My Girlfriend is a GANGSTER! [JuLNiel]

19K 158 31
                                    

Vance Alterro

Is known as the Mr. Nice Guy of Heart University

Mabait, masipag, palakaibigan, masunurin, mayaman at matalino. Lahat ay gustong makasama siya at maging kaibigan siya dahil narin sa taglay niyang kagwapuhan at sa talent sa pagkanta.

May sariling banda na kilala ng lahat bilang Parking5

Isang gabi ng pauwi siya ng kanilang bahay, matagal natapos ang kanilang pag-eensayo sa kanilang banda kaya ginabi na siya. Naglakad lamang siya pauwi dahil may dadaan pa siya sa isang convenience store malapit sa kanilang subdivision kung saan siya nakatira.

Dumaan na siya sa short cut papunta sa kanilang subdivision pagkatapos niyang bumili sa convenience store.

Madilim ang daan pero sanay na siya dahil dito siya laging dumadaan kapag naglalakad lang siya pauwi. Maraming puno at mejo madamo ang paligid, wala pa namang ilaw sa kanyang dinadaan kaya lagi siyang may dalang flashlight.

Hanggang sa napahinto siya sa kanyang paglalakad ng may marinig siya kaluskos mula sa isang puno na nasa harap niya.

Inilawan niya pero wala naman siyang nakita ngunit naramdaman niya ang mabilis na kilos ng isang bagay papunta sa likod niya. Kaya inilawan niya ulit hanggang sa may nakita siyang isang tao sa may likod ng puno.

“Sino yan!?” tawag ni Vance pero kinakabahan na siya

Hindi siya naniniwala sa multo kaya hindi sa multo siya natatakot, kundi baka masamang tao ito at gusto siyang holdapin. Nilapitan niya pa ang tao hanggang sa napaupo ito kaya dali-dali niyang nilapitan ito.

“S-sino ka!!!?” sigaw na tanong ni Vance ng mailawan ang tao

Isa itong babae na puno ng kulay pula ang katawan at mukha, nakahawak pa ito sa kanyang kanang braso sabay tingin sa kanya.

Tumayo ang babae at lumapit sa kanya, nanigas bigla si Vance sa ginawa ng babae

HINALIKAN siya bigla nito!

O____________O

“Kilala mo ba kung sino ako!?” bulong ng babae sa kanya

“H-hindi!” kinakabahang sagot ni Vance

 “Isa akong gangster at kung ipagsabi mo sa iba ang nakita mo ngayon humanda ka na sa iyong katapusan” sabay ngiti nung babae

Napalunok si Vance sa kanyang narinig

“At isa pa, wag kang maghahanap ng ibang babae dahil mula ngayon ay magiging BOYFRIEND na kita. Kaya lagi mo na akong makikita”

Napapikit si Vance sa mga huling sinabi ng babae ng maramdaman na lamang niya ang malamig na hangin kasabay ang paglaho ng babae.

Girlfriend?

Gangster?

“MY GIRLFRIEND IS A GANGSTER!!?”

My Girlfriend is a GANGSTER! [Julniel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon