33rd Page

665 37 1
                                    

Dear Diary,

Kagagaling ng magulang ni Iri sa apartment kanina. Bumisita sila, kasama 'yung tatlong kuya niya. Sa hotel daw sila mags-stay sa gabi dahil walang extra na kama sa apartments na tinitirhan namin. Pinakilala pa ako ni Iri, nakakahiya. Hindi ako nakahanda. Lalabas lang sana ako para bumili ng pagkain dahil gutom na gutom ako tapos bigla nalang ako hinila at pinakilala sa magulang niya. Ang dugyot dugyot pa naman ng mukha ko kasi nag-aaral ako kanina.

Eto pa, inimbitahan ako makikain sa kanila sa mall. E wala naman akong nagawa kung hindi ang pumayag nalang. Hindi ko alam pero panay ang tingin sakin ng mga kuya niya. Isang architect, engineer at 'yung pinaka-kuya nila ay doctor na. Ilang taon pala ang agwat nila kay Iri. Ayun, nag-uusap silang magkakapamilya, kinakamusta si Iri, ganun. Buti nalang minsan tinatanong ako ng magulang nila ng kung ano ano. Tinanong kung may umaaligid na lalake sa anak nila. Pwede ba naman 'yun e andito ako? Tinanong pa nga kung ano ako ni Iri. Animal. Hindi ako nakasagot. Ano ba ako ni Iri?

Sinagot niya kaibigan. Mas mabuti na 'yun. Kesa naman isagot, "Kuya-kuyahan ko sa university." Edi mas lalong sapol sa puso. Pagkatapos nila kumain, umuwi na kami, hinatid nila si Iri syempre tsaka sinabihan akong alagaan ko daw. Syempre oo. Tapos umalis na ako pagkatapos kasi nag-uusap na sila.

Diary, pakisampal nga ako kung totoo bang nangyayari 'to? Nameet ko na ba talaga 'yung parents ni Iri ko?

Di makapaniwala,
Poging Elcid

Diary Ng PogiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon