His name is...

9 1 1
                                    

Simula noon ay hindi na siya nawala sa isip ko. Minsan nga napapatulala nalang ako, lalo na kapag walang pumapasok sa utak ko sa mga lessons.

Makalipas ang isang buwan...
Busy ang lahat ngayon, sa araw na ito madaming ginagawa ang mga teachers, dahil nga malapit na Foundation Day.

Biglang lumapit sakin si Nymie as para chumika. Wala naman siyang ibang ginawa kundi dumaldal ano, syempre madaldal din ako e hehe.

"Uy Belle tingnan natin kung saang team tayo!

Sakto namang dumaan yung crush kong teacher...

OMG.

Ang guwapo talaga niya grabe.
Pumayag na din ako kasi gusto ko siyang maging team leader e. Hihihi.

Hindi magkamayaw ang mga estudyante nang maipost sa board ang teams, team leaders, and members ng bawat grupo.

Sa dami ng estudyante ay hindi na ko nagabalang tumingin pa. Ka-badtrip this haha. Sumandal nalang ako sa tapat, with my arms crossed, nakataas din ang kanang paa ko at nakasandal sa pader (A/N: yung pa-cool na sandal sa pader hahaha)

Sa hindi inaasahang pagkakataon. Dumating ang "Bad Guys" ng school na ito... Bad Guys daw ang tawag sa kanila cause' they're not boys anymore but grown-ups. "Guys" na daw sila.
Corny putek. Kahit ako nandidiri sa pangalan nila, pero hindi sa itsura.

Saksakan ng kahanginan ang limang to pero sasakan din ng ka-guwapuhan.

Marami silang fangirls at hindi ako isa don. Kahit mahangin sila may nagkakagusto pa din. Sa panahon nga ata ngayon puro mukha nalang tinitingnan hindi na puso.

Maangas silang naglakad papalapit sa board, hindi ko naman sila pinansin... Paki-alam ko ba naman sa mga mokong na yan. Ayoko sa lahat yung mayayabang.

Tumayo lang sila don hanggang sa magsialisan ang mga estudyante. Nanood lang ako habang nakasandal pa din. Si Nymie naiwan sa board.

"Uhm, miss excuse me ah? hehe" sabi ni Clifford Rivera, ang pinaka-mabait sa BG. Siya yung "ideal type of guy" ng grupo. MVP ng basketball, gentleman, at hindi flirty tulad ng iba. Guwapo siya 5'10 ang height, fair skin, medyo toned din ang muscles niya kakalaro na din siguro ng basketball. At siya lang ata ang hindi mayabang sa grupo.

At dahil guwapo tong isang mokong starstruck si Nymie... napatitig muna bago nakasagot.

"Ha?..... ah ahhh." tsaka siya umatras para makatingin si Clifford.

"Watch out miss baka ma-fall ka... ang lapit mo pa naman sa Cliff hahahahaha!" sabi naman nung pinakamayabang. Sa pagkakatanda ko siya si Vince Isaac. Guwapo din ang isang to'. Slightly fair skin, 5'7 ang height, tennis player siya at isa sa pinakamagagaling na player. Siya naman yung mahilig mabiro, or kumausap ng kahit sinong girls sa school. Siya nga daw ang "ultimate bad guy ng grupo".

Nanatili akong nakasandal pero nakababa na ang paa ko. Nanonood pa din ako sa kanila... habang nasa gilid pa din si Nymie at tumitingin ang BG sa board.

"Stop with your nonsense, Vince... magseryoso ka na." sabi naman nung isa sa isang kalmadong tono. Siya si Bryce Cervantes. Guwapo siya pero laging pokerface, siya yung "handsome genius" ng grupo. 5'9 din ang height tulad ni Clifford. He wears glasses pero lalo lang syang gumagwapo when he wears it. He has a fair skin too. Mayabang din to' kaso pagdating sa academics lang. Siya yung tipo na never ib-break ang kahit anong rule. Palaging sumusunod, but not even a gentleman. Para ka niyang laging ipinapahiya sa mga tingin niya kung makakasalubong mo siya kung saan. And yeah, he's not into girls or relationships.

"Woah... guys magkakahiwalay tayo ng grupo ngayon ah?" Siya naman si Skye Mendoza. Pinakamadaldal sa grupo. Gamer siya, at siya rin ang pinaka-flirty sa grupo. Guwapo din to di nga lang ganon ka attractive ang itsura para sakin, 5'8 ang height niya, Slightly fair din ang skin niya. Kahit sino ata pinupunteriya nito, mahilig sa girls. I also heard na sumasali siya sa mga tournament kaso hindi BG members ang kasama niya. Isa lang sa BG ang kasama depende pa sa laro.

I First Met Him In My DreamsWhere stories live. Discover now