Chapter One - New Beginning

54 0 0
                                    

Hi guys! Naisip kong gawing prologue/introduction lang yung una. Ito na talaga ang chapter one.

____________________________________________________________________________ 

ASHLEE's POV

Hindi lang naman siguro ako yung naniniwala sa 11:11 wishes. Marami pa rin naman sila dyan sa tabi-tabi. Pero bakit ako lang yung napapansin nila? Ako yung trip na trip nilang asarin?

"Kasi inaabangan mo pa talagang pumatak ng 11:11am para lang biglang pumikit, magcross ng fingers, at magwish nang taimtim." napakahonest talaga nitong si Rowie.

Paakyat na kami ng stairs, pabalik sa classroom. Tapos na ang lunch break.

"Ano naman kasi masama don? Ikaw ba hindi umabot sa point na ganun?" tanong ko sa kanya habang paakyat na ng hagdan.

"Hindi.. Ang alam ko kasi timing ang kailangan dun.. hindi on-timing." sarcastic niyang sagot.

"Eh kung makakagawa ka naman ng paraan para matupad yun, bakit hindi mo subukan? Dibaaa? DIBAAA?!" pandidiin ko kay Rowie.

Umuso ang 11:11 sa Sta. Clara High School (SCHS) first year pa lang ako. Pero mas kumalat kasi maraming nagsasabi na natupad raw yung wishes nila. "It's worth a try," sabi ko. From that moment on, hindi na ako tumigil hanggang sa matupad ang wish ko. Ang kaisaisa kong wish. Kahit dina-down na ako ng mga classmates ko at dinidiscourage na ako ni Rowie eh naniniwala pa rin talaga ako. Ewan ko, baka dahil marami nang nakaalam na natupad ang mga wish ng iba, nawalan siguro ng bisa. HAYYY wag naman sana..

ROWIE's POV

*riiiiiiiiiiiiiiiiing!!* -school bell

"Oh yeah dismissal na!" inilagay ko na lahat ng gamit ko sa loob nang bag at lumabas na ng room, hinihintay si Ashlee. Nilabas ko ang malaki kong pamaypay na color hot pink. Ayoko kasi sa lahat ang pinagpapawisan. Gusto ko lagi akong fresh!! Hihihi!

Ang tagal talaga laging lumabas nitong babaitang to. Tsk. Dami kasing gamit!

"Hay salamat naman at lumabas ka na.. Ang init kaya.. Gusto ko nang umuwi!" pasinghal kong sabi kay Ashlee.

"To naman, hindi na nasanay. Tsaka ano namang difference ng init dito sa school at sa bahay niyo? Hahaha!" pang asar niya sakin.

"Eh syempre makakapagpalit na ako ng pambahay na damit!" naasar kong sabi.

"Ay! Tambay muna tayo saglit sa bahay! May ipapakita ako sayo. Dali!! Dali!!" excited na excited akong niyaya si Ashlee habang hinahatak ko siya.

"Hala, hindi pwde Rowie.. Marami tayong assignments ngayon.. Sa Friday na lang yan.." iritableng sagot niya. Ayaw niyang maiinterrupt sa pag-aaral. Pero pagdating sakin, wala siyang magagawa! Bwahahaha!!

 "Dali na.. Gagawin naman natin yan after ko ipakita yung ipapakita ko sayo. Saglit lang to!! I promise!! Pleaaaase??" pagpupumilit ko sa kanya with puppy eyes and pouting lips. Sabay hatak sa braso niya para tumakbo at magmadali.

Nang biglang...

"AHHH!!"

*BLAG SPLASH!!*

And she tripped with her face flat on the floor and her textbooks scattered.

"ASH!! Okay ka lang ba?" pag-aalala kong sabi sabay pulot ng mga libro niya. "Sorry Ash.. Sorry talaga.."

"Okay lang ako. Asan na yung salamin ko?" kinakapa niya sa sahig yung salamin.. Nang makita niya ito at balak nang pulutin, may kamay na papulot na rin nung salamin.

ASHLEY'S POV

Si Nick.. si NICK!! Nananaginip ba ako?! Natalisod lang ako nanaginip na ako?! Nauntog ba ako sa sahig? Kinapa kapa ko ulo ko para icheck kung may masakit. Wala naman.. Yung tuhod ko yung kumirot.

"Aww.." pabulong kong sinabi. 

"Hey? Yung glasses mo." natauhan ako. At nakita kong nakakunot na ang noo ni Nick.

"Ah.. eh.. Thank you.." napayuko ako sa hiya.. Naramdaman kong umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo. Saka ko sinuot yung salamin ko..

"Sa susunod, magdahan-dahan kasi sa paglalakad, Ms. Eleven." seryosong sabi ni Nick at nag-grin.

Nagulat ako sa tinawag niya sakin. Nakatitig lang ako sa mukha niya.. Mukha siyang maangas. Misteryoso. Seryoso. Hindi palangiti, at mas lalong hindi palatawa. Anong nagustuhan ko sa kanya? Ang mga mata niya.. Hazel brown.. Yun kasi ang una kong napapansin sa isang tao. Dun ko sila nakikilala. At ang tangos ng ilong niya. Ang kinis ng mukha niya. Ang gwapo niya pala talaga sa malapitan. Para akong nakatitig sa isang anghel. Hindi ko na namalayan na nangingiti na pala ako..

"Huy, tama na yan.. Halika na nga.. Pinagtatawanan ka na ng mga tao dito oh.." kinuha ni Rowie ang braso ko at iniabot ang mga librong naihulog ko. She dragged me down the stairs. And i didn't look back because of humiliation.

@ Garcia's Residence

"Magpapalit lang ako ng pambahay. Ikaw? Gusto mo bang magpalit din?" sinarado niya yung gate.

"Hindi na, tatanggalin ko na lang yung skirt at blouse ko." sabi ko kay Rowie. Inilapag ko na yung bag at ko sa sofa nila sa sala.

Hephephep! Of course may suot akong sando at shorts.

"Rowie! Painom akong tubig!"

"Sige kuha ka lang dyan sa ref!"

Pumunta na ako ng kusina at kumuha ng baso.. Binuksan ko yung ref nang biglang may kumalabog. Nagulat ako!

"Rowie?! Okay ka lang?" sigaw ko, nag-aalala.

"Ako yun Ash.. Kakarating ko lang."

"Tita Roanna, good afternoon po!" humalik ako sa pisngi niya.

"Andyan na si Mama?" lumabas ng pinto si Rowie. "Mama!! Buti andito ka na! Tulungan mo kami ni Ashlee!"

"Huh? Saan?" nagtataka kong tanong. Nakita ko ang hawak niya. Sandamukal na magazines! "Oh, para saan naman yan?"

"Dito tayo pipili ng bagong hairstyle mo! So Ma, what do you think will suit her best? Gusto niya simple lang eh. Uhm, ganito kaya? Yung kay Demi? Medyo layered tapos walang bangs? Ay ito na lang yung bagong hair ni Miley!! Sa side yung hati ng hair, tapos may side bangs!! Mahaba naman buhok mo at bagsak! Diba Ma?" medyo makulit at mapilit talaga tong si Rowie.

"Bakit ako tinatanong mo Lin? Ako ba magpapagupit? Ikaw Ash, ano ba sa tingin mo? Type mo ba yun?" Lin ang tawag sa kanya dito sa bahay nila. Sa school lang siya tinatawag na Rowie.

"E-ewan ko po.. Hmm.. Itong kay Selena na lang kaya?"

"NO!! No no no NO!! Hindi bagay!! Masyadong maikli!" nanggagalaiting sabi ni Rowie.

"Hay nako Lin siya dapat masusunod kasi buhok niya yan."

"Ma, kaya nga tayo andito para tulungan siya kung anong mas bagay sa kanya." pagpapaliwanag ni Rowie. Naku, baka umabot pa to sa bangayan eh..

"Ano po ba sa tingin niyo ang bagay sakin Tita?"

"Sa tingin ko bagay sayo yung buhok nito." tinuro niya yung kay Miley.

"See?! We have the same taste!!" proud na proud si Rowie.

"Ngayon na ba siya magpapagupit?" nagtatakang tanong ni Tita Roanna.

"YES!!" masiglang sagot ni Rowie at mabilis na tumayo at hinatak ako sa braso ko. Itong si Rowie ang hilig manghatak! Lalo na pag nagmamadali. Haaay.. Kaya ako natatalisod eh..

"Wait! Nakasando at short lang ako!!"

"Oh eto t-shirt! Bilisan mo!!" minamadali pa ako nito.. Siya ata magpapagupit eh? Mas excited pa sakin!

Iniabot niya sakin ang navy blue na v-neck shirt. Medyo maliita sakin pero buti na lang at stretchable. 

"Oh mag-ingat kayo at umuwi agad ha!"

"OPO!!" pareho naming sagot.

11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon