang dahil may nakalimutan ka,
Nakalimutan mong sa akin ka unang sumaya.
Natabunan lang ako ng bago mong kakilala,
Ginagamit mo pa nga ako para mapalapit ka sa kanya,
Sobrang hapdi dahil sa kaibigan ko pa.
Unang beses na ngalang ako umubig sa maling tao pa.
Ganito ba talaga kalupit ang tadhana?
Mahirap nga bang umibig?
Kasi pakiramdam ko buong katawan ko'y nanginginig,
Puso ko'y labis ang pagpintig,
Siguro dahil sa maling tao ako naantig.
Sa taong kahit kailan ay hindi makikita ang aking halaga,
Taong walang ibang alam kundi mambalewala.
Kaya mabuti pa ika'y aking lisanin na,
Napagod na siguro ang mata ko sa pagluha.
Puro sakit na lang kasi ang nagaganap.
Paano na kaya ang aking mga pangarap?
Paano na ako sa hinaharap?
Ang hirap namang bumuo ng bagong mundo,
Sayo kasi ako unang nagplano.
Tapos wala pala sa isip mo ang salitang tayo,
Inakala ko tuloy na makakaya kong manatili sa tabi mo.
Sa kabila ng iyong pang babalewala.
Tama na nga siguro ayoko na,
Itong mensahe na ito'y huli na.
Salamat sa kakaiba ngunit masakit na alaala,
Ang dami kong natutunan sayo sinta.
Dating sinisinta.

Hindi na siguro ako matatakot maging malaya.
Panahon na siguro upang ako sayo'y kumawala.
Tapos na ang pagpapanggap na makakaya kopa,
Siguro panahon na para sakit ay hayaang kumawala.

Sabay patak ng maiinit luha,
Pababa sa pisngi ng aking mukha.
Tapos na ang pagkukubli sa likod ng maskara,
Pagkakataon na para ako naman ang maging malaya.

SPOKEN POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon