Curious Much?!

5 2 0
                                    

In-add ako ni Ivan sa facebook account ko pagkauwing-pagkauwi namin. Nagulat naman ako dun tapos bigla nalang siyang nag-chat sakin after kong i-accept yung friend request niya.

"Hi po." natawa nalang ako dun sa reply niya grabe lang akala mo talaga stranger ako tapos makikipagkilala palang siya. Anyway, baka naman ayaw niyang maging FC?

Me: Hoy! haha drop the formality hindi ako ganun katanda besides friends naman tayo kaloka to.

seen

typing.....

Ivan: 'Kay haha na-trip-an ko lang nasanay kasi akong nagsasabi ng 'po' 'pag kakakilala ko palang hehe. Peace :))

Me: Nga pala, hindi pa kabuuan ng school yung naipakita ko kahapon kasi may ibang departments pa. Tour kita ulit bukas.

Ivan: Talaga? Nice sige sige. Before break ulit? Before break kasi binibigyan kami ng konti pang oras bago yung mismong kakain na kami. Yung iba mag-aayos ng sarili para magpapansin sa crush, yung iba naman tinatapos yung ibang assignments kasi after break na yung subject na 'yon, o di kaya naman nagpupunta sa restroom para magbawas kasi nga kakain sila magkakalaman na naman tiyan nila... We're used to it sa 3 years naming itinagal sa school namin. That time is really special for us kasi nagagawa namin ang mga gusto at kailangan naming tapusin aside sa school works, it's like a break from everything.

Me: Oo, dun lang tayo maraming time eh.

Na-excite ako ng konti, first time kong mag-tour ng transferee. Tsaka kakaunti lang kasi ang nagt-transfer sa school namin, konti lang din kaming nag-aaral marami-rami lang pero hindi masyado. Bagong experience na naman to!

______________________________________________________

Hindi naman talaga kalkulado ang lahat eh. Sabi nga nila everything happens for a reason... Pero may mga pagkakataon talagang nananadya ang tadhana sa mga mangyayari sa buhay ng isang tao. Si Belle kasi go with the flow lang. Ayan tuloy, hindi niya alam na gugulatin siya ng tadhana sa mga mangyayari. Hindi siya handa, ni hindi niya ito inaasahan. Nakakatakot naman talaga ang future pero tumatakbo ang oras at ang kailangan lang nating gawin ay makiayon sa takbo ng mundo.......

Third-Person's POV

Natuloy nga ang pag-tour ni Belle sa bagong classmate na si Ivan. Nauna pa nga silang lumabas sa iba nilang classmates, hindi naman ito binigyan ng malisya ng mga kaibigan niya since naikuwento niyang they kinda know each other sa mukha nga lang kasi nga hindi nagpakilala si Ivan before. Inuna nila ang elementary department na malapit lang sa highschool department kung nasaan sila para makapag-save ng maraming time.


"As you can see malaki-laki 'tong Elem Dept. kasi nga mga bata ang nandito obviously, maraming areas na para sa kanila. Meron silang play area sa loob which is there," sabay turo ng babae sa isang kuwarto na may glass walls, aakalain mong wala sila sa school dahil mukha itong play place sa Mcdo. 

Naglakad naman sila pababa dahil hindi na naman talaga kailangang sabihin ni Belle ang bawat sections ng bawat grade level dahil makikita naman ito sa harapan ng bawat classroom. 

Pagkababa nila sa may Elem Dept. ay diretso ito papunta sa playground ng school, kung saan pati highschool ay tumatambay akala mo talaga bata pa din e kulang nalang bumigay yung bakal ng swing sa kaka-upo ng high school students don. Isa na don si Belle dahil 'yon ang isa sa pinaka-tahimik at payapang lugar sa school. Don siya nagmumuni-muni bago mag uwian o kaya 'pag badtrip siya... She finds comfort in this place and she doesn't even know why. Though hindi naman siya ganoon kabigat para masira ang swing.

Si Ivan naman ay kanina pa malawak ang ngiti sa labi, tuwang-tuwa siya sa nakikita niya. Naaaliw siya dahil para nga itong totoong tour sa kaniya sa laki ng school na nilipatan niya.

Patuloy lang sila sa paglalakad nang biglang makita ni Belle ang isang pamilyar na mukha na ni kailan man ay hindi niya nakita ng personal, sa panaginip oo... pero ang makita siya nang malapitan ay iba sa pakiramdam niya, ayaw niya ng feeling na and 'to she dismisses the thought. 

Pokerface ang lalaki habang naglalakad, ni wala nga itong paki-alam sa presensiya nila. That moment parang huminto ang oras para sa kanya, she's not exaggerating pero ganoon ang pakiramdam niya. Kung makikita mo lang ang mukha niya ay puno ito ang amusement habang tinititigan ang mukha ng binata. Hindi niya akalain na iba pala talaga ang itsura nito sa malapitan. He's just too good to be true for her. She has never seen this kind of a guy. Matangkad ito, mas matangkad sa kaniya, fair complexion, not-so-pointed nose pero matangos pa din, rosy pink lips, magandang mga mata. He's just the heartthrob-type-of-guy na akala mo hindi nag-e-exist sa totoong mundo. She was mesmerized by the looks of the guy. Akala mo talaga lumabas ito galing sa isang Shoujo Manga. Naalala niya bigla si Sakamoto na crush na crush niyang anime character, na perfect. But he knows this guy's not lahat naman kasi tayo may flaws.

Wala pang limang segundo ay nilagpasan na siya ng lalaki. Sila. Ni hindi siya tinapunan ng tingin nito ang naglakad na para bang siya lang ang kaisa-isang tao sa eskuwelahan. Lahat ng makakasalubong niya ay hindi niya pinapansin. 

Ang that makes him more mysterious for Belle, ni hindi niya mabasa ang facial expression nito. Hindi niya malaman kung ano ang iniisip nito. Malamang hindi siya mind reader pero sa ibang tao kasi ay nakikita niya sa facial expression palang ang pakiramdam ng ibang tao o reaction sa mga bagay. Pero that bland look was like "I don't care about everyone" for her.



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 22, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I First Met Him In My DreamsWhere stories live. Discover now