29th Page

738 39 1
                                    

Dear Diary,

Nagkatabi kami kanina 'nung recess. Ganito kasi, 'yung isang katropa ko, si Howard, at isa sa mga kaibigan niya, parang may something sila. Tapos 'yung katropa ko inaya kaming makiupo sa kanila tutal madami pa namang space sa table nila kaya umoo kami. Pero una kong napansin na wala siya at 'nung tinignan ko 'yung mga kaibigan niya, makahulugan silang nakatingin sakin. Nakunot ko ang noo ko 'nung siniko ng isa sa kanila 'yung katabi nila at saka sinigaw pangalan ni Iri. Napatingin ako at nakitang papalapit siya. Ninerbyos ako bigla. Di ko na naman alam ang gagawin.

Di ko alam pero may feeling talaga ako na pinag-usapan nilang bakantehan ang upuan sa tabi ko, e. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya kasi nakakahiya naman kapag masyado na naman akong mapapatitig. Pag-upo niya sa tabi ko, parang nabuhayan ako. Panay ang tingin 'yung mga tropa ko sakin. Pati nadin mga kaibigan niya.

Ano ba mga tol!!!

'Nung tinignan ko siya, parang kampante lang siya kahit panay ang titig sa kanya. Bigla nga siyang tumingin sakin at ngumiti. Pota, di ko alam kung anong gagawin ko kaya iniwas ko nalang ang tingin ko at kumain. Maingay mga kasama namin. Kami lang ata ang tahimik at patawa-tawa lang kapag may sasabihin silang nakakatuwa. Napansin ko ding pinagtitinginan kami. Lalo na 'tong katabi ko. Mga ugok, walang wala kayo saken.

Hindi kami masyadong nag-usap. Di din awkward. Sobrang komportable ako kanina. Hay, diary. Ba't ba ako ganito? Di ko alam makipag-usap sa taong gusto ko.

Natotorpe ulit,
Poging Elcid

Diary Ng PogiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon