7th Page

1K 68 8
                                    

Dear Diary,

Kasama ko ulit siya kanina!!!! Animal!!!! Puso ko!!!!

Kanina, papunta akong simbahan at nakita ko siyang palabas din. Siya nagtanong kung saan ako pupunta. Kinabahan ako diary at hindi nakasagot agad. Natahimik ako at napatitig sa kanya, diary!!! Mas lalo siyang gumanda nung di niya suot ang glasses niya. Nakaayos siya, diary!!! Di ko alam tawag dun pero crop top ata? Yung bitin tapos mataas 'yung waist na pantalon at military boots lang diary. Nakalugay lang siya at nakaside 'yung bangs niya. Hindi siya nakamake up, ang ganda na. Naiiyak ako. Diary, hulog na hulog na ako. Natulala ako sa kanya, mukhang nailang din ata. Buti nagising diwa ko 'nung sinampal ako. Ang lambot ng kamay niya, diary. Nakakaiyak. De joke, di ako sinampal. HAHAHAHAHA

Sabay kaming nagsimba diary. 'Nung ama namin, nalaglag puso ko 'nung nagkahawak kamay kami. Lord, thank you po.

Nahuhulog na ng sobra,
Poging Elcid

Diary Ng PogiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon