Chapter Two - The Deal

49 0 0
                                    

NICK's POV

"Whoa! Pare nakita mo yun?! Shet benta! Hahahahaha!" nabiglang sabi ni Art habang tumatawa.

Linaw rin ng mata nitong mga mokong na to eh, kahit na 5 rooms away yung classroom namin sa Section 1 eh nakita niya pa rin yung pagkatalisod ni Manalo, yung Top 3 namin dito sa SCHS. Masyadong observant.

"Nagsplash yung mga libro. Ang layo ng narating! EDSA pare. Hahaha!" hirit pa ni James.

Habang papalapit kami sa classroom nila, nagtatawanan yung mga tao sa paligid. Di lang pala si Art ang nakakita. Marami pala sila. At tuwang tuwa sila sa nakita nila.

"Wow toool. Ngayon ko lang siya nakitang walang salamin." namamanghang sabi ni James.

"May itsura pala siya dre? Akalain mo yun?" pang-asar ni Niel kina Art.

Nag-grin lang ako sa mga sinasabi nila. Ang hilig nilang mang-asar. Ako tahimik lang. May iba pang mga bagay ang mas worth it sa mga ngiti ko.

Nicolas Santillan III ang buo kong pangalan. Nick na lang. Or Nico kung kamag-anak kita. Anak ako ng isang successful engineer. At gusto niya akong maging katulad niya paglaki ko. Mataas ang expectations ng Dad ko sakin. Hindi kami magkasundo. Si Mom naman busy lagi sa trabaho, workaholic. Lagi kong kasama sina Arthuro, James, at Nathaniel. Sila ang mga kapatid ko. Nasasakyan nila ugali ko kahit masyado akong misteryoso, seryoso, hindi palangiti at mas lalong hindi palatawa. Dahil alam at naiintindihan nila ang pinagdadaanan ko. Pero hindi nila alam ang lahat sa akin. Hindi pa rin nila ako ganun kakilala.

Captain ball ako ng basketball team. May itsura naman ako kahit papaano pero walang naglalakas loob lumapit sakin dahil mukha akong maangas, o masungit, at wala akong nagugustuhan dahil mapili ako. Di tulad nung tatlo, girlfriend dito, girlfriend doon, porket sikat kami na grupo dahil sa varsity kami.

Nakita ko si Manalo na hinahanap yung salamin niya. Nakita ko na. Pupulutin ko na sana nang biglang papulot na rin pala siya.

Natulala siya nung nakita niya ako.. Kinapa-kapa niya saglit yung ulo niya.. Nagtataka pa rin ako. At natulala rin ako sa nakita ko.

Iba ang dating niya..

Nakakunot yung noo ko sa pagsuri ng mukha niya.. Her face is so perfect.. Makinis.. Maputi.. Kakaiba ang tangos ng ilong niya.. Her lips are so red.. Her eyes are.. dreamy.. and innocent.. her face is like an angel's. For a short period of time i got attracted with a nerd... Erase erase erase! Not my type.

"Hey? Yung glasses mo." ang tagal niyang abutin, nainip ako.

"Ah.. eh.. Thank you.." at napayuko siya bigla, saka sinuot ang salamin niya.

Napansin kong namula siya, "Sa susunod, magdahan-dahan kasi sa paglalakad Ms. Eleven." pang-asar kong sinabi, then I grinned.

Bigla niya akong tinitigan.. na parang nagulat.. Like she's looking through my soul or something. Nagtataka ako sa facial expression niya. Blangko.. Parang nasa kawalan yung pag-iisip niya.. then bigla siyang napangiti. Grabe sobrang weird. Napangisi tuloy ako. Di ko na napigilan eh. Naglakad na ako kasama tropa ko.

"Huy, tama na yan. Halika na nga.. Pinagtatawanan ka na ng mga tao dito oh." sabi ng bestfriend niyang si Rowie saka siya inalalayan at nagmadaling umalis ng corridor.

Ewan ko ba bakit laging kasama ni Rowie un. Cool pa naman si Rowie, kahit mahiyain. Naging classmate ko yun nung grade school eh..

Friday na naman.. Last weekday. Lazy day. Woohoo!! Kinuha ko ang phone ko. Matext nga tong si

To: James Globe, Nataniel, Arthuro

Mga dre, sabay-sabay tayo pumasok. Hintayan sa shed.

"Uhm.. Hi Nick.." nahihiyang bati ng isang babaeng nakasalubong ko.

11:11Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum