I...saw HIM

17 4 0
                                    

Pagbalik ko sa 2nd floor para magpatuloy sa contest ay abala pa din pati ang ibang mga grupo. Ibinalik ko sa classroom ang lunch bag ko at dumiretso na sa library.

"Tara, tapos na ko"

Dali-dali kong pinunan ng kulay ang iba't-ibang parte ng poster at kanya kanya naman ang gawain ng bawat isa. Tulong tulong kami para matapos ang poster namin. Halos lahat naman ng kalaban ay hindi pa din tapos sa mga posters nila.



Makalipas ang ilang minuto ay nagkuwentuhan naman kami habang kinukulayan pa ang ibang parte ng poster... Hindi na kasi namin kayang tiisin at todo reklamo na kami dahil nakakangawit.



Kinabahan ako bigla... sa hindi ko malamang dahilan ay bumilis ang tibok ng puso ko na para bang hindi ako makahinga.

At para bang may nagsasabing tumingin ako sa direksyon kung nasaan ang entrance.


Sabay sa paglingon ko sa entrance, ay sumulpot and isang estudyanteng lalaki... Maputi, matangkad, at guwapo at payat ang pangangatawan. Hindi ko malaman kung paano magre-react sa sobrang gulat... Siya 'yon, ang lalaki sa panaginip ko. Napanganga nalang ako habang nagpapatuloy siya sa paglalakad papunta sa mga kaklase niyang kasama sa poster making contest.



And as he walk it seems like time is running slow... Bumabagal ang lahat sa paligid ko at para bang siya nalang ang nakikita ko...


Nawawala na naman ako sarili ko, nasa gilid ko lang siya at nakatunganga pa din ako. Hindi ko din maintindihan kung bakit ganon ang naramdaman ko.


"Nymie! Nymie, si-si-s-siya yon! Yu-yung lalaki sa panaginip ko!"

I stuttered. Dahil sa gulat ko.


Tiningnan ko naman ang iba pang mga kasama namin at sinabi ring siya yung napanaginipan ko, sa sobrang gulat ko sinabi ko na din, dahil kaninang umaga ko pa 'to tinatago sa sarili ko.



"Guys siya yon, yung napanaginipan ko! Ayun oh, tingnan niyo bilis!"




Si Karla at Pauline naman ay tila walang narinig at lumingon lang, at nagpatuloy sa pagkukulay ng poster. Masyado na silang pre-occupied sa ginagawa nila.





"Siya yon, siya yon! Oh my gosh siya yon! Nymie, kilala mo ba yon? A-a-anong pangalan niya? ha?"



"Si ano-" Tumigil si Nymie sa pagsasalita dahil pinandilatan siya ng mata ni Alex, kaya hindi niya nasabi yung sasabihin niya dapat. Kahit may naramdaman akong kakaiba sa kilos ni Alex ay hinayaan ko nalang, kahit ang totoo ang tagal tagal nung tanong na yon sa isip ko at ayaw mawala... Sino nga ba siya?



Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Gustong gusto kong malaman kung sino siya.



Makalipas pa ang ilang minuto ay natapos na din kami sa paggawa ng poster. At sobrang saya ko dahil makakapagpahinga na din kami. Sumobra na din sa extend ang oras ng contest dahil hindi pa tapos ang lahat ng participants.



At hanggang ngayon naiisip ko pa din siya....


"Tara guys, mall tayo!" sabi ni Nymie matapos naming ipasa ang poster.


"Oo nga para pahinga na natin kasi nahirapan tayo sa poster na yan." pagsang-ayon naman ni Alex


"Sige sige tara naaa!" Sabi naman ni Pauline



Si Karla naman ay hindi makakasama dahil uuwi na rin daw siya agad


Pumayag na rin ako dahil sapat naman ang perang dala ko at hindi ako magtatagal don.


Habang nakasakay sa jeep ay hindi ko maiwasang hindi isipin ang pagkakakita ko sa lalaking yon.

Everything felt wonderful and magical for me, and I admit it is my first time feeling so nervous just because of seeing someone.



Ang matindi, yung taong ni hindi ko pa kilala pero napanaginipan ko na, at mula pa kaninang umaga ay ayaw umalis sa isipan ko.




It really is something strange.

He's a transferee and I am so sure of that.

Pagdating sa mall ay kanya kanya kaming tingin ng mga damit, as usual what all the girls want... clothes





I First Met Him In My DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon